Chapter 6
Trixie*
POVIniwan nila kong lumuluha. Ni walang bahid ng awa sa reaksyon ni Angelo. Talagang pinabayaan na nya ko pagkatapos ang lahat. Sobrang awang-awa ako sa sarili ko dahil bakit hinayaan kong mahulog ako sa lalaking gaya nya. Hindi ko tuloy alam kung papano pa ko mabubuhay sa sitwasyon kong to. Paano nalang kung malalaman ni Mother Erinda na buntis ako...
*
Pag-uwi ko sa bahay ampunan...
Nadatnan ko si Antonette na kakauwi lang din galing sa eskwelahan. Kasama nya sina Gemma at Marie na kinumusta ako.
Ani Gemma. "Bakit matamlay ka? May nangyari ba sayo?"
Ani Marie. "Nabully ka yata sa school mo. Bakit ganyan ka kadumi?"
Nilapitan agad ako ni Antonette at inalalayan makaupo. Sumunod naman ako tapos ikinuha ako ni Gemma ng tubig na maiinom.
"Trixie, bakit ganyan ang itsura mo ha?! Mukhang may nanakit sayo ha?! Sino! Sabihin mo saken!" Sabi ni Antonette.
Naluha na ko. Inaya ko syang magpunta kame sa kwarto ko para makapag-usap...
*
"Ano?! Buntis ka?!" Gulat na sabi ni Antonette.
Inawat sya ni Marie at Gemma dahil baka may makarinig saming apat. Kinalma naman ni Antonette ang sarili saka sya bumulong.
"Alam mo bang malaking problema to Trixie? Nakakahiya kay Mother. Mag-isip-isip ka jusko." Gigil na sabi ni Antonette.
"H-Hindi ko naman ginusto mabuntis ako Antonette. Isang gabi lang nangyari yun tapos eto. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko." Naiiyak kong sabi.
"Alam mo, mas maganda kung magsabi ka kay Mother para kahit papano may edia sya kung napapano kana." Sabi ni Antonette.
Sumang-ayon naman sila Gemma at Marie. Ewan ko pero natatakot ako kung sasabihin ko kay Mother Erinda ang tungkol sa pagbubuntis ko...
**
"Good afternoon, Mother Erinda right?" Sabi ng isang matandang babae na kakapasok lang dito sa bahay ampunan.
Lahat kame e nasa garden at kanya-kanyang dilig sa halaman ng pumasok ang babae.
"Sino ho sila? Ano ho ang kailangan nyo sakin?" Mahinahon na salubong ni Mother Erinda sa babae.
"Gusto ko sanang makausap si Trixie." Ani ng babae kaya napalunok ako dahil nagtataka ako kung sino sya at anong kailangan nya saken.
"Ah eh, andun banda yung bata. Sino ho ba kayo? Anong kailangan nyo sa kanya?" Sabi ni Mother Erinda.
"Ako si Aliyah Gem. Gusto kong kupkupin si Trixie para maalagaan dahil dinadala nya ang magiging apo ko..." Sabi ng babae.
Bakas sa reaksyon ni Mother Erinda na nabigla sya. Napatingin sya saken at tinawag ako bigla. Agad naman akong lumapit at nagsorry sa madre.
"S-Sorry po Mother. Hindi ko po alam na mabubuntis ako." Iyak ko.
"Ikaw bata ka! Totoo bang buntis ka?! P-Panong nangyari? Ganyan ba kita pinalaki Trixie?!" Galit na sabi ni Mother Erinda.
Umiiyak akong lumuhod at humingi ng sorry sa kanya pero nagalit parin si Mother Erinda at naiintindihan ko kung bakit sya nagkakaganito. Mahal daw nya ko at para na nyang isang anak pero bakit ko daw ginawa ang bagay na yun. Dito ko na kinuwento lahat-lahat ng nangyari saken nung nasa poder pa ko nila Mama Rhian at Papa Arturo. Sinabi ko kay Mother ang tungkol sa pagsuway ko sa mag-asawa at ang pagtakas ko makapunta lamang sa Party na ginawa ni Angelo Gem na anak ng babaeng nandito sa paligid namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...