Sa sinabing iyon ni lola ay nawala ang antok ko at halos madapa na dahil sa biglaang pag takbo palabas para tingnan kung totoo nga ba,at totoo nga!
Xymon Louvado owner of the Philippines one of the most luxurious Resort dashing while wearing a simple white t-shirt with a maong pants and a sunglasses!
Jusko.
Kinapalan kona ang mukha ko at lumapit kay Sir hindi pa manlang ako naliligo,ang ibang nag lalabada sa gilid gilid ay panay ang sulyap sakanya lalo na ang mga kabataang ang short ay hanggang singit na na halatang nag papapansin.
"Sir akala ko ba may family dinner kayo?" Tanong ko habang nakatingala sakanya dahil matangkad siya.
"It's dinner Ms .Secretary,Gabi iyon,gabi." Saad ni Sir.
Napa tulala na lamang ako sa ka shungahan ko,hindi manlang ako nag isip na dinner iyon at gabi,parang hindi ako nag aaral!
"Oonga no" bulong bulong ko.
"Pasok ka muna Sir mag hahanda lang ako ng dadalhin" Saad ko si lola ay nasa terrace nag aabang saamin habang nakangiti.
Pumasok din naman agad si Sir puno ang tubig kaya naman hindi na ako nag igib,nag suot lamang ako ng White off shoulder dress dahil iyon lamang naman ang maayos ayos kong bestida nag baon din ako ng maong pants at white t-shirt pati narin underwear hindi naman kami aabutin ng isang araw pero nag baon padin ako dahil baka mabasa ako o ano.
Dumungaw ako sakanila at nakita ko siyang nakangiti habang kinakausap ni lola.
Napabaling siya sa kinaroroonan ko kaya nag iwas ako ng tingin at nag suklay na lamang.
"Alis na po kami la" Saad ko at nag mano,nagulat ako ng nag mano din si Sir kay lola.
"Ingat kayo ha" Nakangiting saad niya,nabitawan ni mang Nardo ang dala niyangartilyo ng makita kami ni Mr.Xymon.
"Louvado iyon diba?"
"Ang yaman ng mga iyan!"
"Sinong hindi makakakilala diyan sa mga yan"
"Ang gwapo talaga noon"
"Kanino pa mag mamana eh ang gwapo din naman ng tatay niyan!"
"Inay ang tanda tanda niyo na nag papantasya parin kayo!"
"Ang swerte ni Isleen"
"Kung ako kay Isleen susunggaban kona agad yan"
"Sana ako din"
"Nako kahit taga punas lang ako ng sapatos niyan talagang ipapag malaki ko,biruin mo halos lahat ng mga kilalang artista at International model ay patay na patay diyan!"
"Pati yung nanalo sa Miss universe rumor boyfriend daw iyan!"
Sari saring pag bubulungan ang naririnig ko doon alam kong naririnig din iyon ni Sir pero mukhang wala siyang pakealam.
Natigil kami sa pag lalakad papunta sa sasakyan niya ng may dalwang babae ang nag tulakan sa harap namin.
"Hi" Saad ni Ella yung anak ng mayamang pinag lalabahan ni lola.
Tinanguan lamang siya ni Xymon at nag lakad na,nakita ko kung paano napahiya si ella at paiyak na kaya ang ibang lalapit pa sana ay nag si atrasan Xymon's Stiff presence is not very friendly inshort suplado,at naiilang ako dahil lahat ng mata ay nasaamin!
Nakapasok naman kami agad sa sasakyan niya at napansij kong ibang sasakyan iyon.
"Where are we going?" Tanong ni Sir kaya natauhan ako.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
RomansaLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.