CHAPTER-6

7 4 3
                                    

"T-tayo Sir?" Ulit ko,habang pinapabalik balik ang turo ko saaming dalawa.

"Of course,you're my secretary so you should always by my side" Saad ni Sir at sinuot ang coat niya bago nag-lakad palabas.

Agad-agad naman akong sumunod sakanya at cell-phone kona lamang ang kinuha ko.

"Sakay na ako sir ha" Saad ko at inunahan na si Sir na sumakay sa sasakyan niya dahil may kausap pa siya sa cell-phone niya kaya medyo mabagal kung mag-lakad.

Mainit sa loob ng sasakyan at hindi kodin amoy ang masamang amoy ng kung ano man iyon.

Kinuha ko ang naka-singit na magazine sa may gilid ng upuan at tiningnan iyon.

Sa unang buklat ay nagulat ako dahil ang tumambad saakin doon ay si ma'am Riona na may hawak na pabango at ngiting ngiti.

Model siya?

Mangha akong sinuyod ang katawan niya,napaka lumiit ng beywang niya at sobrang sexy,walang mapipintas sa kanyang itsura.

Binaba ko lamang ang magazine ng makitang papasok na si Sir sa sasakyan.

Nang makapasok siya ay tiningnan niya muna ako bago tuluyang pumasok at pinaandar ang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng biyahe ay tumunog ang cell-phone ni Sir kaya napatingin ako doon,sinulyapan lamang iyon ni Sir at binalik ang tingin sa daan.

Sinilip ko ang nakalagay sa cell-phone ni Sir at nakitang Riona ang nakalagay doon.

"T-tinatawagan kayo Sir,hindi niyo po s-sasagutin?" Saad ko.

Hindi sumagot si Sir at diretso padin ang tingin kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin at bumaling na lamang sa bintana.

Hindi kalaunan ay nakadating nadin kami sa venue at manghang mangha ako nang makakita ng mga kumikisap na samut-saring ilaw at ang mga tao na nakapormal ang suot,pormal din naman ang suot ko pero hindi kasusyal katulad ng kanila.

Mas lalo pa akong natuwa ng nakita ang hilera ng mga pag-kain na puro manok at baboy,raramihan ko talaga ang kain mamaya.

Nasa likod lamang ako ni Sir habang siya ay nakikipag usap at nakikipag-batian sa mga tao roon.

"Xymon,napaka-gwapong bata mo naman!manang mana ka talaga kay Francisco!" Isang matandang sosyaling babae ang lumapit kay Sir at naki pag-beso.

"S-sino siya hijo?" Tanong ng matandang babae at tinitigan ako.

"My secretary ma'am" Pormal na saad ni Sir.

Napatango-tango ang babae at sinuyod ako mula ulo hanggang paa bago nag-iwas ng tingin.

Sa isang pa-bilog na lamesa kami umupo at ng inihanda ng pag-kain ay nag-kukumahog akong tikman iyon at nag-kamay na lamang ako dahil sanay ako doon,pag-katapos maubos ay napadighal muna ako bago nag taas ng tingin at nahiya ng nakitang nakatingin na pala saakin ang lahat ng nasa lamesa.

May napaubo pang lalaki bago nag-simulang kumain,habang may batang babae na natawa.

Si Sir naman ay dedma lamang at nakatingin lamang saakin,ng mag-tama ang tingin namin ay umiwas siya at bahagyang umubo.

"Busog na busog ako Sir!" Saad ko ng nasa sasakyan na kami at pauwi na.

Hindi umimik si Sir at pinaandar lamang ang sasakyan.

"Eh ikaw Sir?bakit hindi ka kumain?" Saad ko at tiningnan si Sir.

"I'm not hungry" Saad niya.

Habang nasa gitna uli ng biyahe ay tumunog nanaman ang cell-phone ni Sir at ng silipin ko ay si ma'am Riona muli iyon.

"Bakit ayaw mong sagutin Sir?may LQ ba kayo?" Saad ko.

Napakunot ang noo ni Sir sa sinabi ko.

"LQ?" Nag-tataka niyang saad.

"LQ Sir,Love quarrel,yung may away yung uh....nag m-mamahalan." Saad ko.

Napanguso si Sir na para bang nag-pipigil ng ngiti.

"I don't love Riona" Saad ni Sir kaya napabaling ako sakanya.

"Papaanong hindi mo siya mahal Sir?eh girlfriend mo s-siya?" Saad ko.

"She's not my girlfriend" Saad ni Sir.

Nag-iwas na lamang muli ako ng tingin at ibinaling na lang ang tingin sa bintana.

Nang makarating ay bahagya muna akong nag-taka ng hindi bumaba si Sir.

"Mauna kana,may pupuntahan pa ako" Saad ni Sir at pinaandar na ang sasakyan,samantalang nag-lakad na lamang ako papasok sa building.

Tiningnan ko ang oras at nakitang mag aalas-tres na.

Pumasok ako sa opisina ni Sir at nag-linis muna doon bago pumunta sa office ni Ms.charity para kuhanin ang appointment ni Sir para bukas.

"Ma'am charity" Saad ko at pumasok na,ang nadatnanan ko doon ay si Ms.charity na tulog, labas ang tiyan at hilik ng hilik.

"Ma'am!" Saad kona,kaya naman bahagya siyang nagulat sa sigaw ko at napaubo.

"W-what do you need Ms.salazar?" Saad niya at inayos ang butones ng kanyang suot.

"Appointment po ni Sir" Saad ko.

Nang makuha ko ay bumalik na ako sa lamesa ko at as usual ay nilipat ko muli sa ibang papel dahil magulo ang penmanship ni Ms.charity.

Pag-katapos design-an ay nag linis muna ako ng lamesa ko bago nag pasyang mag-ayos na ng gamit para umuwi.

Habang nag-aayos naman nang gamit ay nakita ko si Trinity na papunta sa lamesa ko kaya naman nginitian kosiya.

"Ayan,ayusin modaw iyan at papirmahan kay Sir,ngayong araw daw dapat ay maipasa mona iyan sabi ni menopause" Saad niya.

"P-pero mahuhuli ak-" Hindi na siya umimik at nag-lakad na lamang.

Ginawa ko kaagad iyon dahil baka mahuli ako sa service.

"Asan naba si Sir" Saad ko habang pabalik balik,tiningnan ko ang orasan at nakitang mag-aalas siyete na at wala parin si Sir!

Lumipas pa ang isang oras at halos lumipad na ako papalapit kay Sir ng makitang nag-lalakd na siya papunta sa opisina niya.

"Sir!sir!pirmahan niyo po dalian niyo po Sir pasensya na Sir" Saad ko at ako na mismo ang nag-bukas ng ball-pen.

Pinirmahan nga iyon ni Sir.

"Salamat sir!salamat,uuwi na ako Sir ingat kayo!" Saad ko at nag-kukumahog na umalis.

Ibinigay kona iyon kay Ms.charity at nag-punta sa waiting shed,tiningnan ko ang oras at nakitang alas-otso na kaya naman lumabo ang paningin ko dahil sa nag-babadyang luha.

Wala na si kuya nardo sa oras na ito,at baka mag alala nanaman si lolo at hanapin ako,pagod pa naman si lolo.

Tumayo na lamang ako habang naagos ang luha at mag-papasyang lakadin kahit na gabi na at delikado.

Napatigil na lamang ako ng may tumigil na sasakyan sa harap ko at nang buksan ang bintana ay nanlaki ang mata ko.

"Sir?" Saad ko at pinunasan ang luha.

"Get in" Saad niya.

Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)Where stories live. Discover now