Chapter 7
Kinabukasan...
Paggising ni Trixie ay bumangon agad sya't naghilamos saka nagsipilyo. Pagkatapos nyang magpunas ng mukha ay bumaba sya para makakain ng agahan na saktong hinahanda na ni Aling Aida. Inasikaso sya ng matandang babae na nasa edad 57.
"Kumain kana hija. Sila Madam at Angelo e mamaya pa babangon. Kada Linggo ganyan sila." Sabi ng ale.
"Salamat po Nay." Masayang sabi ni Trixie.
Kumain si Trixie tapos dumating sa Dining Room si Liza na mukhang kukuha ng pagkain. Si Mean naman ang nag asikaso sa girlfriend ng amo nya. Habang inaasikaso ni Mean ang pagkain ay nakangiting tinignan ni Liza sina Trixie at Aling Aida.
"Mukha kayong mag nanay." Sarkastikang sabi ni Liza.
Hindi sya pinansin ng dalawa at nagpatuloy lang sa pagkain si Trixie. Naasar si Liza dahil ang gusto talaga nya ay asarin si Trixie pero mukhang binalewala lang sya nito.
"Ang tibay talaga ng mukha mo no? Ayaw na sayo ni Angelo pero nandidito kapa?" Sabi ni Liza.
Dito na itinigil ni Trixie ang pagkain saka sya uminom ng tubig. Pagkatapos malunok ang laman ng bibig ay nilingon nya si Liza saka nginitian.
"E anong tawag mo dun sa ayaw naman sa kanya ng magulang ng boyfriend nya pero dito pa sya nakitulog? Isa pa, si Mommy Aliyah na yung guardian o parent ko kaya bakit nakikialam ka saken? Sino kaya saten yung may karapatan na magsalita sa bahay na to. Ako ba o ikaw?" Sarkastikang sabi ni Trixie kaya nanggalaiti sa inis si Liza at pinili nalang na umalis. Hindi na nito kinuha ang pagkain na hinihingi nya kay Mean at umakyat nalang sya saka bumalik sa kwarto ni Angelo.
Nagkatinginan sila Mean at Aling Aida. Natatawa sila dahil madali lang mapaalis ni Trixie ang pakialamerang girlfriend ng amo nila.
"Ayokong intindihin yung babaeng yun pero sumosobra na sya. Talagang gagawa at gagawa sya ng way para magsalita ako sa kanya." Sabi ni Trixie.
"Hija, ang importante dun e napaalis mo sya ng ganun ganon nalang diba? Tama na lumaban ka. Mas may karapatan ka dahil magkaka-anak kayo ni Angelo." Sabi ni Aling Aida.
Sang-ayon naman si Mean. Gusto nga nila na mapahiwalay na si Liza sa amo nilang si Angelo dahil hangga't nagpupunta umano dito ang babae ay umaasta na kung sino. Kung anu-ano pa umano ang sinasabi sa kanila na hindi naman nila naririnig o nararanasan sa mga totoong amo.
"Talagang maldita sya. Feeling nya ang ganda ganda nya?" Sabi ni Trixie.
"Tama ka Trixie. Cheerleader nga sya pero kalat namang malandi sya haha. Anak pa man din sya ng kilalang konsehal dito sa lugar." Sabi ni Mean.
Habang kumakain tuloy si Trixie ay nag-uusap sila Mean at Aling Aida tungkol sa mga nalaman nila sa gawain ni Liza. Nangingiti nalang sya dahil pakiramdam niya'y marami syang kakampi dito sa bahay...
**
Lumipas ang dalawang buwan...
Naging matapang nga si Trixie na sagutin ang pangbabastos ni Liza sa kanya ay dito naman lalong nagalit si Angelo sa kanya. Nagkaroon ng selebrasyon sa Mansion at yun ang Birthday ni Madam Aliyah Gem. Maraming bisita hanggang sa nangyari ang isang gulo na si Liza mismo ang nag-umpisa.
"Oh god?! What did you do Trixie! Sinasadya mong tapunan ako ng Wine?! What the hell is wrong with you!" Pagsigaw ni Liza kaya narinig ito ng mga bisita.
Naalarma si Angelo at nilapitan ang dalawang babae na nasa drinks area. Kukuha sana si Trixie ng Mango Juice ng hawakan ni Liza ang kamay nya at sinadyang tapunan ang sarili para makagawa ng eksena.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...