Can't Fall In Love To Someone

214 9 0
                                    

Chapter 11

Trixie*
POV

Kinabukasan...
Naglinis ako ng bahay tyaka nagtupi ng mga damit na nilabhan ko kahapon tapos nagluto na ko para makakain. Excited na din akong manood ng Horror Movie kaya nagready ako ng makakain mamaya.

"Hmm."

"Alam mo Trix. Parang gusto ko na i grab yung alok mo saken na dito nalang tumira?" Sabi ni Kelly.

"So ano? Anong desisyon mo Kel? Mas okay kase na nandito ka. Atlis, hindi kana aawayin ng pamilya mo. Magbigay ka nalang nun sa Mama mo kada sahod. Tyaka, para may kasama din ako?" Sabi ko.

Nakaupo si Kelly at nag-iisip. Sabi nya kailangan daw muna nyang kausapin ang Mama nya. Sabi ko naman e sana nga payagan sya kase base sa pagkakakilala ko kay Tita Kyla ay takot syang mawala si Kelly sa poder nya lalo't malaki ang naitutulong nito. Isa pa, baka isipin ni Tita Kyla na inuuto ko tong anak nya para may kahati ako sa bayarin ng kuryente at tubig dito sa bahay ko...

**

Makalipas ang ilang araw...

Sobrang busy dito sa Restaurant ni Mrs. Rita. Madami yung dumayo dito sa Beach at karamihan e puros mga foreigners. Nakakapagod pero masaya naman dahil nakakatanggap kame ng tip.

"Here's your order sir." Masaya kong sabi nang mag serve sa dalawang lalaki na Japanese.

Nag serve ako sa kanila ng dalawang Large Cookies at dalawang Milktea na Okinawa flavor. Nakangiti sila saken tapos nung paalis na ko e binigyan nila ko ng 1,000 pesos. Malaking tulong na to dahil nag-iipon din ako para makapagtayo nalang ng sariling business. Nagpasalamat ako sa dalawang Japanese at bumalik na sa kusina para mag serve ulit sa iba pang customers...

*

5:38pm

Breaktime na. Sabay kame ni Kelly na nagpahinga tapos nagmeryenda muna ng kwek-kwek at kikyam. Nag-uusap din kame tungkol sa paglipat nya sa bahay ko.

"Ayaw pumayag ni Mama. Baka daw kase maubos lang yung pera ko kapag kasama kita. Sabi ko nga hindi ka naman gastador na tao? Tyaka hindi ka naman nagpapalibre saken. Kaya sabi ko kay Mama willing kang patirahin ako sa bahay mo tapos kahit mag share lang ako para sa kuryente at tubig. Ayaw talaga ni Mama. Mas maganda ibigay ko nalang daw sa kanya yung binabalak ko pang share sa kuryenteng at tubig sa bahay mo." Sabi ni Kelly.

Malungkot sya habang nagkwekwento. Naiintindihan ko yung part ni Tita Kyla kaya sinabi ko kay Kelly na kapag nakapag desisyon sya ay okay lang saken. Palagi syang welcome sa tinitirhan ko para atlis malapit lang sya dito sa pinagtatrabahuhan namin...

Makalipas ang ilang minuto...

Balik trabaho nanaman kami ni Kelly. Kahit pagod e worth it naman kase malaki ang tips na natanggap naming dalawa pati yung mga kasamahan namin dito. Napansin ko na si Mrs. Rita. Nakasimangot syang nakatingin saken habang nagse-serve ako. Nailang na ko sa tingin ni Mrs. Rita saken kaya nagpaalam ako kay Chef Lui na magbabanyo muna ko.

"Hays."

Pagdating sa banyo naghilamos ako tyaka nagmumog. Maya-maya napatalon ako sa gulat.

"Trixie, can we talk." Sabi ni Mrs. Rita kaya napatalon ako sa gulat.

"A-Ano po yun Ma'am?" Nauutal kong sabi habang kaharap sya.

"Napansin ko lang kanina na maraming customers yung nakatingin sayo lalo na dyan sa puwetan mo? Are you aware na hindi maayos ang pagkakasuot mo dyan sa panty mo?" Mataray nitong sabi.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mrs. Rita kaya kinapa ko tuloy tong pwetan ko. Sobrang nahiya tuloy ako kase nakalabas na yung kaliwang pisngi ng pwet ko dahil hindi nga naman maayos ang pagkakasuot ko sa panty. Naka leggings lang ako palagi sa trabaho kaya sa malamang ay marami nang nakakita dito.

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon