Chapter 2
Napaisip si Trixie kung kaanu-ano ni Angelo ang may-ari ng school at bakit ang pangalan ng University ang apelyido ng binata.
"Uhm, kaanu-ano mo yung may-ari ng school na to?" Tanong ng dalaga.
"Oh, Daddy ko ang may-ari ng school hehe..." Masayang sabi ni Angelo.
Nangiti si Trixie at tila pakiramdam niya'y nasa kwento sya ng mala Prinsesa dahil Prinsipe ang kaharap nya ngayon.
"P-Pwede mo ba kong samahan sa room na papasukan ko Angelo?" Pakikiusap ng dalaga.
"Oh, sure? Anong room ba yung papasukan mo and anong year kana?" Sabi ng binata.
"4th year highschool na ko. Tinatapos ko nalang yung highschool tapos magka college daw ako sa Ateneo sabi nila Mama at Papa." Sabi ni Trixie.
"Ah, that's nice? Uhm, taga saan kaba Trixie?" Sabi ni Angelo.
"T-Taga Silang lang ako. Sa Ginto street." Sabi ng dalaga.
Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalawa para maihatid ni Angelo si Trixie sa classroom na papasukan ng dalaga. Habang naglalakad ay nagkwe-kwentuhan silang dalawa patungkol sa pagiging Adopted ni Trixie sa bago nyang magulang na sila Rhian at Arturo. Natutuwa naman si Angelo dahil madadagdagan ang kaibigan nya. Isang magandang babae pa ang nakilala nya...
*
"Alright, eto na yung 4th Year Diamond Section. Maiwan na kita Trixie. Male late na kasi ko sa klase. Baka mapagalitan ako ng prof ko..." Pagpapaalam ni Angelo sa dalaga.
"Osige, salamat Angelo." Masayang sabi ni Trixie saka na umalis si Angelo para makapunta sa 2nd Year Gem1 Section.
"Excuse me? Ikaw si Trixie De Leon tama? Yung new student?" Sabi ni Mrs. Ariana Gonzales ang magiging professor ni Trixie.
Lumingon agad ang dalaga sa guro saka nagpakilala. Pinalapit sya ng guro sa gitna at inutusang ipakilala ang sarili sa lahat ng magiging kaklase nya. Maraming namangha sa ganda ni Trixie. May ilang babae naman ang naiinggit o naiinis dahil may kahati na sila sa atensyon ng mga crush nila sa Classroom. Matapos magpakilala ni Trixie sa mga bago nyang kaklase ay itinuro na sa kanya ng guro kung saan sya pupwesto o mauupo.
"Row 1 sa dulo ka maupo Trixie." Sabi ni Mrs. Ariana.
Sumunod agad ang dalaga. Habang naglalakad sya papunta sa pwesto ay sinusundan din sya ng tingin ng mga kaklase nya.
"Hi, I'm Jenny." Pagpapakilala ng dalagang makakatabi ni Trixie.
"Hello. Ako si Trixie." Masayang sabi naman ni Trixie sa dalagang katabi nya.
Nang magsimula na ang klase ni Mrs. Ariana ay palingun-lingon ang mga estudyante para tignan o titigan ang ganda ni Trixie. May ilan pang babae na nagpaparinig kung saan ay tinatawag syang...
"Feelingera."
"Ambisyosa."
"Nagmamaganda."
Tinatarayan pa ng iba si Trixie para ipakitang matapang o bully sila sa classroom.
"Hinatid sya ni Angelo Gem kanina."
"Si Angelo Gem pala yun? So magkakilala silang dalawa?"
"Yup, or baka naman nilandi nya si Angelo para magpahatid sya dito." Mataray na sabi ni Veronica.
"Wala syang sariling Paa. Kailangan pa talaga nyang magpahatid? How pathetic." Mataray namang bulong ni Myra.
Nailang si Trixie sa mga naririnig kaya hindi sya mapakali sa kinauupuan. Binulungan naman sya ni Jenny na wag papansinin ang mga inggitera na hindi naman kase pinag-interesan ni Angelo Gem. Tyak na naiinggit sina Veronica at Myra kay Trixie kaya ganito ang sinasabi nila. Maya-maya ay narinig ni Mrs. Ariana ang pagpaparinig nila Veronica at Myra kaya pinalabas sila ng classroom at pinapunta sa Detention Room. Dito uminit lalo ang ulo nila Veronica at Myra sa transfer na si Trixie dahil sa paningin nila'y pinapaburan ito dahil sa kakilala umano nito ang anak ng may-ari ng school na si Angelo Gem...
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...