Nakakunot ang noo ko habang pabalik sa bahay dahil sa huling sinabi ni Sir natauhan lamang ng tinawag ako ni lola dahil hindi pa daw ako nakain.
"Napaka gwapo talaga ng Sir mo ano?" Si lola na nasa harap ko habang nakain ako.
"Oo na po lola" Saad ko at napa iling habang nginingitian si lola.
"Pagod kaba apo?" Si lola ng napansin ang mga mata ko.
"Hindi naman po lola" Saad ko kahit ang totoo'y oo.
Hinawi ni lola ang buhok ko. "Tiis tiis lang apo,dadating din ang araw na magagawa mo na ang gusto mo dahil alam kong malayo ang mararating mo" anang ni lola at nginitian ako.
"Okay nanaman po lola kahit senior high lang ang matapos ko naiintindihan ko naman po ang-"
"Nako Isleen makakapag tapos ka gagawin namin lahat ng lolo mo para lamang may maganda kang kinabukasan,ayaw kong mapagaya ka saamin" Si lola na halatang nainis sa sinabi ko.
"La matanda na po kayo para mag trabaho ng mag trabaho para lamang sa pag aaral-"
"Kayang kaya ko pa Isleen,at hanggang kaya pa namin hindi kami titigil na mag trabaho para sa kinabukasan mo" Saad ni lola.
Bahagya akong nakaramdam ng inis sa mga magulang kong dapat na sinasabi ito ngayon saakin.
Napansin ni lola ang reaksyon ko.
"Bakit Isleen?" Tanong niya.
"Asan po ba ang mga magulang ko?" Tanong ko.
Bahagyang nag iwas ng tingin si lola,ngumiti na lamang ako ng malungkot doon.
"Wag nyo na sagutin la,sapat nanaman kayo ni lolo sakin" Wika ko at nginitian si lola.
Bigla namang pumasok si lolo na kauuwi lang at halata talaga ang pagod niya,tumayo agad si lola at pinag timpla ng kape si lolo.
"Magandang gabi po lo" Saad ko at nag mano.
Pag katapos kumain ay pinlantsa ko ang susuutin ko bukas at tsaka nag basa ng kaunti bago napag pasyahang matulog na.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nakita ko si lola na nag hahanda na ng kakainin naming itlog at kanin.
"Magandang umaga" Si lola,binati kodin si lola tsaka nag igib ng ipapang ligo.
Maaga akong pumasok at ng maka baba sa tricycle ni mang nardo ay si Maila at Ambo agad ang nasilayan ko na nag lalakad.
Kinawayan ako ni Maila kaya nginitian ko siya at lumapit sakanila.
"Mag ka kilala pala kayo" Saad ko.
"Kamag anak ko siya Isleen" Si ambo kaya napa tango ako.
Hindi kami mag kaklase ni Maila kahit mag katulad na strand lang kami dahil may dalwang seksyon dito.
"Isleen sabay na tayo mamaya papuntang resort ha" Si Maila bago pumasok sa room nila,nginitian ko siya at tumango bago nag pa tuloy sa pag lalakad.
"Oh bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko kay amboy.
"Crush na crush ko kasi si Maila,Isleen kaso third cousin ko siya kahapon ko lamang nalaman dahil sa reunion namin" Saad ni amboy at parang pinag bagsakan ng langit at lupa bahagya akong natawa pero pinigilan kona lang.
"Okay lang yan,marami pang babae diyan" Pag papalakas ko ng loob sa kaibigan.
Habang papasok ay nama salubong namin ang teacher namin.
"Isleen sumama ka saakin sa faculty,may iuutos ako" Saad ni Ma'am Anna kaya naman sumunod ako.
"Quiz yan Isleen ipapaiwan koyan dahil makikipag kita ako sa..." Luminga linga muna siya bago lumapit saakin at bumulong.
YOU ARE READING
Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)
RomanceLife is unfair, there is a playful destiny where your life will be played and you will be taken to things you did not expect.