Chapter 9
Trixie*
POVMalungkot na malungkot ako dahil sa pagkawala ng magiging baby ko. Sabi ni Tita Aliyah ay isang buwan mahigit na kong walang malay. Kapag ayos na daw ako ay isasama nya ko sa puntod ng baby namin ni Angelo. Masakit pero wala na kong magagawa. Sobrang galit at panggigigil ang nararamdaman ko para kay Liza dahil sa ginawa nya saken. Kinuwento ni Tita Aliyah na pinakulong raw ni Angelo si Liza matapos ng ginawa saken. Ngayon, isang buwan at dalawang linggo na kong nandidito sa ospital.
"Ihahatid kita sa resort. Dun sa business ko sa Batangas. Gusto kong magbagong buhay ka dun hija. Gusto kong dun mo makita ang bagong buhay mo. Akong bahala sayo. Padadalhan kita ng pera kung ano man ang kailangan mo okay?" Mahinahon na sabi ni Tita Aliyah.
"S-Salamat po Tita hindi nyo ko pinabayaan. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo. Salamat po sa pagkupkop nyo saken. Hayaan nyo at sisikapin kong makabangon. Kapag ayos na po hindi ko na po kailangan manghingi ng pera sa inyo. Salamat po talaga Tita." Naiiyak kong sabi.
Kita kong tumulo ang luha ni Tita Aliyah. Niyakap nya ko kaya niyakap ko din sya ng mahigpit. Nagpasalamat ako sa tulong nya. Nakiusap din ako na wag na wag sana malalaman ni Angelo kung nasan ako dahil hindi ko na sya kayang makita matapos ng mga pinagdaanan ko sa kanya...
***
1 Month Later...
Habang nasa byahe kame ni Rita Aliyah ay iniisip ko si Angelo. Sabi kasi ni Tita o Mama Aliyah sa gusto nyang itawag ko sa kanya ay hinahanap daw ako ni Angelo simula pa nung mangyaring itulak ako ni Liza sa hagdan. Minabuti ni Mama Aliyah na wag ipaalam kay Angelo kung saang ospital ako naka confine dahil natatakot syang baka mabaliw ang anak nya dahil sa nangyari na nawala yung magiging baby naming dalawa. Sabi ni Mama Aliyah ay excited na excited pa naman daw si Angelo dahil bago pala ang pangyayaring yun ay nung umaga palang ay nanggaling sa Mall si Angelo para mamili ng gamit at pinaayos yung kwarto ni Baby na nasa kaharap lang ng kwarto namin ni Angelo. Matapos ang pangyayaring yun ay gabi-gabi na daw umuuwing lasing si Angelo at hinahanap ako.
"Magiging okay ka dito hija. Basta, kapag may kailangan ka i message mo ko okay?" Sabi ni Mama Aliyah.
"Opo Ma. Salamat po." Sabi ko.
Bumaba kame sa kotse tapos hinatid nila ko sa isang apartment. Maganda ang apartment na to. Up and down sya tapos may isang kwarto na nasa taas at may terrace yun. Pwedeng tumambay dun kapag tanghali at gabi. Dito naman sa baba yung sala at kusina. May parking lot din tapos merong likod bahay na pwedeng maglaba at magsampay.
"Dito ka titira. Itong apartment na to naka hilera yan hanggang dun sa dulo ng street pero itong titirhan mo yung may up and down lang. Sakin din to. Kaya wag ka ng magtaka kung palagi akong may income hehe. Marami kaming business ng Daddy ni Angelo dito sa Batangas. Wag kang mag-alala hindi malalaman ni Angelo na nandito ka." Sabi ni Mama Aliyah.
"Salamat po ng marami Ma." Sabi ko.
"Osha, kumpleto na yung mga gamit dito. Pinaayos ko na to nung nakaraan buwan pa para dito kita patirahin. Wag mong iintindihin yung bahay na to dahil sayo na to hija. Alagaan mo tong bahay okay? Yung kuryente at tubig nalang ang babayaran mo. Malapit lang ang bayaran kaya hindi kana mahihirapan. Yung palengke naman e nasa pangatlong street lang." Pagpapaliwanag ni Mama Aliyah at tinuro pa saken kung saan ang Park para makapasyal ako.
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na si Mama Aliyah dahil kailangan na nyang bumalik sa Maynila. Baka daw kasi hanapin sya ni Angelo at magtaka pa kung saan sya galing.
"Mag-iingat ka dito hija. Linggo linggo padadalhan kita." Sabi ni Mama Aliyah.
"Hindi nyo naman po ako kailangan padalhan linggo linggo Mama. Kahit isang beses sa isang buwan okay na po. Maghahanap din po ako ng trabaho dito para malibang po yung isip ko." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...