"Naku!ang gagandang klase naman ng mga damit na ito,halating mamahalin Isleen!" Si lola na tuwang-tuwa ng ipakita ko at kinwento sakanya ang pag-bibigay saakin ni Sir.xymon ng damit.
"Naawa ata saakin si Sir lola" saad ko.
"Minsan ay anyayahan modin dito iyang Sir mong iyan" Si lola na nginitian ako smaantalang napangiwi na lamang ako.
Hindi sa kinakahiya ko ang bahay namin pero sa itsura pa lang ni Sir ay hindi siya babagay sa lugar na ito.
Tumaas na ako pag-katapos at nag-aral.
Lumipas ang dalawang oras ay bumaba na din ako dahil tinawag na ako ni lola at pag-baba ko doon ay nakita ko si lolo na nakahiga na sa kawayan naming upuan,napagod siguro.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at dahil wala akong pasok ngayon ay maaga din akong naka-punta sa resort.
"Ikaw na bahala diyan,naandiyan nadin ang appointment ni Sir" Si Trinity na naabutan ko sa lamesa ko.
"Sige,salamat" Saad ko at nginitian siya.
At katulad ng lagi kong ginagawa ay inilipat ko uli sa isang malinis na bond-paper ang appointment ni Sir para sa araw na ito at siyempre nilagyan ko ng designs.
Makalipas siguro ang mga isang oras ay nakita kona si Sir na padating at as usual ay may kausap nanaman siya sa cell-phone niya.
"Good morning s-"
"Can you fucking wait?!" Saad niya sa kausap niya sa telepono at dire-diretso lamang ang lakad.
Mukhang mainit nanaman ang ulo nitong supladong ito ngayon ah.
Ipinag sawalang bahala kona lamang iyon at nag-patuloy na sa pag-dedesign ng appointment ni Sir para sa araw na ito.
Maya-maya ay may tumawag na sa telephone at alam kong si Sir na agad iyon kaya sinagot ko.
"Sir?" Energetic kong saad.
"My appointment" saad niya at pinatay ang tawag.
Agad-agad naman akong mag-punta sa loob dala dala ang appointment niya na pinag-ka effortan ko para lang mag-mukhang maayos.
"May tatlo kayong meeting sa araw na ito Sir and may a meeting din Sir with Mr.decastro" Nakangiting saad ko.
"Here" saad niya at may binigay na papeles saakin.
"Bring that to Mr.corral,buy me a breakfast-" Sunod sunod niya saad.
"P-po-"
"And cancel all my appointment tomorrow" tuloy tuloy niyang saad.
"P-po huh?-"
"I want a breakfast now" saad niya napipikon na siguro.
"Sir anong breakfast tsaka sino po si Mr.corral at-"
"Just go!" Napalakas niyang saad kaya naman agad-agad akong lumabas.
Hindi ko alam kung saan ang office ni Mr.corral kaya naman para akong batang nawawala doon na palinga linga.
"Uh,pasensya na pero alam mo ba kung saan ang office ni Mr.corral?" Tanong ko sa isang mestiza waitress ata.
"Deretsuhin mo lamang iyan at sa ikalimang kaliwang pinto doon iyon" saad niya kaya nginitian ko siya at dali-daling umalis.
Kumatok muna ako bago nag-pasyang pumasok.
"Good morning Mr.corral,gusto pong ipabigay sainyo ito no Sir.xymon" Saad ko.
"okay,thank you" Saad niya,pag-katapos namang mailapag ay dali dali na akong umalis para pumunta kay Ms.charity para kuhanin ang appointment ni Sir para bukas.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
Roman d'amourLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.