Ano ba ang dapat na katangian ng isang tao para magkagusto?Mayroon bang kinakailangang abutin?Na dapat ay magkasing pantay kayo ng taong nagugustuhan mo?
May katayuan ba dapat kapag nagkagusto ka sa isang tao?Kailangan ba kapag mayaman ang gusto mo,maging mayaman ka rin?
Minsan ko nang naririnig sa mga kaklase ko ang ganoong bagay.Hindi ko naman sinasadyang marinig pero nang naisip nga ang tungkol doon,hindi ko alam kung mas gugustuhin ko pa bang magkagusto sa mayaman.
Marami na akong nabasang mga kwento.Kung hindi ka mayaman,itatakwil ka ng pamilya ng taong mahal mo sakaling may kaya nga ito.
Iyon ang masaklap kasi wala kang laban,wala kang magagawa dahil wala kang kaya.
Alam kong wala akong magiging pag-asa sa kanya...
Isang di hamak na nagtatrabaho lang ako sa kanila,malayong-malayo sa nagiging pangarap ko.
Walang gana akong nagpakawala ng mahabang hininga,hindi na nakukuntento sa mga naging pag-iisip ko tungkol doon.
Lagi na lang.Tuwing napupuno ang utak sa ganoong bagay ay hindi ko mapigilang kwestyunin ang magiging kakayahan ko kung sakali.
Hindi ako isa sa mga babaeng magugustuhan niya at kailanman ay hindi na mangyayari pa iyon.
Simpleng pagkagusto na nauwi sa malalim na pagkahulog.
Sinimulan kong ligpitin ang mga gamit,lumabas na ng campus at naghintay ng tricycle na pwedeng masakyan.
Isa ako sa mga kolehiyong estudyanteng nag-aaral rito sa San Lazaro.Nag-iisa lang ang paaralan rito para sa kolehiyo kung kaya't mula sa Galleria de Asuncion ay kailangang makasakay ng tricycle sa loob ng isang oras.
Hindi naman mahirap para sa akin dahil bente pesos lang naman ang pamasahe tapos kapag hindi naman puno,singkwenta pesos na minsan ay kinukupit ko pa sa naging ipon ko.
Simple lang din ang trabaho ni Mama.Paglilinis saka minsan ay parang kasambahay na rin ng mga Valdemora.Doon lang kasi siya nakakakita ng malaking pera,tapos kung walang pinapatrabaho sa kanya ay tanging paglalaba ng damit na kaunti lang ang nakikita.
Maswerte na ako dahil nagagawa pa nilang pag-aralin ako kahit malaki ang nagiging gastos ko.Iyong mga ipon ko,napupunta minsan sa mga pangangailangan rin namin.
"Kuya,sa Galleria po ako,ah?kinuha ko ang nag-iisang bente pesos sa bulsa ng palda ko. "Heto po.Baka makalimutan ko na naman mamaya,"saad ko saka ibinigay kay kuya Isko,ang palaging sinasakyan kong tricycle.
Nagiging makakalimutin na kaya kapag sasakay na ay sinasabi ko kung saang lugar ako saka ibinibigay na rin ang pamasahe.
Sumakay na ako sa unahan at niyakap ang bag ko.Napatingin ako sa lumang relong nakalagay sa palapulsuhan ko.
Mag a-alas sais na ng gabi at hula ko'y alas siyete na ako ng gabi makakarating ng bahay,depende sa magiging patakbo ni kuya Isko.
Agad na rin naman niyang pinaandar ang tricycle saka kami umalis na roon.Tahimik kong dinama ang bugso ng hangin papunta sa akin.Puno rin ang tricycle dahil siya na rin ang nag-iisang natitirang tricycle doon sa parking kanina.
Buhat ko rin ang isang brown folder na naglalaman ng mga napa-print kong mga reviewer kanina.Hindi na ako nakakain ng tanghalian ko para lang makakuha nito.
Ayoko rin namang hindi makakuha dahil paniguradong wala akong matututunan.Kahit kaunti lang ang kaya namin ay mas gugustuhin ko pa ring makapag-aral.
BINABASA MO ANG
The Night When He Changed (Valdemora Series #4)
Ficción GeneralElaura Zaeia Corpuz, the girl who liked Felix Cedrick Valdemora, one of the owner of a sugarcane plantation in Galleria de Asuncion for years. She works for him and values the loyalty when it comes to work. To have such a greater relationship with h...