Bahagya muna kaming nag-katinginan,napakurap kurap ako.
"This is Ms.Isleen jhaia Salazar,your Secretary sir" si ms.Charity na kakapasok lamang.
Nag-bow ako at nginitian siya.
"Magandang hapon po" I said,tumango lamang siya bago umupo.
Siniko ako ni Ms.charity kaya napatingin ako sakanya.
"Follow me" sabi niya at nag-bow kay Sir.xymon bago umalis kaya naman nakigaya ako.
"Dito ang pwesto mo" sabi niya itinuro ang open space na may lamesa na at tambak na mga papeles.
"Being a secretary is like being a bodyguard too,so whenever someone come here to approach Sir.xymon,always check if nag-pa appointment sila" saad muli ni Ms.charity bago nag-lakad pero nakakailang hakbang pa lamang ay humarap muli siya at ngumisi saakin.
"Mainitin ang ulo ni Sir,goodluck" yoon ang huli niyang sinabi bago umalis.
Napabuntong hininga ako bago tiningnan ang mga papeles sa harapan ko,makalat iyon kaya naman nilinis ko.
Nang matapos ay napaupo ako sa upuan ko,ang sarap pala umupo sa ganitong klaseng upuan,malambot at komportable,ang upuan kasi namin sa bahay ay puro kawayan lamang.
"Hmm,ano kaya ang sunod kong gagawin?" saad ko at tiningnan ang orasan,alas tres na gusto kayang mag-meryenda ni Sir?
Nag-pasya akong puntahan si Sir at nakita siyang nakahilig sa upuan at halatang pagod.
"Uh Sir?" Saad ko,binuksan niya ang mata niya pero ipinikit muli.
"Meryenda po?"tanong ko.
Tumango siya kaya naman lumabas na ako,kaya lamang hindi pa nakakailang hakbang ay bumalik ako.
"Ano pong gusto nyo?"tanong ko,napa-buntong hininga siya at tumingin saakin.
"Anything" sabi niya,kaya lumabas na muli ako,kaya lamang wala pa muling ilang hakbang ay bumalik ako.
"Uh,saan po ako kukuha?" I said and laugh awkwardly.
Napahahak siya sa ulo niya bago bumuntong hininga.
"There's a restaurant down there" Saad niya kaya naman tumango ako at umalis na.
Habang nag-lalakad ay tinitingnan ko ang mga masasayang pamilya na nag-kakatuwaan,napapangiti ako minsan pag natawa sila,paano kaya kung may mga magulang din ako,tulad lang din ba sila nila Lola't lolo?
Natigil lamang ako sa pag-iisip ng may nabanggang lalaki.
"Ay sorry po!" saad ko at bahagyang napatabi,he's wearing a corporate attite and a glass.
"It's okay" sabi niya at nginitian ako bago mag-patuloy sa pag-lalakad.
"Teka lang?parang-" saad ko at napatingin muli sa lalaking nakabangga ko na ngayon ay pumasok na sa main building.
Napailing na lang ako at nag-patuloy sa pag-lalakad,sa food court ako ng resort nag-punta.
Namangha pa ako sa mga pag-kain dahil ngayon ko lanag nakita ang mga iyon,at isa pa halos mag-laway ako ng nakita ang chicken wings,tiningnan ko ang pera ko sa bulsa at nakitang sampong piso lamang iyon kaya napabuntong hininga na lang ako.
Binilihan ko si Sir ng apple juice,chicken wings at isang mocha cake.
Nag-lakad na muli ako pabalik hanggang sa pintuan ni sir.
"Sir ito na po yung-" napatigil ako ng makita ang lalaking nakabunggo ko kanina
"Uh meryenda" saad ko at binaba doon ang meryenda niya sa kanyang lamesa,ng matapos ay nag-bow ako at bahagya munang napatitig sa kanilang dalwa bago umalis.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
Storie d'amoreLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.