Katabi sya sa paggising

207 6 0
                                    

Chapter 5

Napabangon tuloy si Angelo habang gulat na gulat ang reaksyon na makitang katabi pala nya si Trixie. Hindi pa sya makapaniwala na nakatabi nya ito at mukhang may nangyari pa sa kanila base sa wala itong saplot na suot kundi kumot lamang.

"T-Trixie?!" Ani Angelo.

"A-Angelo?! P-Pano to?!" Nag-aalalang sabi ni Trixie.

Nagtataka si Angelo dahil ang alam nyang katabi kagabi o naka-sex nya ay si Liza pero bakit papaano nangyari ito lahat lalo't wala na syang matandaan matapos nyang inumin yung alak na bigay ni Liza sa kanya.

"Nasan si Liza?!" Tanong ni Angelo.

"E-Ewan ko?! Bakit saken mo hinahanap? T-Tyaka may nangyari ba sating dalawa ha?! Bakit nandito ako?! Bakit katabi kita natulog t-tapos parehas pa tayong walang damit!" Naiiyak na sabi ni Trixie.

"E bakit hindi mo tanungin yang sarili mo ha?! Pano ka napunta dito sa kwartong to ha! Sinadya mo ba to Trixie?!" Naiinis na sabi ni Angelo.

Nalungkot si Trixie dahil napagbintangan pa sya kahit na wala syang alam sa lahat ng nangyayari. Ni hindi sya nakakibo ng tumayo na si Angelo saka nagsuot ng brief at pantalon tapos ay lumabas sa kwarto. Naluha ang dalaga dahil para bang wala lang kay Angelo kung may nangyari sa kanila o wala...

*

Paglabas ni Angelo sa kwarto ay isinuot na nya yung tshirt nya. Sobrang kalat sa hallway at may ibang estudyante pang nakatulog sa sahig. Asar na asar si Angelo dahil si Liza ang inaasahan nyang makasiping kagabe at hindi si Trixie dahil ayaw nya sa dalagang ito. Mas gusto nya si Liza dahil naramdaman nyang mabibigay lahat ng pangangailangan nya bilang lalaki. Sumasakit tuloy ang ulo nya. May awang ng konti yung kwarto kung nasan si Trixie. Nakita nyang umiiyak ang dalaga at nanginginig dahil ramdam ni Angelo na sya ang naka-una dito. Alam ni Angelo ang pakiramdam na pumasok sa ari ng isang Virgin dahil sumakit ang kanya o napagod.

"Shit." Bulong ng binata.

Humahagulgol na kasi si Trixie at hindi alam kung ano ang unang gagawin. Magbibihis ba ito o pupunta muna sa banyo. Tila hindi mapakali si Trixie habang pinupulot ang mga damit nyang nasa sahig ng kwarto.

"What the hell Julius!" Sigaw ni Liza na nasa kabilang kwarto lang pala.

Agad tumungo si Angelo nang marinig ang boses na yun. Pagbukas nya sa pinto ay nadatnan nya si Liza na nakatayo at nagmamadaling nagbihis. Nakita pa sya nito at nagulat pa. Si Julius naman ay mahimbing na natutulog pero nakadamit. Ibig sabihin ay walang nangyari kay Liza at Julius kagabe. Nakahinga ng maluwag si Angelo. Si Liza naman ay nag-aayos sa suot nyang palda. Nadismaya pa ang dalaga dahil ang alam nya'y magwa wild sila ni Angelo kagabe pero bakit si Julius ang nakatabi nya.

"Babe, whats going on? Ano yung binigay mong drinks saken last night?" Sabi ni Angelo.

Agad namang lumapit si Liza kay Angelo tapos lumabas sila sa kwarto. Dito na binulong ni Liza ang plano nya para sa Fantasy nilang dalawa. Gusto kasi ni Angelo maging wild kaya nilagyan umano ni Liza ng Ecstasy yung alak na binigay nya sa binata. Nabigla si Angelo dahil hindi sya makapaniwala na merong naitatago si Liza na pinagbabawal na gamot.

"Saan mo galing yun?" Bulong ni Angelo.

"I just bought that to my Kuya. Marami syang ganon." Masayang sabi naman ni Liza.

Maya-maya ay lumabas na si Trixie sa kwarto. Nawala ang ngiti ni Liza sa labi nang makita si Trixie at mukhang nahihirapan itong maglakad. Tinignan nya si Angelo saka tinanong kung may nangyari ba sa kanilang dalawa.

"Just tell me? May nangyari ba?" Naiinis na sabi ni Liza.

Hindi kumibo si Angelo at nagkatinginan lang sila ni Trixie. Nagalit si Liza at hinablot pa ang buhok ni Trixie. Agad namang sinabi ni Angelo na walang nangyari kaya bumitaw na si Liza sa buhok ng kaawa-awang dalaga na nakaupo na ngayon sa sahig at umiiyak dahil sa pagkabigla.

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon