Kabanata 5

19 2 0
                                    

Kabanata 5

Dominique's

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at iniwan na rin maging ang kaibigan ko sa inis nang makita siyang nakikitawa sa mayabang na lalaking hindi ko matanto kung tao ba talaga. Ang kapal niyang kampihan ang bastos na 'yon.

Ako ang kaibigan niya ah!

Tapos, hindi niya manlang inisip ang nararamdaman ko sa pambabastos ng lalaking 'yon!

Kung hindi lang talaga ako mapagmahal na kaibigan, ay itinakwil ko na siya. Kaunti nalang ay iisipin ko nang may gusto siya sa lalaki na iyon e, ang tanging pinanghahawakan ko na lang ay ang sinabi niya sa aking hindi siya magkakagusto ro'n. Well, siguro ay inaasar niya lang ako at dahil nga ganoon din ang ginagawa ng lalaki sa akin ay doon niya naisipang kumampi upang makipagtulungan.

I guess, birds with the same feather really flocks togtether.

Tch.

This two is making me so damn pissed.

Nakayuko akong naglalakad dahil sa hinahanap ko ang telepono ko sa aking bag kaya hindi ko namalayang ako ay bumangga sa pader. Napasalampak ako sa sahig at ininda ang sakit ng puwitan ko. Nakita ko rin ang siko ko na ngayon ay may kaunting dugo.

Ikinalat ko ang paningin ko para hanapin ang tumilapon kong telepono, nang makarinig ako ng mala-anghel na tinig.

"Miss? Are you okay? I'm sorry, ahm is this your phone? Here," boses ng pader. Teka? May nagsasalita bang pader? O kung pader nga ba yung nagsalita.

Iniangat ko ang ulo ko para malaman kung kanino nanggaling ang malaanghel na boses at awtomatikong nanlaki ang aking mata nang makita ang napakagwapo at malaanghel ding mukha, nabagok ba ako mula sa pagkakabangga sa pader?

Kung gayon, patay na ba ako?

Anghel ba siya ni San Pedro? Pero teka! Hindi pa ako pwedeng mamatay! Paano na ang mga pangarap ko?

Paano sila Mommy? Si Daddy? Si kuya at si bunso? Hindi manlang ako nakapag paalam sa kanila.

Si Mel? Hindi manlang kami nagkaaayos bago ako sumakabilang buhay.

"Miss?" Muling pagtawag sa'kin ng parehong tinig, sabay mahinang tapik sa pisngi ko na nagpabalik sa'kin ulirat? Nahahawakan niya ako? Hindi pa ako patay? Hindi siya anghel? Magulo ha! Naguguluhan ako. Can somebody explain to me what is really goin' on?

Naguguluhan ko siyang tinanong. "Hindi pa ako patay? Hindi ka anghel?".

"Silly, of course not, bakit ka naman mamamatay?" Natatawang sabi niya na naging dahilan para magsilabasan ang mapuputi niyang ngipin. Oh Jesus Christ, those smile, sapat na para madala ako sa ulap, at ang hininga niya, girl, napakabango! Mahihiya ang taong nagsepilyo ng isanlibong beses!

Okay, I'm exaggerating!

"Hindi ba bumangga ako sa pader kaya ako nabagok?" Naguguluhan ko paring tanong.

Lalo siyang natawa sa tinuran ko. "You're cute, hindi ka sa pader bumangga, kun'di sa akin. Pasensya kana, nagmamadali kasi ako dahil may hinahabol ako kaya hindi kita napansin," paghingi niya naman ng paumanhin sabay lahad sa akin ng kaniyang kamay na kaagad ko namang inabot upang makatayo. Grabe ang lambot ng palad niya. Dinaig pa ang palad ko.

Nakaramdam tuloy ako ng kaunting hiya. Iniabot niya na rin sa akin ang cellphone ko na sa palagay ko ay lumipad ng bumangga ako sakanya. Mabuti na lamang at kaunting gasgas lang ang natamo nito at hindi tuluyang nabasag o nasira

"Ah hindi, okay lang, hindi rin naman kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko kaya ganoon. Wala kang dapat ihingi ng pasensya, I'm also partly to blame because I'm not paying attention to where I was walking," paglilinaw na saad ko.  Napangiwi ako ng maramdaman ang paghapdi ng sugat ko, pinampag ko ang duming dumikit sa kasuotan ko, pagkatapos ay itinapal ang kakukuha ko lang na puting panyo sa sugat kong dumadami na ang dugo.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon