Hindi na ako nagdalawang isip pa na umalis doon. I only texted Mathew, saying my proper goodbye after all. Wala siyang kinalaman sa nangyari. He didn't noticed Cedrick eyeing on us so he probably has no any idea at all.
Though I can still feel myself about to cry, I controlled it. Sapat na ang mga pinakawalan kong luha doon sa labas ng bar kanina. Besides, I don't really wanna cry anymore because of him.
Na siya na naman ang dahilan. He has no importance to me anymore. Kung pwede ko lang siyang ituring na amo ko katulad ng dati, gagawin ko.
Things already changed and so our situation. Kung mas naiisip niyang mas lalo akong nahila pababa nang dahil sa mga nangyari, mali siya. I rose like a phoenix. Matapang akong bumangon sa kabila ng lahat.
Now that I already forgot him, doon naman siya nagpakita. That is my nightmare again. Bangungot na tila isinabuhay.
Umakto akong normal pagkarating ng bahay. Pagdating naman doon ay hindi ko inasahan ang makikita.
My gaze suddenly went to my mother's side. Hindi ko inakalang nandito siya ngayon. Si Papa, nakaupo habang nakapaskil ang hilaw na ngiti sa kanyang labi.
I didn't replied even with a small smile. Nanatiling tikom at nasa tuwid na linya ang aking labi. He stood up and about to welcome me but I distanced myself.
Nagtataka ang tingin ko kay Mama. I know that he is my father after all, but the wound's still not healed. Tuwing pumapasok sa isip ko ang imahe niya habang hinalikan ni ma'am Felicite, awtomatikong nabubuhay ang init sa loob ko.
Like I want to question the world why this happened. Na bakit pamilya namin ang tinamaan gayong masaya naman kaming namumuhay kahit hindi namin nabibili lahat.
"Elaura... pasensya na kung pinapasok ko siya rito. Gusto ka na kasi makita ng Papa mo," my mother broke the silence that built.
Dahil ba hindi ko napaunlakan ang kanyang hiling, siya na ang nagkusang bumisita sa akin? Kahit naman dati, nagagawa niyang bumisita rito pero kahit kailan, hindi ako nag-abalang kumausap sa kanya.
He's wearing a simple shirt and some jeans. Bakas na rin ang katandaan sa kanyang mukha. May mga naglilitawan na ring mga puting buhok sa kanya.
My teeth gritted. Hindi dahil galit ako, kundi dahil hindi ko lang makakayang harapin siya ngayon ng matagal.
"Okay lang, Ma. Pwede niyo naman po siyang bigyan na lang ng meryenda. It doesn't matter if he'll stay here. Magpapahinga na lang muna ako," kalmado kong sabi bago ako lumapit sa kanya at binigyan ng halik ang pisngi.
"Elaura. Kausapin mo naman ang Papa mo. Kanina ka pa niya hinihintay dito, anak." She whispered to me.
"Hindi ko pa kaya, Ma. Sorry," I immediately excused myself and went to my room.
Napahiga ako kaagad sa kama nang makaramdam ng sobrang pagod. Ipinikit ko ang mga mata saka hindi na naman nakatakas ang mga nangyari.
I breathed heavily and decided to take a bath first. Hindi ako mapapakali kung habang nakahiga, doon ko iniisip ang lahat. That will result to me for not having a complete sleep this night.
Sa ilalim ng shower, doon ko ibinuhos lahat ng mga iniisip. The changes that I've seen from him earlier. Parang pinapaalala na sa akin ng panahon na ilang taon na ang nagdaan.
We are both in good condition now, except for me mentally. Wala akong nababakas sa kanyang kahit na anong hirap man lang. Maybe he didn't suffered because of what happened.
Siguro nga ay masaya na siya ngayon dahil syempre, may sarili nang pamilya kung hindi man ako nagkakamali. The image of him earlier bothered me so much.
BINABASA MO ANG
The Night When He Changed (Valdemora Series #4)
Narrativa generaleElaura Zaeia Corpuz, the girl who liked Felix Cedrick Valdemora, one of the owner of a sugarcane plantation in Galleria de Asuncion for years. She works for him and values the loyalty when it comes to work. To have such a greater relationship with h...