Nang maka pasok sa unit ko ay tiningnan ko kaagad ang oras at nakitang alas kwatro na ng hapon,sumilip ako sa bintana at nakita ang dagat pati ang papalubog na araw,kaya naman may naisipan akong kung ano.
"Puwede naman siguro akong maligo sa dagat dito,ano?" I said out of nowhere.
Dali dali akong lumabas at umakyat sa palapag ni Sir,totoo nga na siya lamang ang naandoon.
Dalwang katok pa lamang ay bumukas na ang pinto.
Pag ka bukas na pag ka bukas ay tinaasan agad ako ng kilay ni Sir pero ang mata ko ay napababa sa katawan niya na inaagusan pa ng patak ng tubig mula sa kanyang buhok at nakatapis lamang siya sa bewang ng tuwalya!
"A-ah nako sorry.." Saad ko at nag iwas ng tingin.
"What is it?" He asked.
"Puwede ba akong m-maligo sa d-dagat?" Tanong ko.
"If you want,then go" Saad niya kaya kahit ayaw kong tumungin ay tumungin padin ako sakaniya.
"S-sige,salamat." Saad ko bago dali daling umalis.
Nang tapat na ng pintuan ko ay napa kapit ako sa dibdib ko at bumuntong hininga.
"What the..." I whispered.
Kumuha na ako ng damit pamalit at bumaba na papunta sa beach,karamihan ng naandito sa beach ay mag kakasintahan na nanonood ng sunset ang mga bata siguro ay nasa swimming pool na dahil hapon na.
May mga jetskie sa gilid at kung ano ano pa,unti unti kong inilubog ang katawan sa tubig,hindi na gaanong malamig ang tubig kaya nakaka relax.
Nag langoy ako ng nag langoy hanggang sa leeg ko at umahon,at pag kaahon ay saktong nag tama ang tingin namin ni Sir dahil naandoon siya sa Veranda ng kaniyang Room at nakatanaw sa dagat or saakin?
Umiling iling ako,ang assuming ko naman bakit naman ako titingnan ni Sir hindi ba?
Tumalikod ako at nag langoy pa muli,pinanood ko lamang ang pag lubog ng araw,at ng mag gagabi na ay umahon na din ako.
Binuksan ko ang telebisyon habang nag papatuyo ng buhok gamit ang tuwalya,alas sais na ng gabi at talagang nagugutom na ako kaya naman ng matapos ang pag papatuyo ko ng buhok ay lumabas ako at kasabay noon ang pag dating din ni Sir kaya nag kasabay kami.
"Oh Sir,magandang gabi" Saad ko.
Tinanguan niya lamang ako.
"San punta Sir?" Pang uusisa ko.
"Family dinner" Saad niya,tumango na lamang ako at tumahimik.
Tahimik lang din kami sa elevator at ang awkward pero sanay na naman ako sa halos anim na buwan kong pag tatrabaho kasama siya,hindi naman lumalim ang usapan namin.
"Ingat" Huling saad ko bago naunang mag punta sa kainan ang pinili ko ay sa food court dahil mas mura ang pag kain dito kaysa sa nasa may gilid ng beach.
Nakita ko si Maila na nag pupunas ng lamesa sa pwesto ng kainan nila kaya lumapit ako sakaniya. "Oh bakit hindi ka pa nauwi?" Tanong ko.
Ngumiti siya at pinunasan ang kamay. "Mag oovernight ako eh,para mas malaki sahudin ko,wala na naman akong gagawin kaya ayos na,ikaw bakit andito ka pa?" Tanong niya pabalik.
"Dito na muna ako sa unit ko mag s-stay,tsaka kung gusto mo puwede ka makitulog sakin" Saad ko at tumawa.
"Dito ka ba kakain?" Tanong niya kaya tumango ako at umupo na,kahit gusto ko pang makausap si Maila ay wala akong magawa dahil oras ng trabaho niya.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
RomantikLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.