Kabanata 6

14 2 0
                                    

Kabanata 6

Dominique's

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan at tensiyonadong-tensiyonado habang hinihintay ang pagdating ng aming dean. Nagkataon kasing nauna kaming makarating sakanya rito sa opisina niya kaya nadagdagan ang kaba ko.

Nakaramdam pa ako ng kaunting inis dahil habang heto ako't kabang-kaba, ang mokong ay prente lamang na nakade-kwatro ng upo at sumisipol pa.

Hindi ko man lang mabakas sa mukha niya ang kahit katiting na kaba. He's even smirking at me, as if he's enjoying everything that is happening to us. The hell with this man?

Hayop na ito, ilang beses na ba akong nasangkot sa eskandalo at pagkapahiya dahil sa kagagawan niya? I can't even count it using the fingers of my hands!

Hindi ko pa nga nakalilimutan ang pambabastos niya sa akin sa cafeteria kahapon, maging ang kanyang pang-aalaska sa akin sa gilid ng kalsada tapos, ito na naman at may panibago! Sakit talaga sa ulo ang lalaki na ito. Kailan ba siya mawawala sa landas ko?

Habang nag-iisip nang kung ano-ano ay naulinigan ko ang pagpihit ng seradura ng pinto kaya dumoble ang kaba ko, sumidhi pa nang sumilip sa bukana nito ang aming dean na ngayon ay umuusok na ang ilong sa galit at mukhang bubuga ng nagliliyab na apoy.

Kasabay nang sunod-sunod na paglapat ng kanyang takong sa sahig na naglilikha ng makapanindig balahibong tunog ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Nang makaupo sa silya ay tumikhim siya panandali bago kami sinimulang interogahin. "Mr. Celidonio, and Ms. Ruz! Do you have any idea about what you just did in the hallway?!" Pasigaw na sabi ng dean na nagpapitlag sa'kin sa pagkakaupo. Napa-angat pa ang aking puwitan sa labis na pagkagulat sa biglaan niyang pagsigaw. Mukhang hindi na siya nakapagpigil pa.

Sasagot na sana ako at magpapaliwanag ngunit naunahan ako ni Darelle. Napamaang ako sa isinagot niya.

What the effin' heck!

"Yes dean, we kissed," Darelle replied calmly, kaya naman napatingin ako sakanya. Grabe, ang lakas talaga ng loob niya.

He's unbelievable!

Pasmado talaga ang bibig ng antipatikong ito. Dapat ay maputulan na siya ng dila! Walang mabuting maidudulot ng bibig niya kung hindi kapahamakan sa mga taong nakapaligid sakanya.

Napahilot naman sa sintido niya si Mrs. Arcibal. "Oo! Naghalikan nga kayo and that is Public Display of Affection. Don't you know that what you just did is a ground for expulsion? Hindi niyo alam 'yun, o sadyang hindi lang talaga kayo nagbabasa ng university rules? Let me just remind you incase you're having amnesia, right after you enrolled here, each of you are given a small rule book which contains the rules of the university, and just to remind you, those rules are made to be followed! Hindi 'yon pinagkagastusan ng university at ibinigay sa inyo para ipamunas niyo sa mga puwit niyo kapag tumatae kayo, kung sakaling maubusan kayo ng tissue. Don't you know that?" Galit na turan ni Ma'am Marinel na lalong nagbigay kaba sa akin.

Hindi ako pwedeng ma-expell dito sa eskuwelahang ito. Malapit na ako gumraduate, mapapatay ako ni mommy kapag na-expell ako.

Kasalanan ito ng lalaking 'to e. Simula ng dumating siya, nagkanda leche-leche na ang buhay ko.

"Y-yes d-dean, we k-know," I responded, stuttering.

Tiningnan ko ng masama ang lalaki dahil hindi siya sumagot, ngunit sinuklian niya lang ako ng kibit-balikat sabay ngisi. Pucha talaga! Makakapatay ako! Huwag niyo akong pigilan!

Ibinaling ko ang tingin sa dean at sinimulang magmakaawa. Kulang na nga lang ay lumuhod ako sa harapan nigya. "Ma'am please, this is just my first offense, please give us another chance. Hindi po ako pwedeng maexpell. I am running for cum laude and I cannot afford to lose that, my mom will surely kill me if any of these will happen. Please dean, spare us," paghingi ko ng pangalawang pagkakataon.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon