Chapter 16

222 7 0
                                    

Hindi ako nakaabot ng klase ngayong araw.Late na ako nagising at halos hindi na rin ako nakapag-ayos ng sarili bago man lang makapunta ng school.

I finished my school works but I guess,I will be suffering from not having some enough sleep.Wala na akong ginawa kundi ang humikab ng humikab buong klase.

Whole day at punuan ang sched ko ngayon.I managed to pass what I did last night.Parang bangag akong nagpapasa kanina dahil antok na antok pa ako.

Nilapag ko ang magiging almusal ko pa lang.Tanghali na ngunit iyon pa lang ang kakainin ko.

Ni hindi na ako nakakain kanina pag-alis ng bahay sa sobrang pagmamadali.Lessons are important to me.I don't wanna miss it.

Humigop ako ng sabaw at hindi na inalintana ang antok na nararamdaman.First time ko yatang ma-late ngayong taon at nakakapanibago.Parang wala akong natutunan kanina sa discussion.

I saw Mathew at the other table.Nginitian ko siya ngunit mabilis niyang iniwas ang tingin.Mga kaklase niya yata ang kanyang kasama.

Ilang araw na ba simula noong hindi na kami nag-usap?Maski isang beses man lang pagkatapos nun ay tuluyan na niya akong kinalimutan.

Hindi na siya iyong nangungulit o kaya naman ay iyong bumabati sa akin.I rejected him nicely.Hindi naman masyadong mapanakit iyong nagawa ko sa kanya kaya bakit ganon naman siya kung magtampo?

I sighed deeply as I ate fastly.Kakaunti lang naman ang binili ko.Mabubusog naman kahit hindi ganoon karami.Pamasahe ko pa naman ang natitira dito.

Isa pa,mahaba pa ang oras ko tapos mamaya ay buong klase na naman ako hihikab.Ayokong umabsent pero mukhang ibabawi ko ang tulog ko mamaya kapag nakauwi na.

Mabilis kong iniligpit ang bag ko saka dumiretso sa labas ng campus para mag-computer.Hindi para maglaro,kundi para mag-research.

Hindi na ako nagulat nang madatnan doon si Dahna na malapad ang ngiti habang may kinakausap sa screen.Napakunot ang noo ko sa nakita.

Boyfriend niya iyon at tila matagal-tagal na ang oras nilang nag-uusap.Akala ko ba dito rin nag-aaral kaya bakit sa screen na lang sila nag-uusap ngayon?

Naalala ko tuloy iyong halikan nila sa library.Parang isang hindi magandang memorya para sa akin.

Inukupa ko ang bakanteng computer na nasa tabi niya.Kung hindi pa ako nakagawa ng ingay ay hindi niya ako mapapansin.

"Wala kayong klase?" usisa ko sa kanya.

"Wala.Dito ba ako kung meron?Duh?" napairap ito sa akin at itinuloy ang pag-uusap sa boyfriend niya.

Mabilis kong inalis iyong headphone sa tenga niya at kinausap na naman.

"Sigurado ka?Baka nag-cutting classes ka?"

"Tsk.Hindi.Bakit ka nandito?Hindi ka naman mahilig mag-computer."

"Research.Tulungan mo nga ako.Hindi ko masyadong gamay 'to," totoo.Hindi naman kasi ako masyadong gumagamit ng computer kaya hindi rin gaanong marunong.

"Ano?Doon ka na lang sa operator magpatulong.May kinakausap ako,oh."

"Sige na.Hindi naman matagal.Huwag mo munang kausapin 'yang boyfriend mo."

"Naman,eh.Bakit ba kasi nahihiya ka?Hays.Sige na nga.Hindi lang matagal,ah?Istorbo ka sa usapan namin,eh."

My grin widened because she finally agreed.Siya na ang nag-on ng computer saka diniretso sa site na pwede kong kunan ng pwedeng i-research.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon