Chapter 20
FinaleTrixie*
POVNamangha ako sa ganda ng babaeng yumakap saken. Nakangiti itong tumingin saken kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Trixie, this my Mommy Thea. And Mom, eto po si Trixie. Yung kinukwento ko po sa inyo." Sabi ni Ethan.
"Totoo pala yung kwento ni Ethan saken na maganda ang asawa ni Angelo. Naalala ko, parang nakita na kita dati? Siguro sa school yun." Sabi nitong Mommy ni Ethan.
"Ah, o-opo b-baka sa school po hehe." Nahihiya kong sabi.
Lumapit si Angelo sa Mommy ni Ethan at bumeso sila sa isa't-isa. Maya-maya naupo na kame saka naghintay sa naghahain ng pagkain. 7:45pm na pala. Madilim na sa labas tyaka medyo inaantok na ko pero nawala yung antok nang makausap ko tong Mommy ni Ethan. Napansin kong masaya syang kakwentuhan ako. Nakilala ko din ang Daddy ni Ethan na si Tito Emilio. Seryoso ang reaksyon nya pero naging maaliwalas ang reaksyon nya habang nakatingin sya saken. May kung ano akong naramdaman sa mag-asawang to kaya umaasa akong sana ay ako si Athena...
**
Lumipas ang ilang Linggo...
Nabalitaan kong nagpunta sila Ethan kasama ang magulang nya kung nasan na ngayon nakatira yung dati nilang kasambahay. Sabi ni Angelo saken e yung bahay ampunan daw ni Mother Erinda yung tinutukoy ng kasambahay na yun kaya eto at nabigla na lamang ako ng ayain ako nila Tita Thea at Tito Emilio na sumalang sa DNA Test...
*
"Positive?" Sabi ni Mama Aliyah.
Nandito kaming lahat sa Mansion ni Angelo. Ako, si Angelo, si Mama Aliyah, sila Ethan at Mae tyaka sila Tita Thea at Tito Emilio. Makalipas lang kase ang tatlong araw at lumabas na yung resulta ng DNA tests sa sampung ospital at lumitaw na ako at si Athena nga ay iisa. Sobrang saya ko pero nalulungkot akong maraming panahon kong hindi nakasama ang totoo kong mga magulang. Nakita kong naluha si Ethan na niyakap ako ng mahigpit. Humahagulgol din sa pag-iyak ang Mommy nito na Mommy ko pala. Pinapatahan naman sya ni Tito Emilio o Daddy ko pala.
"Hindi ako makapaniwala na tama yung lukso ng dugo na naramdaman ko." Iyak ni Mommy Thea.
Niyakap ako ni Mommy. Nagpakilala sya at sinabing mahal na mahal nya ko. Salamat umano sa Diyos at maliit lang ang mundo dahil nagkita-kita agad kame at magsisimula nang ayusin at maramdaman sa isa't-isa na heto at bumalik na ko sa buhay nila...
***
After 1 year...
"Baby, halika may ipapakita ako sayo..." Sabi ni Angelo kaya lumapit naman agad ako kase mukhang importante yung sinasabi nya.
*
Nagpunta kame sa kwarto naming mag-asawa tapos bigla syang naghubad. Nanlaki ang mga mata ko kase hindi ko mawari kung ano ba tong kailangan nya saken.
"Come..." Pang-aakit nya.
"B-Bakit? Ano ba kasing ipapakita mo? Tyaka, nakita mo naman iniwan ko yung anak mo sa baba. Baka umiyak yun." Sabi ko.
"Nasa baba yung mag-aalaga sa kanya kaya wag kang mag-alala okay? Halika muna dito. Isang taon mahigit din tayong hindi nag ano e?" Sabi pa nya.
Na gets ko na yung ibig sabihin ni Angelo. Inaaya pala nya ko kaya sya ganito. Nakakatawa tuloy isipin na nagmamakaawa sya mapagbigyan ko lamang sa gusto nya.
"Osha, sige pero! Saglit lang ha? Nag-iisa sa sala yung anak naten. Ayokong umiyak yun." Sabi ko.
Tuwang-tuwa na tumangu-tango si Angelo. Nilapitan nya ko saka niyakap at hinalikan sa labi. Nag-init naman agad ako kaya nakipaglaban din ako ng halikan sa kanya. Sobrang lalim ng tagpo namin ni Angelo. Namiss ko din sya sa bahay na to kase simula mabuntis ako e hindi na nya ko ginalaw dahil sabi ng Doctor maselan akong magbuntis at baka mabugbog yung baby sa sinapupunan ko kapag nag-sex kame.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...