Chapter 8

294 9 0
                                    

I distanced myself.Hindi ako nakatulog ng ilang gabi sa sobrang kaba.

Ang tanong na hindi ko gugustuhing marinig sa kanya,tanong na hindi ko inaasahan ay nadinig na.

It is an easy question that can be answered right away.Pero ako?Natulala tapos hindi nakapagsalita pagkatapos niyon.

I remained silent after that.Ni hindi ako humiling ngayon na pansinin niya ako.Buti na lang dahil mas naging busy ito sa ginagawa kaya hindi na ako kinukulit pa.

Nagtatrabaho pa rin naman ako doon pero minsan ay hindi ko nakakaligtaang lumiban rin dahil kinakailangan din ni Mama ng tulong sa bahay.

Si Papa ay gabi na rin umuuwi sa pagmamaneho at ako na rin ang nag-aasikaso.

Katatapos lang ng klase namin at nandito kami sa canteen.Pilit kong isiniksik ang sarili para tuluyang makabili.

Ni hindi ako nagkaroon ng malayang pag-iisip nang dahil sa tinanong niya sa akin.I always find some ways to not be near at him.

Padabog kong inilagay ang pinamili sa mesa.Kasama ko si Dahna na ngayon ay sumasagot sa activity na pinagawa sa kanila.

Kinain ko ang tinapay na halos lamunin na.Hindi ko nakukwento sa kanya ang tungkol doon dahil baka pagtawanan na naman ako.

"Oh?Galit na galit?"saad nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa kong palalimin ang iniisip nang dahil sa ganoong bagay at hindi tungkol sa lesson namin.

The effect of Cedrick for me is unbelievable.Nagagawa nitong gawin akong parang siraulo sa kakaisip sa kanya.

Hindi ko siya pinansin at itinuloy ang kain.The memory of it stayed inside me.Wala akong isinagot sa kanya dahil takot akong malaman niya ang totoo,na gusto ko nga siya.

Okay na ako na kapatid niya lang ang nakakaalam doon,huwag lang siya.

"Hi,Zai," sa gitna ng pag-iisip,nadinig ko ang matinis na tinig na iyon papunta sa gawi ko.

Mathew is smiling widely while walking.Kahit na nasa malayuan ay bakas ang pagiging gwapo nito na kahit minsan ay hindi naman ako nabighani.

Madalian akong uminom ng tubig nang tuluyan itong naupo sa tabi ko.He greeted Dahna first before giving me his attention.

"Are you free later?Gusto sana kitang dalhin sa restaurant kaya tatanungin ko lang kung payag ka ba?Remember what I told you last week?"

"Iyong pagpapasalamat mo ba?Anong oras ba?"tanong ko sa kanya.

Malayo naman kasi dito ang mga restaurant tapos doon pa niya napagplanuhan.

"Aba,pwedeng makisama?May date kayo?"singit ni Dahna sa amin.

"Hindi naman date,"pagtatanggol ko.Natigil saglit si Mathew nang dahil sa sinabi niya.

Napakamot ito sa batok saka nagpakawala ng pilit na ngiti.Iyong itsura niya ay parang nahihiya pa.

"Actually,well,it's a thank you for her.Gusto ko lang kasing magpasalamat sa pagtuturo niya sa akin."

"Wow!Kung ako din kaya ang magturo sa'yo?Ililibre mo din ba ako?"binigyan ko siya ng mariing tingin,pinapatigil kung ano ba ang kanyang sasabihin.

Ngunit hindi niya iyon pinansin habang nakikipag-usap kay Mathew.

"Depende na lang.Sa ngayon kasi,si Zai na lang muna.Kung okay lang sa kanya,"napatingin ito ulit sa akin.

The Night When He Changed (Valdemora Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon