Liza the Domonyita

221 7 0
                                    

Chapter 8

Angelo*
POV

Pagkatapos kong maligo lumabas na ko sa banyo saka nagbihis. Matapos kong masuot ang sando ay nabigla ako sa sigaw ni Mommy na nasa baba.

"Anong ginawa mo!" Sigaw ni Mommy kaya lumabas agad ako ng kwarto at nakita ang girlfriend kong si Liza na nasa hagdan at gulat na gulat ang reaksyon habang nakatingin dun sa baba.

"Babe? What's going on? Anong ginagawa mo dyan? Bakit sumisigaw si Mommy?" Tanong ko pero walang kibo si Liza at tulala lamang na nakatingin dun sa ibaba.

"Hayop kang babae ka! Bakit mo tinulak si Trixie!" Naiiyak na sigaw ni Mommy kaya lumapit na ko kay Liza at nakitang nandun si Mommy sa baba. Ginigising nya si Trixie na nakadapa.

"T-Trixie? Trixie! Babe?! Anong ginawa mo?!" Sigaw ko sabay baling sa girlfriend ko.

"I-Inaagaw ka nya saken. Ayokong nandito pa sya k-kaya ko nagawa yan." Bulong ni Liza.

Tinignan ko ulit si Trixie. Nang maihiga sya nila Mommy at Aling Aida ay namutla ako ng sobra dahil ang daming dugo. Bumaba agad ako't ginising si Trixie pero wala itong malay. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko. Natataranta akong hindi naman maiwan na ganito si Trixie.

"Ipapakulong kitang Liza ka! Hayop ka talaga!" Sigaw ni Mommy.

"Jusko, kitang-kita kong tinulak nya si Trixie. Bumababa yung tao tinulak nalang nya bigla!" Sabi ni Aling Aida kaya nanggalaiti ako't tinignan si Liza na nasa hagdan parin. Para bang wala syang balak kumilos.

"Anong ginawa mo! Alam mong dinadala nya yung anak ko! Bakit mo sya tinulak!" Sigaw ko.

"She deserves it! Inaagaw ka nya saken Angelo! Akala mo ba hindi ko napapansin sayo! Kada gabing lasing ka binabanggit mo yung pangalan nya kahit ako yung kasama mo! Kahit sino gagawin yan!" Matapang pang sigaw ni Liza.

Dito hindi ko maramdaman na mahal ko sya o girlfriend ko sya dahil sa ginawa at sinabi nya. Tumayo ako't binalikan sa taas si Liza saka sinakal at kinaladkad pababa dito sa sala. Pinamukha ko sa kanyang wala syang puso at dapat na kaming maghiwalay. Iyak ito ng iyak pero hindi daw sya hihingi ng tawad dahil mas gusto nyang mamatay na si Trixie at ang magiging anak ko kaya...

*Pak!

Sinampal ko sya. Napaupo si Liza sa sahig habang sinisigaw na wala akong kwentang tao. Mas pinipili ko daw ngayon ang gaya ni Trixie kesa sa kanya na Gold. Galit na galit si Mommy kaya sinabunutan nya si Liza. Sakto namang dumating si Julius. Natutulala ako sa mga nangyayare...

*

Hindi tuloy ako mapakali. Naghihintay parin ako ng update kay Mommy at Julius kung ano ng nangyari kay Trixie at sa magiging anak ko. Hindi ako naka sama sa pagdala kay Trixie sa ospital dahil inasikaso ko pang masampahan ng kaso si Liza. Matapos ng ginawa nya ay nawalan na ko ng gana na mahalin sya. Dito ko na nakitang hindi ako masaya dahil sa kanya ako nagbago at dahil sa kanya ay nagawa ko yung mga bagay na hindi ko dapat ginawa kay Trixie na aksidente ko ngang nabuntis. Tama si Mommy na walang magandang maidudulot ang pakikipagrelasyon ko kay Liza dahil binago na nya ko masyado. Nakita ko na din ang sarili ko sa dating Bully na si Julius na ngayon ay masaya at malaya na dahil iniwan sya ni Liza.

"Hindi pa ba tumatawag si Mommy?" Tanong ko kay Aling Aida.

"Hindi pa ho." Sagot naman nya.

Nasa sala kami at naghihintay. Kanina pa ko nakatingin sa bintana habang nakatayo. Tinitignan ko kung pauwi na ba sila Mommy at Julius kung kasama din ba nila si Trixie. Gusto ko sanang sumunod kung nasan sila kaso natatakot ako dahil baka hindi ko kayanin kung mababalitaan kong may nangyari nang masama sa anak ko.

Yours TrulyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon