Chapter 3

445 10 1
                                    



Hindi ko na yata alam kung anong gagawin.Para akong nakakulong sa isang lugar kasama si sir Cedrick.

Hindi ko nakita iyong sasakyan niya at napag-alamang iyong motor niya ang kanyang gamit.Pinaghanda rin ako ni Mama ng kanyang makakain kung kaya't naisipan kong magbalat na lang ng mangga dahil isa iyon sa kanyang paborito.

Pinahiran ko ang pawis na namuo sa aking noo saka huminga ng malalim habang bitbit iyong pinggan na puno ng hinog na mangga.Binigyang lakas ko ang sarili bago hinatid na iyon sa mesang nasa kanyang harapan.

"Gustuhin ko man sana po,sir,kaso baka aabutin ako ng ilang araw bago gumaling iyong paa ko,"saad ni Mama habang hinahawakan iyong kanyang paa.

Napatingin ako doon saka napansin ang tila pamamaga niyon.

"Anong nangyari dyan,Ma?Okay pa naman po 'yan kahapon,ah?"

"Hayaan mo na.Gagaling rin naman 'yan ng ilang araw,"panigurado niya sa akin.

Nagiging kulay violet na iyon tapos parang hindi pa siya makakalakad ng maayos.

"Sir Cedrick,pwede naman pong si Zaeia ang pansamantalang papalit doon.Tutulong na lang din po ako,"dugtong ni Papa.

Maski ako ay papayag din sa naging desisyong iyon ni Papa lalo pa't ayoko rin namang mahirapan si Mama.Kaso nga lang,paano ako makakapagtrabaho doon kapag wala si Mama?

Nagiging matapang lang naman ako kapag kasama siya doon.Hindi ko lang talaga alam kung paano kikilos kapag nasa malapitan si sir.

"It's very okay naman for me,po.Pwede rin naman po kayong matawagan minsan ni Mama kung kinakailangan niya ng driver.At isa pa,medyo kaunti lang naman po ang lilinisan sa bahay sa ngayon."

"Sigurado po ba kayo,sir?Sanay naman po ang anak ko sa mga gawain doon."

Natawa ng bahagya si sir Cedrick.Napakagat ako sa labi dahil sa napakaganda niyon sa aking pandinig.

"Sigurado po.Hindi ko naman po papahirapan si Zaeia doon."

Napatingin naman ngayon sa akin si Mama.Bakas sa kanyang mukha ang tila pagkwestyon sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay saka binigyan siya ng ngiti.

"Kaya ko naman po doon,Ma.Ang importante ay gumaling po ang paa ninyo."

"Sigurado ka ba?"tumango ako.Mas importante ring may kitain rin kami kahit papaano dahil hindi sa lahat ng oras ay mayroong grasyang dumadating.

Dito na nga lang kami nakakakuha ng malaki-laking pera sa mga Valdemora,mas masasayang lang kapag hindi kami nagtrabaho doon.

Isa pa,naging malapit na rin kasi ang loob ni sir Cedrick kay Mama kaya imbes na kumuha ng iba,mas gustong si Mama pa rin ang gumawa ng ibang trabaho doon na isang malaking biyaya para sa amin.

"Ah,s-sir,kailan po magsisimula?I mean,may bakanteng oras pa naman po ako ngayon..."hiningal na kaagad ako sa nasabi.Bigla akong napatigil at naghanap ng hanging pwedeng malanghap.

"Sige,kung okay ka ngayon,pwede ka namang sumakay sa akin."

"Po?!"histerya ko.Napatakip naman kaagad sa bibig dahil sa naging reaksyon. "Ibig ko pong sabihin,ano...kasya po ba tayo sa motor?Pwede naman po akong mag-tricycle na lang,sir."

Ito na nga ba ang sinasabi ko.Pumapasok pa lang sa isipan ko ang mangyayari habang sakay niya ako sa motor niya ay hindi ko masikmura.

Magmumukha akong tangang nakasakay habang siya ay kahit isang simpleng tao ay pinagtitinginan ng mga tao tuwing dadaan sa kalsada.Medyo malubak pa naman.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon