Chapter 14
Angelo*
POVIto na yung pinakahihintay ko. Ito na yung matagal ko ng dinadasal. Ang makita ulit si Trixie. Gumanda sya lalo pero hindi nagbago ang kilos at tingin nya. Ganitong ganito sya nung una naming pagkikita.
"Trixie. P-Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ko.
Kita kong namumugto ang mga mata nya. Mukhang maiiyak sya siguro dahil sa hindi sya makapaniwala na pupunta ko dito at makakaharap pa nya. Alam kong malaki ang atraso ko sa kanya. Pero, ito na yung pinakahihintay ko. Gustong gusto ko ng makahingi ng tawad sa kanya. Gusto ko ng kapatawaran nya para matahimik na ako. Dalawang Taon na din kase akong hindi nakakatulog ng maayos kakaisip kung ano na yung lagay nya pagkatapos nung maospital sya.
"Please..." Pakikiusap ko...
*****
Trixie*
POVHindi ko namalayang naluha na pala ko. Ang bilis tuloy ng kabog nitong puso ko dahil nandito si Angelo. Ewan ko ba pero masaya akong makita na nasa ayos lang sya at hindi kagaya ng kwento ni Mae na payatot daw si Angelo at balbas sarado na. Mukhang kaka ahit lang nya sa balbas at bigote nya tyaka napansin ko ngang medyo payat ang katawan nya. Bakas din sa reaksyon ni Angelo na gustong gusto talaga nya kong makausap.
"Excuse me Sir Angelo? Ano po bang kailangan nyo kay Trixie?" Sabi ni Mrs. Rita.
Kinalabit ako ni Kelly. Bulong nito e kung itong lalaking kaharap daw ba namin e si Angelo na kinukwento ko. Tumango ako saka tumili ng mahina si Kelly. Bumulong pa itong ang gwapo naman pala ng lalaking nakabuntis saken noon. Tinignan ko ng matalim si Kelly kaya nagsorry ito at umalis na kaya naiwan kaming tatlo nila Mrs. Rita at Angelo na hanggang ngayon e nakatitig parin saken.
"Pwede ko bang mahiram Trixie? We just need to talk a lot of things between us..." Pakikiusap ni Angelo.
"Sure Sir. Trixie is free." Nakangiting sabi ni Mrs. Rita saka sya tumingin saken at sumenyas na sumunod na ko...
*
"Kumain kana ba?" Tanong ni Angelo.
Nasa isang pwesto kame. Magkaharap ang upuan habang umiinom ng apple Juice na sinerve ni Ivy. Tahimik lang ako tyaka hindi ko pa alam kung anong sasabihin. Ni hindi ako tumitingin kay Angelo kase nahihiya ako na naiilang.
"Trixie, I'm really really sorry. Please kausapin mo ko. Ikaw lang yung pinunta ko dito. Gusto kitang makita. Gusto kong makahingi ng kapatawaran mo dahil sa nangyari dati. D-Dalawang taon na kong hindi makatulog ng maayos kakaisip sayo. Pina rehab pa nga ko nila Mom and Dad kase akala nila nag adik na ko. Namayat kase ko ng sobra tyaka napabayaan ko na din yung sarili ko simula nung nawala yung baby naten..." Malungkot nyang sabi.
Marahan kong tinignan si Angelo. Tumingin sya sa kalangitan tapos ay nayuko na. Kita kong naluluha ang mga mata nya kaya pati ako naluluha na din. Hindi ko kase akalain na magkikita kame ulit tapos eto ngayon at humihingi sya ng tawad sa mga nagawa nya saken dati.
"Patawarin mo ko kung nasaktan kita dati. Napagbuhatan kita ng kamay. Sinipa, t-tapos pinagdadamutan pa kita sa pagkain kase ayokong makikita ni Liza nun na free mong magagawa yung gusto mo sa Mansion. Sobrang mali ng mga ginawa ko and I'm really really really sorry Trixie..." Naiiyak nitong sabi hanggang sa humagulgol na sya.
Hindi ko na din napigilan. Tahimik nalang akong umiiyak habang nakatingin sa kanya. Pinagmamasdan ko si Angelo na humahagulgol sa pag-iyak tapos lumuhod na sya't hinawakan ako sa kamay. Hinalikan nya ito saka pinasasampal sa mukha nya. Pinipigilan ko si Angelo na wag saktan ang sarili nya pero gusto nyang gumanti ako dahil baka ito daw ang makakagaan sa loob ko.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...