"Ingat ka Isleen" Si Lola,sinasakay na ang bag ko sa tricycle ni kuya Nardo,hindi namab ganoon kalaki at hindi din ganoon kaliit ang bag ko,tamang tama lang.
"Si lola naman para namang hindi na po ako uuwi,uuwi pa po ako dito lagi" Saad ko.
"Nako Isleen wag na,kaya nga ako pumayag ng hindi kana mahirapang mag pabalik balik doon" Saad ni Lola.
Hinalikan kona lang sa pisngi si lola at niyakap,bago sumakay sa tricycle ni kuya Nardo.
Kung ang ibig sabihin ni Sir ay sasama ako sa mga pupuntahan niyang may kinalaman sa trabaho kung ganoon makakapunta ako ng maynila?!
Ibinaba ako ni kuya Nardo sa tapat ng Resort bumaba naman ako at tinulungan akong dalhin yung isa kong bag ni Mang Carpio yung body guard sa front gate ng resort.
"Salamat kuya Nardo!" Saad ko bago sumunod sa body guard.
"Nako salamat po talaga" paulit ulit kong sabi ng makarating kami sa resorts hotel oh kung ano mang tinutuluyan ng mga turista dito.
Pag bukas ng elevator ay si Trinity at si Ms. Charity ang naabutan ko doon na nag hihintay pala saakin.
"Hi!" Si trinity na lumapit agad saakin,ngumiti naman ako sakanya.
"Mamaya na kayo dyan mag chismisan pagod ako dalian mona Isleen para maipakita ko saiyo ang Room mo" Si Ms. Charity.
"Panira talaga eh" bulong bulong ni trinity sa gilid ko.
"Dito din ba kayo tumutuloy?" Tanong ko kay trinity habang nag lalakad kami.
"Oo sa palapag na ito ay naandito lahat ng tinutuluyan ng mga Staff at Director ng Resort dahil mga taga maynila ang mga iyan" Sagot ni trinity habang tinitingnan ang kuko niya.
"Eh si Sir?" Tanong ko.
"Sir?Mr.louvado?" Tanong niya pabalik.
"Oo"
"Sa taas pa nitong palapag na ito at alam moba siya lang ang naandoon at ang laki laki noon!" Saad niya.
"Lagi ba siyang naandito?" Tanong ko.
"Depende kung gabi na siya natatapos sa trabaho" Saad niya.
Tumango na lamang ako dahil bumaling na saamin si Ms.charity number 222 ang room ko samantalang ang roon ni Ms. Charity ay 211 at ang kay trinity ay 216.
"Kung may kailangan ka then get it yourself" Si Ms.charity bago hinagis ang susi saakin at umalis.
Sinamaan ni Tirinity ang tiyahin niya ng tingin bago bumaling saakin ay binigyan ako ng napag pasensyang ngiti.
"Pasensya kana ha,dala na siguro ng katandaan kaya ganiyan" Saad niya.
"Naku hindi,ayos lang ano kaba!" Saad ko bago nag paalam sakanya na papasok na.
Manghang mangha ako ng makapasok sa loob dahil sa eighteen years kong pamumuhay ngayon ang pinaka unang beses na naka pasok ako sa gantong hotel!
Literal na kuwartro lamang talaga siya,pinag halong kulay cream at brown ang silid.
Ang bubungad saiyo ay ang kulay grey na couch at may round table sa gilid at dalwang upuan na nakapalibot doon samantalang ang kama naman ay double sized bed may book shelf sa taas noon at sa kaliwang gilid ng kama ay may malaking bintana na natatabunan ng malaking kurtina samantalang sa kanang gilid naman ng kama ay kabinet na may salamin at upuan sa harap nito.
May isa pa muling lamesa para siyang study table kaya lamang lagayan ata iyon ng kolerete sa mukha sa harap naman ng kama ay ang napaka laking tv,yoon yung sikat na tv ngayon hindi katulad ng tv namin na kailangan pang pukpukin para gumana.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
RomanceLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.