Si Trixie at Athena ay iisa?

247 8 0
                                    

Chapter 19

Trixie*
POV

Masaya kaming nag-bonding nila Julius, Mae, Ethan at Angelo. Nag-usap usap lang kami tungkol sa nawawalang kapatid ni Ethan. Masaya sya dahil nagka idea sya kung paano nya sisimulan hanapin si Athena. Sabi ni Ethan kung nasan man si Athena ay magka-edad kaming dalawa tyaka biniro pa ko ni Mae na kamukha ko daw yung Mommy ni Ethan. Nagka-tuksuhan pa tuloy ang barkada na baka ako yung nawawalang kapatid ni Ethan dahil galing ako sa bahay ampunan. Base lang din kase sa nalalaman ko e iniwan lang ako sa tapat ng pintuan nila Mother Erinda noong baby pa ko. Yun ang kwento ni Mother Erinda saken kaya yun ang pinanghahawakan ko. Naisip ko ding kaya iniwan ako ng magulang ko sa lugar na yun ay dahil hindi nila ko kayang buhayin o baka naman hindi nila ako mahal.

***

Makalipas ang ilang linggong paghahanap ni Ethan kay Athena...

"Nanggaling ako sa Masbate. Nakita ko dun yung dating yaya namen. Sabi nya sa bandang Cainta daw nya iniwan yung baby. Lasing daw sya ng time na yun kaya hindi na nya maalala." Sabi ni Ethan na kakadating lang dito sa Mansion ni Angelo.

Pinaupo namin sya't pinaghanda ng maiinom at mamemeryenda nila ni Mae dahil dalawa silang bumyahe para magsimula sa paghahanap.

"Cainta?" Sabi ko.

"Oo sa Cainta daw sa bahay ampunan." Sabi naman ni Mae.

"Malayo layo..." Sabi naman ni Angelo.

Napatingin si Ethan sa sahig. Nagkwento ito na dun daw iniwan ng dati nilang kasambahay si Athena. Naka drugs at lasing daw ang dating kasambahay na yun ng gawin ang kalokohan na yun sa sobrang pagod at puyat daw sa pag-aalaga sa baby Athena na yun ay ganun nalang ang inis at galit ng dati nilang kasambahay para iwanan sa bahay ampunan yung baby.

"Grabe. Ganun sya kabaliw?" Sabi ko.

"Yeah, sobrang baliw. Sobrang nakakabwisit. Yes, nag sorry sya pero hindi enough yun kase nagulo yung pamilya ko dahil sa kanya. Simula mawala si Athena nagbago na yung atmosphere sa bahay namen." Sabi ni Ethan.

Napaisip tuloy ako kung saang lugar ba yung kay Mother Erinda para makapasyal ako. Hindi ko na kase alam kung saan yung bahay ampunan na yun dahil nang sunduin ako nila Mama Rhian at Papa Arturo e umabot ng 3 hours yung byahe namin papunta sa tinitirhan nila malapit sa Gem University.

"Hmm."

"Kaya naiistress na ko. Feeling ko, hinding hindi ko na makikita yung kapatid ko." Malungkot na sabi ni Ethan.

"Ya know dude, sasamahan ka nalang namin sa paghahanap. May picture kapa ba ni Baby Athena?" Sabi ni Angelo.

Nabuhayan ng dugo si Ethan. Agad nyang sinabi na hahanapin nya kase alam nyang tinago ng Mommy nya yung baby pictures ni Athena noon na bagong panganak pa lamang...

*

Lumipas pa ang panahon...

21 years old na ko ngayon at 24 years old naman si Angelo. Masaya akong sa paglipas ng panahon e hindi nagbabago ng pinaparamdam saken si Angelo dahil mas nakikita kong mahal na mahal nya ko. Masaya din akong Happily Married kaming dalawa. 3 years na kaming kasal at nagpaplano pa sa buhay kaya nag-iingat kaming wag munang makabuo ng baby dahil kailangan ko pa daw ng mahabang pahinga sabi saken ng Doctor.

"Nakakahilo." Bulong ko.

"Sumandal ka saken..." Bulong ni Angelo.

Sinamahan ulit namin ni Ethan na magpunta sa Cainta. Makailang beses na kaming nagpunta dito dahil naghahanap parin kame kay Athena. Sinusunod namin yung listahan ng mga bahay ampunan dito tapos nataon na busy kameng lahat sa trabaho kaya eto at after 1 year and 8 months ay nagbabalik ulit kame para tignan naman ang Mother E House For Kids. Medyo napapansin kong nagiging pamilyar saken ang mga dinadaanan namin. Masyadong traffic kaya naalala ko yung panahon na sinundo ako nila Mama Rhian at Papa Arturo sa bahay ampunan ni Mother..

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon