CHAPTER-3

22 7 6
                                    

Tiningnan ko muna ang babaeng magandang iyon bago kumuha ng isang pirasong papel para doon na lamang isulat ang sasabihin kay Sir dahil pauwi na ako.

Sa 'Dear sir' ko iyon sinimulan dahil itinuro iyon sa aming school na lagi dapat may 'Dear' pag-susulat ka para sa kakilala mo.

Dear Sir,

Magandang hapon sir!Ginawa ko ang sulat na ito dahil pauwi na ako Sir at baka hindi kona kayo maabutan,may pumunta po kasing babae dito at pinapasabing hinahanap nya raw po kayo,girlfriend niyo raw Sir, Riona ang pangalan,ingat kayo sir!

Pumasok ako sa opisina ni Sir at nilagay iyon sa lamesa niya,namangha pa ako ng nakita ang penmanship niya,ang ganda noon at pati ang pirma niya!

Pag-katapos ilagay ay lumabas nadin ako at habang nag-lalakad ay nasira ang strap ng bag ko kaya naman inayos ko iyon kaya lamang maya-maya ay may-nabangga ako.

"Ay sorry po-huh?ikaw po ulit?" Saad ko sa lalaking nakabangga kodin noong kukuha ako ng pag-kain para kay Sir.

"Oh,sorry" he said and laugh.

"Sorry din po" saad ko,patingin muna siya sa bag ko bago saakin.

"Alis na po ako Sir" saad ko at nginitian siya.

"Bakit kaya-ah basta" saad ko at umiling iling.

Nag-punta na ako sa waiting-shed kung saan ko iniintay si Kuya nardo.

Maya-maya naman ay dumating na siya kaya nakauwi din ako agad-agad.

"Isleen kamusta ang trabaho?" Si lola na nakangiting sumalubong saakin.

"Ayos naman lola,si lolo po nakauwi na?" Tanong ko at  luminga-linga.

"Naku,hindi panga nauwi eh,hayaan mo at baka hindi lamang makabenta,halika mag-bihis ka muna at mag-meryenda"

Mag-palit muna ako ng damit bago bumaba at kumain ng nilagang saging at kape.

"Ah,apo...kailan daw ang sweldo mo?" Lola said and laugh awkwardly.

"Baka po sa isang linggo pa la,kakasimula ko lamang po eh" saad kopang muli.

Pag-katapos mag-meryenda ay nag-walis muna ako ng harapan bago nag-pasyang mag-aral at maya maya din naman ay nakatulog na.

Nagising na lamang ako sa sigaw ni lola.

"Isleen!isleen!" Sigaw ni lola sa baba kaya naman naalimpungatan ako.

Bumaba ako,habang kinukusot ang mata.

"Bakit la?" Tanong ko,at namilog ang mata ko ng nakita ang attire ko,hindi konga pala iyon nalabhan!

"A-ako na lang po bahalang mag-sabi kay..uh Sir." Saad ko.

Nasapo kona lamang ang noo ko,siguro'y sa kapagudan ay hindi kona naalala.

Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas kuwatro na ng umaga kaya naman nag-igib na ako ng tubig para maligo,may pasok ako ngayon kaya naman mas inaagahan kona para maagang makapunta sa resort.

"Wow naman Amboy,paaga kana ng paaga ah" saad ko at sinundot sa tagiliran ang kaibigan.

"Nag-babagong buhay na ako Isleen" Saad niya kaya naman natawa ako.

"Kamusta pala ang trabaho mo?"

"Ayos naman" walang gana kong sabi.

"Ang pogi pala ng nag-papatakbo ng resort ngayon!" Saad niya.

"May itsura nga kaya lamang..." luminga linga muna ako dahil baka may makarinig bago lumapit sa kaibigan.

"...suplado" pabulong kong sabi,kaya napatakip ng bibig ang kaibigan ko at tumango-tango.

Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)Where stories live. Discover now