CHAPTER-1

24 15 24
                                    

"P-po?!"halos pasigaw konang sabi at napabangon.

[I don't need to repeat it ms.salazar]

"P-pero kailan po ba ang simula ko?"nasayahan naman ako kaya lamang ay hindi ko naman alam ang gagawin at isa pa'y hindi ko naman talaga inaasahan iyon dahil alam kong malabo ding matanggap ako.

[Monday,wear a casual attire]
Sabi nya at ibinababa na ang tawag.

Wala akong pasok ngayon,kaya naman may oras pa akong bumili kaya lamang ay wala akong pera para sa ganoong damit at isa pa,wala din akong pambili ng itim na sapatos.

Inimis ko muna ang aking pinag-higaan bago bumaba.

Nakita kong nilalagay ni lola ang nilagang kamote sa lamesa,kamote lang siguro ang makakain namin ngayon dahil wala masyadong huli sina lolo kahapon,pero ayos lamang iyon saakin ang sarap-sarap kaya ng kamote.

"Lola!lola!"saad ko kaya naman napatingin siya saakin.

"Isleen ako naman ay ginugulat mo!"saad nya at napahawak sa kanyang dibdib.

"Pasensya na lola,natanggap po ako sa inapply-an ko!"saad ko.

"Huh?"

Hindi nga pala alam ni lola na nag-apply ako kaya naman nag-hugas muna ako ng kamay.

"Ah lola nag-apply po ako sa louvado resort"sabi ko at nginitian si lola na gulat.

"Ano kamo?!louvado?!suskopo!"sabi nya at niyakap ako,masaya si lola dahil alam niyang libo ang sasahudin ko doon at siyempre masaya din ako.

"Pero lola,wala po akong pambili ng susuutin ko doon"bahagya akong nalungkot at napayuko pero hinawakan niya ako sa balikat at nginitian.

"Isleen,may ipon akong five-hundred yoon na muna lamang ang ipambili mo"si lola.

"Papaano ang mga utang natin lola?"nag-aalala kong saad.

"Nako apo,natanggap ka naman kaya siguro'y mababayadan na natin iyon"

Nag-tungo na si lola sa kwarto nila kaya wala na akong nagawa,nag timpla na lamang ako ng kape at binalatan ang kamoteng kakainin namin ngayong araw.

Ano naman kaya ang ginagawa ng isang sekretarya?

Pag-katapos kumain ay nag-igib na muna ako ng tubig at saka naligo.

Bestidang puti na lamang ang sinuot ko at pinag-tiisan kona lamang ang sira kong sandals,kaya pa naman siguro nito kung susuutin ko ngayong araw.

"Halika at ipapahatid kita kay nardo!"si lola na ang humigit saakin papunta sa bahay nila kuya nardo.

"Nardo!nardo!"

"oh?bakit precilla?"si kuya nardo na nag-pupunas ng tricycle niya.

"Paki-hatid nga muna si isleen sa sentro,at alam moba nardo,natanggap si isleen sa louvado resort!"pag-mamayabang ni lola.

"Nako isleen babalatuhan mo ako pag ika'y sumweldo ha"pag-bibiro ni kuya nardo.

Hinatid naman ako ni kuya nardo sa sentro alas-diyes na ako nakarating doon kaya naman medyo maraming tao sa plaza.

Nag-punta ako sa sikat na pamilihan,maunti ang tao sa loob noon dahil mahal ata ang mga tinda roon.

Kumuha ako ng puting polo at itim na skirt,nagandahan din ako sa mga sapatos doon kaya naman napag-pasyahan kong bilhin ang isang itim na strap-heels,first time kong mag-susuot ng ganoon kaya naman excited na akong subukan.

"Seven-fifty"nakangiting sabi saakin ng babae sa counter.

"P-po?papaano pong naka seven-fifty ako?"tanong ko,paano na iyon,five hundred lamang ang dala kong pera,nawala ang ngiti ng babae.

Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)Where stories live. Discover now