Angelo's Crush

207 7 0
                                    

Chapter 3

Pakiramdam ni Trixie ay napahiya sya dahil sa inakalang sya ang tinititigan ng lalaking gusto nya. Nasaktan si Trixie na makitang sa iba nakatingin si Angelo at tila hindi na sya pinapansin dahil napukaw na ang atensyon nito sa dalagang si Liza. Si Liza Villanueva ay isang anak ng Congressman sa lugar. Sikat si Liza dahil isa syang cheerleader at tinaguriang Crush ng Gem University.

"Uhm, A-Angelo? Nandito ako? Nandito pa ko." Sabi ni Trixie kaya nabaling na sa kanya ang atensyon ng binata.

"I'm sorry? Your saying??" Pagtataka ng binata dahil hindi nito naintindihan ang sinabi ni Trixie kanina.

"Alam mo. Pupunta na ko sa klase ko. Baka ma late kase ko e? Ayokong magsayang ng oras dito na hindi mo naman ako pinapansin." Naiinis na sabi ni Trixie kaya tumayo kaagad sya sa kinauupuan at naglakad palayo kay Angelo na tinatawag pa sya't nagso-sorry kahit palayo na ang dalaga...

*

Wala sa mood makinig si Trixie sa klase ni Mrs. Ariana. Pumapasok kasi sa isip nya kung paano pagmasdan ni Angelo si Liza. Naiinis syang nasasaktan. Alam nyang nagseselos sya kaya nawawalan sya ng gana sa lahat ng bagay. Napansin ni Jenny na tahimik ang kaibigan kaya binulungan nya ito kung anong problema.

"Napapano ka Trix? Nag-away ba kayo ni Angelo? Hindi pa naman kayo mag on pero nagkaka LQ na kayo?" Bulong ni Jenny.

"Hindi. Okay lang kame." Asar nyang sagot.

"Ows? E bakit nakabusangot ka?" Bulong muli ni Jenny.

"Nakakainis kase si Gelo. Kwento ako ng kwento kanina tapos nakatitig pala sya dun sa magandang babae na cheerleader? Yung Liza ba yun?" Sabi ni Trixie.

"Aray patay? Sikat yun girl. Anak mayaman din tyaka sa pagkakaalam ko niligawan na dati ni Angelo yun kaso nabasted sya?" Bulong ni Jenny.

Nauwi sa tsismisan ang pag-uusap nina Jenny at Trixie patungkol kay Angelo at Liza. Ayon sa pagkakaalam ni Jenny ay matagal ding niligawan ni Angelo si Liza pero ayaw ng pamilya nito sa kanya dahil sa kumakalat na usap-usapan tungkol sa pagiging babaero at fuckboy ng binata. Umabot ng isang taon ang panliligaw ni Angelo kay Liza at binasted sya mismo sa araw ng Valentine's Day. Maya-maya ay napansin ni Mrs. Ariana na hindi nakikinig sila Jenny at Trixie na nakapwesto sa dulo kaya...

"Jenny, Trixie! Nagkaklase tayo! Ano yang bulungan nyo dyan sa likod ha?!" Inis na sabi ng guro.

"S-Sorry po Ma'am." Sabi ni Trixie.

"Sorry po." Sabi naman ni Jenny.

Agad naman silang pinatawad ng professor basta makinig na sila para hindi bumagsak sa unang Grade...

*

Matapos ang klase...

Sabay na naglakad sila Jenny at Trixie palabas ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay lumapit kaagad si Julius para harangan si Trixie. Kasama pa ng binata ang lima nyang alalay na tila naghahamon na bullyhin ang mga dalaga.

"Bakit ba humaharang ka Julius ha! Isusumbong kita sa pinsan mo para mabatukan ka!" Sigaw ni Jenny.

"Ows? Sa tingin mo natatakot ako kay Angelo? Edi magsumbong ka nerd! Hahahaha!" Pang-aasar ni Julius at tumawa pa kaya maging ang mga kasama nya'y tumawa din.

May ilang estudyante ang nakakakita kung paano pagtawanan ni Julius sila Trixie at Jenny. Panunukso ni Julius ay nakita nya si Trixie na malungkot kanina dahil nakatingin si Angelo kay Liza. Dito nabigla si Trixie dahil hindi nya lubos maisip na may nakabantay sa kanya ng panahong nasasaktan syang makita na sa iba nakatingin si Angelo.

"Odiba?! See! Na shock sya! Hahahaha! Kawawang Trixie?! Kawawang Trixie! Hahaha!" Pang-aasar ni Julius.

Napakagat labi si Trixie sa kahihiyan dahil maraming estudyante ang nakatingin sa kanya ngayon. Inakay kagad sya ni Jenny para makalayo na sa grupo ni Julius...

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon