"You're fired Ms.Salazar!" sigaw saakin ng manager ng coffee shop na pinag-tatrabahuhan ko.
Napayuko na lamang ako,lagi naman akong nasesesante sa trabaho eh.
Wala akong natanggap na pera dahil kakasweldo ko lamang,sayang at wala akong maiibigay na pera kay Lola.
Lumabas na ako sa Coffee shop at nag-lakad papunta sa katapat nitong waiting-shed,umupo ako doon at sinandal ang ulo ko saka bumuntong hininga,pagod na pagod pa ako dahil kakagaling ko lamang sa eskwelahan,nag-papart time ako dahil iisa lang ang eskwelahan dito sa barangay namin at may bayad pa,dahil pangingisda lamang ang pangunahing trabaho dito sa baryo namin ay halos ang ibang mga kabataan ay hindi na makapag-aral dahil sa kakapusan ng pera.
Hinayang na hinayang ako dahil bibili pa naman sana ako ng bagong sapatos dahil may butas na ang sapatos ko kaya naman pag-umuulan ay napapasukan ito ng tubig.
Habang tinitingnan ang kulubot kong kamay dahil sa pag-kakababad sa tubig ay may dumaang tricycle
"Isleen sakay kana!" Si Kuya Nardo tricycle driver na kaibigan ng aking Lolo.
"Ah opo,Sige po!" Saad ko at sumakay.
Isang oras ang inaabot bago makarating sa munting bahay namin hindi naman sana aabutin iyon ng ganoong oras kung hindi lubak-lubak ang aming dadaanan,nahihirapan din kami dahil halos ang iba ay buhangin ang madadaanan dahil ang bahay namin ay katapat ng dagat.
Matutulog sana ako sa biyahe kaya lamang ay lubak lubak kaya miminsan ay nauuntog ako at nagigising din.
Tiningnan ko ang phone ko na halos basag-basag na,binigay lamang saakin ito ng guro ko para sa mga researches na gagawin sa eskwelahan.
Alas siyete na ako ng gabi nakauwi saamin at naabutan ko doon si Lola na dala-dala ang batiya siguro'y kakatapos lamang mag-sampay.
"Oh Isleen andyan kana pala" Sabi nya at agad agad pinunasan ang kamay nya bago nag-tungo para salubungin ako.
"A-ah Lola..." Tawag ko.
"Bakit apo?" Tanong niya.
"Na..n-nasesante po uli ako sa trabaho" saad ko na punong-puno ng kalungkutan at kapanghinayangan.
"G-ganon ba a-ayos lamang iyon apo,marami pa dyang trabaho at naka five-hundred naman ang Lolo mo ngayong araw" Sabi nya at malawak na ngumiti saakin.
Natuwa din naman ako kahit papaano dahil iyon na ang malaking pera na nakukuha ni Lolo sa pangingisda at kung minsa'y mamalasin ay two-hundred lamang.
Kaya lamang hindi padin iyon sapat dahil madami kaming utang na babayaran,kung seswertihin ay makakakain kami ng tatlong-beses sa isang araw pero minsan naman ay dalwang beses lamang kami nakakakain ng kanin at ang kadalasan naming kinakain ay kamote o kaya'y nilagang saging.
"At dahil malaki ang nakuhang pera ng Lolo mo ngayon,ipapag-luto ko kayo ng bagoong!" si lola kaya naman napangiti ako,favorite ko ang bagoong na niluluto ni Lola,the best bagoong kaya yon ano,sa loob ng isang taon ay halos dalwang beses lamang kami nakakakain ng manok at sa dalwang beses na iyon ay sa pahanda ni Mayor tuwing pasko at fiesta.
"Kamusta ang eskwela Isleen?" si Lolo na naabutan naming nag kakape pag-kapasok sa bahay.
"Ayos naman po Lolo,matataas po ang nakuha kong iskor sa pag-susulit namin" saad ko,mula ng mag-ka muwang ako ay wala na akong mga magulang na nakilala hindi nadin naman ako nag-tanong dahil sapat na saakin ang pag-mamahal nila Lolo't Lola,kaya lamang napapaisip din ako dahil ang mga kaklase ko ay may mga magulang na siyang nag-sasabit sakanila ng medalya tuwing graduation.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
RomanceLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.