"Let's go" Saad ni Sir.
"H-huh?a-ako po?!" Saad ko habang dinuduro ang sarili ko at napapalingon sa gilid.
"Boang,malamang ikaw alangan namang ako" Si amboy na bumubulong-bulong sa gilid ko.
Napabuntong hininga si sir at tiningnan ang relo sa kamay niya bago ilagay ang kamay niya sa mag-kabilang bulsa ng kanyang suot.
"I have something else to do,let's go" Saad ni Sir habang ako ay tiningnan lang siyang nag-lakad.
Ako ba?!
Dali-dali kong sinundan si Sir.
"Sir?anong ako eh tanggal na nga po ako diba?" Saad ko nag-mamadali sa pag-sunod sakanya dahil malalaki ang kaniyang hakbang.
"You aren't" Saad niya at pumasok sa sasakyan niya dire-diretso,habang ako ay nakatayo lang doon.
"Get in" He said and groan.
"P-po?opo!" Saad ko at tuwang-tuwang sumakay dahil mukhang balik na muli ako sa trabaho at hindi lamang iyon,ngayon din ang kauna-unahang beses na sasakay ako sa isang kotse!
Abala kong sinuyod ang loob ng kotseng ito,sa diyaryo at magazine lamang kasi ako nakakakita ng kotse,at masarap pala sa pakiramdam pag-nakasakay sa kotse!
"Seat belts" Saad ni Sir kaya napalingon ako sakanya.
"Po?" Nag-tatakang tanong ko.
Tinuro niya ang itim na bagay sa gilid ko,kaya napakamot ako ng ulo.
"U-uh hindi po ako marunong kung papaano iyan ikabit" I said and laugh awkwardly.
Napa-buntong hininga na lamang si Sir at siya na mismo ang nag-kabit,naamoy kodin ang pabango niya at napaka-bango noon!
"Ang bango niyo naman Sir,anong ginagamit niyong pam-pabango Sir?!" Saad ko,nakangiti.
"Perfume" Walang gana niyang sinabi at pinaandar ang sasakyan,kaya naman napa-ngiwi na lamang ako.
"U-uh,kamusta na pala kayo Sir?"
Saad ko ng maaalala ang nangyari noong nakaraang araw."I'm fine" Seryosong sabi niya.
"P-pasensya na po talaga Sir,kung alam ko lang po talaga sana-"
"No need to say sorry,I'm okay now" Saad niya.
"T-tanggap na po ba ako ulit?" Nahihiya kong saad.
"What else do you think?" Saad niya.
Patagal ng patagal ang biyahe ay nahihilo ako dahil sa kung anong amoy,masakit sa ulo ang amoy at nakakahilo.
Tinabunan ko ang ilong ko at humilig sa upuan,hilong hilo na ako at may parang kung anong gustong lumabas mula sa aking tiyan.
Maya maya ay parang lalabas na talaga ang kung ano sa tiyan ko.
"N-nasusuka ako Sir!" Saad ko kaya agad agad tinigil ni Sir ang Sasakyan habang ako ay dali daling lumabas para sumuka.
May nag-abot naman saakij ng tissue at si Sir iyon na naka kunot ang noo at nag-iiwas ng tingin dahil siguro nadidiri.
"You don't like the smell of the aircon?" Tanong ni Sir.
Aircon pala iyon?
"A-ah opo" Saad ko.
Pag-katapos mahimasmasan ay pumasok na kami sa sasakyan.
Napapasulyap si Sir saakin,bago sa kung anong bagay man iyon,napa-buntong hininga si Sir bago may pinindot at maya-maya lamang ay uminit sa loob ng sasakyan at nag-patuloy kami sa pag biyahe at kahit papaano naman ay hindi na ako nahihilo.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
Roman d'amourLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.