Chapter 38

504 9 1
                                        

"Why you always think that I'm married? Saan mo nasagap ang balitang iyan?"

"Don't fool me. Ikinasal ka na kay Trixzie, hindi ba?" pagsagot ko rito. Imbes na ipaliwanag sa akin, mas natawa pa ito.

Huwag niyang sabihin na hindi siya kasal? I mean, engagement na niya noong huli kong kita sa kanya kaya napakaimposible namang hindi siya kasal.

Ginawa ko ang kanyang ginawa sa akin kanina. Inilipat ko ang tingin sa kanyang daliri upang hanapin kung mayroon bang singsing doon pero wala.

Kahit isang singsing, wala akong nakita.

Maybe he removed it before swimming. Maski ako, kahit kasal naman na ay hindi kayang mawala ang ganoong bagay.

"Bakit ko naman siya pakakasalan? I don't love her," he defended but I raised my brow. Naging mapanuri ang tingin ko sa kanya, hindi naniniwala sa kanyang isiniwalat.

Halata naman dati na gusto nga niya ang nangyari. Now that we've finally seen each other, he is now saying this to me. Upang paniwalain na naman ako sa kanyang mga salita na wala akong kasiguraduhan.

He knows that I love him so he thinks that because of that, I will come back to him. Sa simpleng pag-amin lang sa akin ng ganoon ay akala niya ba, maniniwala ako?

"Sinungaling. You even pushed me away before. Dahil ba hindi mo gustong marinig ko na sa iba ka ikakasal?" mahinahon kong tanong.

Ngayong nakahanap na siya ng tahimik na lugar kung saan dalawa lang kami, siguro ito na rin ang oras na gusto niyang mangyari. Na magkaroon kami ng mabuting pag-uusap.

"Nagmakaawa kang umalis ako. I witnessed how you smile just because of her. Siya na pala ang kasiyahan mo," dugtong ko pa. He listened as if letting me to say anything against him.

Nawala ang munting kaba ko. Maski ang takot ay unti-unting lumalaho. He can make me feel scared and safe at the same time.

Iba ang Cedrick na nasa harap ko ngayon. Na parang hindi siya iyong katulad ng Cedrick bago ako makaalis sa Galleria.

"Alam mo bang bumagsak ako sa exams ko nang dahil doon? Na iyong pinaghirapan ko, napunta lang sa wala? Siguro naman ay alam mo kung bakit ako nagtatrabaho sa'yo noon, 'di ba? Upang makaahon sa kahirapan."

Wala akong balak na ipamukha sa kanya kung anong naidulot ng mga nangyari sa buhay ko. I just want him to know about what happened to me. Inaamin ko lang ang katotohanan sa kanya.

He stared at me. I managed to fight back against it. At alam kong sa aming dalawa, ako ang naduduwag.

"Noong narinig ko ang naging anunsyo na ikakasal ka sa iba, syempre, nadurog ako. Dagdagan pa ang isiniwalat sa akin ni Trixzie na ginamit mo ako," napangiti ako ng bahagya.

Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi niya sa akin. Na hindi ko maaabot ang mga gusto ni Cedrick sa isang babae. Na ginamit niya lang ako para hindi nga maikasal sa kanya.

"Hindi ako nagalit at mas lalong hindi ako nanghingi ng kahit na anong eksplenasyon sa'yo. Alam ko naman kasi na kahit na anong mangyari, siya ang pipiliin mo."

Iyong panahon na kung saan ako sinampal ng katotohanan. Mas lalo akong nadurog kasi alam ko na hindi na ako magiging parte ng buhay niya. Na naging isang katulong niya lang ako.

"I suffered. At hindi totoong naging mas malakas ako noong wala ka na sa tabi ko, na alam kong kahit kailan, hindi ka na magiging akin," puro kasinungalingan lang naman ang nasabi ko sa kanya.

I wanted to act strong and independent. Gusto kong ipamukha sa kanya na nakaya ko kahit wala siya. It was all the opposite.

Naging mabigat ang lahat sa akin. Ang mga kinimkim na sama ng loob, inis at tampo ay naghalo-halo kaya sa halos ilang taon, halos lahat ng araw at buwan doon ay naging mahirap sa akin para bumangon sa isang pagbabago.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon