Bastos

223 9 0
                                    

Chapter 10

Trixie*
POV

Naunang lumapit si Vince para awatin ang pinsan nyang si Oliver na halatang lasing na. Agad ko ding hinila si Kelly palayo sa lalaking para bang nawawala na sa sarili. Umiiyak tuloy si Kelly dahil gusto daw ni Oliver na mag-sex sila dito mismo sa parking lot. Tumanggi si Kelly kaya nagalit daw si Oliver at sinakal sya.

"Insan! Tamana! Umayos ka! Nakakahiya tong ginawa mo! Minor si Kelly pwede kang makulong!" Sigaw ni Vince habang hawak sa magkabilang balikat si Oliver na masama pa ang tingin samin.

"Kayooo! Ang aarte nyo! Samin din naman ang bagsak nyo! Hahahaha!" Nauutal na sabi ni Oliver at tumawa pa.

Kita kong asar na asar na si Vince sa ginagawa ni Oliver kaya sinapak nya ito na agad namang natumba at nakatulog.

"J-Jusko! Vince! Bakit mo sinapak yung pinsan mo? Pwede naman natin syang ideretso sa presinto!" Sabi ko.

"Mas maganda na yan para hindi na nagsasalita! Nakakasawa! Akala ko nagbago na sya pero wala! Hanggang ngayon manyak parin ang gagong yan!" Inis na sabi ni Vince saka nya inilabas ang cellphone at humingi ng tulong para madala si Oliver sa presinto dahil desidido si Kelly na ipakulong ito at sasang-ayunan naman ni Vince para hindi na daw maulit pa. Makailang beses na pala ginagawa ni Oliver ang ganito. Ayaw daw sana sumama ni Vince kaya lang ay natatakot syang baka mapano si Kelly lalo't kakilala daw nya yung Mama ni Kelly...

*

"Opo, itutuloy ko po. Sasampahan ko sya ng kaso. Opo, mali pong sumama kame sa kanila kase wala pa kame sa 18 pero hindi naman po tama na gawin nya saken yun." Naiiyak na sabi ni Kelly sa dalawang pulis na kausap nya.

Humahagulgol sya ng iyak habang nagkukwento kung ano yung nangyari kanina. Humingi din ako ng sorry sa mga pulis kase sila na mismo ang nagsabi na parang kami din ang nagbigay ng motibo para gawin kay Kelly ang bagay na yun. Maya-maya dumating na yung Mama ni Kelly na si Tita Kyla. Galit syang hinahanap yung nangbastos sa anak nya e nasa loob ng rehas si Oliver kaya si Vince tuloy ang humarap.

"Pasensya na kayo Tita. Kinausap ko naman po si Oliver na wag nyang gagawan ng hindi maganda si Kelly kaso, nalasing po sya ng sobra. Sinapak ko nalang po para makatulog. Paggising nya magugulat nalang sya nandito na sya sa kulungan." Sabi ni Vince.

"Hay naku Vincent! Saan ba galing yang pinsan mo ha! Maraming beses na ba nyang ginagawa yung ganito?!" Sabi ni Tita Kyla.

Tumangu-tango si Vince. Palipat lipat na daw ng tinitirhan si Oliver dahil sa palaging napapa baranggay dahil sa taglay nitong kamanyakan.

"Pero hahayaan ko na po sya Tita. Binawalan ko na sya kaso hindi sya sumunod kaya sorry sya. Magandang makulong muna sya." Sabi ni Vince.

Napailing-iling si Tita Kyla at tinignan ang anak nyang si Kelly. Akala ko e yayakapin nya o lalambingin ang anak pero nagkamali ako.

"Yan! Kalandian mo kase! Bagay nga sayo! Wala ka kasing kadala-dala! Mahilig hilig ka din kaya ayan ang napapala mo! Imbis magtrabaho ka nalang at tumulong samin ng mga kapatid mo! Inuuna mo yang paghahanap ng lalaki! Edi nakita mo ngayon kung anong hinahanap mo diba?!" Sigaw ni Tita Kyla.

Napayuko si Kelly. Tahimik lang ito pero alam kong umiiyak sya. Sobrang nalulungkot ako dahil sa pagtrato sa kanya ng Mama nya. Sya kasi ang inaasahan nila sa pamilya. Si Kelly ang panganay at naging Tatay dahil iniwan sila ng Papa nya noong 11 years old palang si Kelly at pinagbubuntis pa ng Mama nya yung bunso nyang kapatid. Sumama sa ibang babae yung Papa nya at hindi na sila binalikan pa kaya hanggang ngayon ay Bitter parin ang Mama nya sa pagdating sa mga lalake.

"Itatak mo sa kokote mo! Wala kang mapapala sa mga lalaking yan! Pagsasawaan ka lang pagkatapos hahanap na sila ng iba! Gamitin mo yang utak mo wag yang puso! Hindi ka mabubusog ng pagmamahal na yan!" Sabi ni Tita Kyla tapos ay umalis na sya.

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon