CHAPTER-10

4 4 3
                                    

"Maraming salamat po,inaasahan po namin ang pag balik ninyo!" Saad nung may ari ng mga rest house.

Tiningnan ko ang oras at nakitang alas kuwatro na ng hapon,kumain na kami ng tanghalian dito.

"Maraming salamat din po" Saad ko at nginitian sila.

Tinanguan lamang sila ni Sir bago ako iginaya papunta sa pinag pa-parking-an ng sasakyan niya.

"Grabe ang ganda talaga don Sir" Puri ko sa falls.

Pinag buksan ako ni Sir ng pintuan at pumasok narin siya at pag ka tapos noon ay nag simula na siyang paandarin ang sasakyan.

Dahil siguro sa pagod ay naka tulog ako sa biyahe at nagising na lamang ako sa mahinang tapik saakin,pag mulat ko ay nakitang nasa harapan na pala kami ng aming bahay.

"We're here" Saad ni Sir kahit galing sa pag tulog ay nginitian ko siya at saka bumaba.

"Pasok ka muna Sir?" Yaya ko sa bahay.

"Family dinner" he said and show me his wristwatch.

"Ay oonga pala,sige Sir ingat po kayo!" Saad ko.

Tinanguan niya ako."Thank you for today" Saad niya bago pina takbo ang sasakyan at unti unti itong nawala sa paningin ko.

"Kamusta Isleen?" Ngiting ngiting tanong ni Lola at nag iintay sa ibabalita ko.

"Ayos la,nagustuhan niya yung Falls sa Sampaloc" Saad ko kaya lalong natuwa si lola pero nawala din agad.

"Isang lugar lang ang napuntahan niyo?" Tanong niya.

"Opo,b-bakit po?" Nag tatakang tanong ko.

"Naku dapat dinala mo pa siya sa ibang pasyalan dito!" Si lola na hinayang na hinayang.

"Po?p-per-"

"Pag ka free day niya uli yakagin mo uling mamasyal naku kailangan niyang makita ang nag gagandahang pasyalan dito Isleen!" Si lola.

"Opo" na lang.

Dahil maaga aga pa ay napag pasyihan ko munang pumunta sa may poso sa gilid ng bahay namin para labhan ang mga susuutin ko sa trabaho.

"Oh Isleen" Si Ava anak ng kapit bahay namin na nag lalaba din sa may poso.

"Ava" Bati ko pabalik.

"Mag iigib ka?" Tanong niya dahil hindi kopa dala ang lalabhan ko at may tatlo kase akong dalang timba.

"Ah hindi,mag lalaba ako" Saad ko at sinabing babalikan muna ang mga damit ko,binalikan konga ang damit ko saka bumalik sa may poso.

"B-balita ko sa Louvado ka daw nag tatrabaho?" Si ava nag iwas ng tingin saakin.

"Ah oo,secretary ako nung nag papa takbo noon" Saad ko at nginitian siya. "Bakit?" Tanong ko.

"Wala naman ang s-swerte mo lang" Saad niya at bahagyang natawa kaya kumunot ang noo ko.

"Huh?bakit naman?" Saad ko.

"Wala ka talagang alam tungkol sa pamilya nila" Saad niya at napa iling-iling.

"May dapat pa ba akong malaman bukod sa pagiging mayaman nila?" Inosenteng tanong ko.

Nag buntong hininga nalang si Ava at hindi na ako sinagot.

"Mauna na ako Isleen" Saad niya ng matapos mag laba,nginitian ko siya at saka tumango.

Nag didilim na din kaya naman dinalian kona ang pag lalaba at natapos din naman ako.

"Kain na Isleen" Si lola na naabutan kong nag hahayin pag ka rating ko.

"Sige po" Saad ko at kumain,tahimik lang kami ni Lola habang ako ay panay ang sulyap sa upuan na inuupuan dapat ni Lolo ngayon.

Through the Waters Deep (Isla Zagaña Series #1)Where stories live. Discover now