Kabanata 21

0 0 0
                                    


Dominique's

The movie viewing went well. Ipinagluto niya pa ako ng Chicken Adobo na may sarsa na isa sa mga paborito kong ulam. Hindi ko akalain na marunong pala siyang magluto. Bahagya pa akong nahiya dahil hindi tulad niya, prito lang ang alam kong lutuin. Minsan nga ay pumapalpak pa. Pero, maalam naman ako sa ilang mga gawaing bahay.

Naturuan naman kami kung paano ang tamang paglilinis ng buong bahay, paglalaba, at paghuhugas ng mga pinag-kainan kaya nga nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagpresintang maghuhugas. Umangal pa nga siya at sinabing siya na lang pero hindi ako nakinig. Ang kapal naman ng mukha ko kung magbubuhay prinsesa ako at aalilain siya.

Sa relasyon, hindi dapat palaging ang lalaki ang gumagawa, gumagastos at kung ano-ano pa. Hindi rin dapat palaging babae lang. Ang dapat ay pinaghahatian ito ng parehong bahagi. Kung ang lalaki ang gumastos sa pagkain, dapat ang babae ang bumili ng inumin. Katulad ng sa ginawa namin ngayon. Siya ang nagluto, kaya marapat lamang na ako ang naghuhugas.

Wala na rin naman siyang nagawa dahil hindi naman ako papipigil kahit ano pa ang sabihinX o gawin niya. Sa huli'y napagdesisyonan  niya na lang rin na tulungan ako. Hindi na ako umapela pa dahil baka humaba pa ang ang pag-uusal at maging dahilan pa ito ng aming pagtatalo.

Hindi naman namin nais na isang napakababaw lamang na dahilan ang makasira sa amin. Walang makasisira sa amin. We are like, Marielle and Dina of the movie unbreakable. Just like, Dina's boobie. Chabelina and Chestina. We are inseparable.

After we washed the dishes we continued watching movie, but this time, it's his favorite. To all the boys I've loved before by Noah Centineo and Lana Condor. Nakakatuwa ano? Kalalaki niyang tao pero ganoong klase ng palabas ang hilig niya. Nang tanungin ko kung ano dahilan niya, ang sagot niya'y nais niya raw kasi magkaroon ng relasyong kapares ng kanila Peter at Lara Jean na kahit sinubok ng ilang mga pagsubok ay hindi nagpatibag.

I was very amused with his answer. Bibihira na lang ang lalaki ngayon na gustong magsettle down sa iisang babae lang. Dahil kung hindi kasi nambababae ang mga lalaki, e pumapatol naman sa kapwa lalaki. Don't get me wrong, I have nothing againts with the same sex relationship, actually I have many male friends who fall in love with the same gender and I love them, they have my full support. But my point is that, we should treasure those kinds of men because just like wild animals, they are endangered.

The movie lasted for a few hours until we decided to call it a day. Hinatid niya ako sa tapat ng aming bahay. Inaya ko pa nga siya sa loob ngunit tinanggihan na niya ako. Ang sabi niya ay bukas na lang daw niya muling kakausapin ang aking mga magulang sapagkat gabi na at ayaw na niyang bulabugin pa ang mga ito. Sumang-ayon na lang rin ang dahil may punto naman siya. Ayoko rin namang makabulahaw.

We just bid our goodbyes and planted a soft kiss on each other's lips before we turned our back to each other. Dahan-dahan akong naglakad papasok ng bahay at hindi gumawa ng kahit na anong ingay para wala akong maistorbo.

Ihahakbang ko na sana ang aking kanang paa sa unang baitang ng aming hagdanan ng marinig ko ang mahinahong tinig ng aking ina, dahilan para mapatalon ako sa gulat. "What are you doing, honey?" Tanong niya.

Nilingon ko siya at nakita kong nakangiti siya kaparehas ng aking ama na nakaupo sa tabi niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang pagkagulat.

"Mom! Bakit naman kayo nanggugulat? Nariyan naman pala kayo, e, bakit nakapatay ang mga ilaw?" Maktol ko pagkapindot sa switch ng ilaw. Nagliwanag ang buong paligid.

"Sinadya namin iyon, baka kasi kapag nakita niyong maliwanag rito ay maging awkward kayo sa pagpapaalam sa isa't-isa. We don't want that to happen so we just decided to turn off the lights wile we are waiting for you. Umepekto naman dahil nakita kong hinalikan ka niya," saad niya na nagpalaki sa mga mata ko. My parents saw that? Oh my God!

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon