Chapter 17

212 6 0
                                    

"Rest,okay?Take a good sleep.I'll fetch you here tomorrow," nakababa na ako sa sasakyan niya nang sabihin niya iyon.

"Hindi mo ako papapuntahin sa bahay mo?" I asked. Baka kasi maraming gagawin doon saka tutulungan ko pa naman si Mama.

"Nah.You're tired already. I can do the chores there. Hindi mo naman kailangan pagurin lalo ang sarili mo."

"Baka ano...baka kasi kakailanganin ng tulong ng mama mo?" umiling ito na fila kinukumbinsi akong hindi na pumunta pa doon.

"She won't. Sunduin kita dito bukas. Now,get some sleep," hindi na ako nagpumilit pa sa kanya.

Tumango na lang ako. His actions were too fast. Naramdaman ko na lang ang malamig niyang labi na lumapat sa noo ko.

He tucked some strands of my hair before caressing my face. His stares never left mine. Naroon na naman ang pagiging estatwa ko.

"Good night,Zai."

Napalunok ako. Masyadong malambot ang kanyang boses kung kaya't parang hinihila ako ulit ng antok.

"G-Good night."

Narinig ko pa ang munting tawa nito. I stuttered. Alam kong ayaw niyang nauutal ako kapag kausap ko siya. But I can't help it.

"Huwag ka nang nauutal pagdating sa akin. Ako ang hindi nagiging komportable kapag nauutal ka.Pakiramdam ko tuloy,natatakot ka sa akin."

I didn't say a word. Tumango na lang ako dahio baka mautal na naman kapag nagsalita.

He waved at me before getting in to his car and started the engine. Bumusina pa ito bago tuluyang umalis sa harap ko.

I sighed as I entered the house. Naabutan ko si Papa na naghahanda na ng makakain ko. I glanced at him. Nakangiti nito akong sinalubong bago ako nagmano sa kanya.

Matagal bago namin siya nakasama dahil sa naging trabaho niya. And now,he is with us. Ang kaso nga lang,si Mama,naroon sa bahay ni Cedrick,nagtatrabaho rin.

Sabay kaming kumain. He patiently waited for me just for this. Hindi naman kasi araw-araw ay ganito ang sitwasyon.

Pagod galing sa trabaho kaya dumidiretso na sa pagpapahinga.That's the scenario everytime after his work. Kung minsan naman ay hindi na kaming lahat nagsasabay.

Tumikhim ito. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain nang marinig iyon.

"Hinahatid ka na sir Cedrick?" napaubo ako ng kaunti,nagugulat sa naging tanong niya.

Hindi ko nga pala nasasabi pa sa kanya ang tungkol sa sitwasyon namin. I don't know if he really wanted to hear that Cedrick's my suitor.

Lalo na,doon kami nagtatrabaho. Hindi naman istrikto sa akin si Papa pagdating dito pero kasi,iba na,eh. Si sir Cedrick,iyong may-ari ng bahay na pinagtatrabahuhan namin.

"Ah,opo," inayos ko ang pagsasalita. "Sinundo niya ako sa eskwelahan."

Maikli lang iyon pero naging dahilan kung bakit mas tumahimik ang paligid sa pagitan namin.

"May namamagitan ba sa inyo ni sir Cedrick?" napalunok ako ulit.Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kung aaminin ko ngang nanliligaw sa akin ito.

Napasubo ako ng kanin ulit.Para bang kahit sa ganoong paraan ay nawawala ang kaba sa akin.

"Nanliligaw po sa akin,Pa."

There.I said it without any hesitations. Hindi ko alam kung may dakilang katapangan na nga bang nabubuo sa loob ko nang sabihin iyon.

I am not expecting a good comment from him after that.Iyong pumapasok sa isipan ko ay ang tila hindi nito pagtanggap sa nasambit ko.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon