Chapter 17
Angelo*
POVWala ng saysay para mabuhay pa ko kung hindi na din gusto ni Trixie na makasama ulit ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Nasasaktan ako habang iniisip yung nakaraan naming dalawa kung saan nasaktan ko sya ng sobra. Iyak tuloy ako ng iyak ngayon habang humahakbang paisa-isa dito sa dagat. Iniisip ko yung panahong pinagtabuyan ko sya. Pinagsalitaan ng masasakit na salita. Sinaktan ng pisikal at pinagdamutan ng oras. Ang hirap kaya naninikip nanaman ang dibdib ko.
"Anak! Please don't do this! Umahon kana Angelo! Bitawan mo yang kutsilyo!" Naiiyak na sigaw ni Mommy.
Umiling-iling lang ako habang humahagulgol sa pag-iyak. Sumisigaw na si Mommy at humihingi na ng rescue para mapa-ahon ako pero nagtangka akong sasaksakin ang leeg kung may lalapit saken. Halos walang makalapit dahil alam nilang seryoso ako sa sinabi ko. Maya-maya...
"Angelo!" Boses yun ni Trixie kaya lumingon ako.
Nakita ko syang tumatakbo papalapit saken kaya huminto ako sa paghakbang.
"Wag ka nang lalapit Trixie. Wag ka nang lalapit kung ayaw mo na saken! Hayaan mo na ko." Iyak ko kaya tumigil din sya bago makalapit saken.
Kahilera nya si Mommy. Umiiyak silang dalawa at nagmamakaawa saken na itigil na tong binabalak ko sa buhay ko. Nakita ko din si Daddy na kakadating lang dito sa Beach. Halos mabuwal si Daddy na makitang nagkakaganito ako kaya nagsorry ako sa kanila.
"Sorry Dad! Sorry Mom! Mahal na mahal ko po kayo! Mahal din kita Trixie! Mahal ko kayo ng anak naten! Sorry kung naging gago ako! Sana mapatawad mo pa ko sa gagawin ko pero ayoko ng mabuhay kung hindi rin lang ikaw ang makakasama ko..." Iyak ko.
Biglang bumuhos ang ulan kaya nagtakbuhan ang mga nakiki-tsismis samin. Sila Daddy, Mommy, Trixie at yung mga staff dito sa Beach tyaka Rescuers lang ang naiwan dahil lumakas na yung ulan...
*****
Trixie*
POVHindi ko na alam kung pano pang pagmamakaawa ang gagawin ko para lang itigil na ni Angelo yung binabalak nya. Maya-maya bigla syang sumisid at mukhang lumangoy palalim kaya tumakbo ako't lumangoy na din para habulin sya.
"Jusko Angelo!" Iyak ni Mama Aliyah tapos hindi ko na narinig ang sumunod na sigaw nila dahil nakita ko sa ilalim si Angelo na lumalangoy palayo saken.
*
Sobrang nahirapan akong huminga kaya nagpalutang muna ko sandali para makahinga. Saglit lang at sumisid ulit ako pero hindi ko na makita si Angelo. Sobrang lakas na din ng ulan at may pag alon pa kaya naiyak na ko sa takot na baka nalunod na nga sya ng tuluyan. May mga rescuers nang kumuha saken at sinakay ako sa bangka nila. May sumisid na din para hanapin si Angelo.
Makalipas ang ilang minuto...
Nang makita na si Angelo. Wala na itong malay at namumutla na. Sabi ng mga rescuers ay patay na daw si Angelo kaya nag-iiiyak na ko't nilapitan si Angelo na nakahiga sa buhangin ng dagat.
"Angelo! Angelo!" Iyak ko.
Niyakap ko ito saka tinatapik ang pisngi pero walang epekto. Hiniga ko ulit sya't ginamitan ng CPR. Nag bump din ako ng malakas sa dibdib nya habang umiiyak ako hindi ko na alam kung may lakas pa ko pero...
"Mmb! Oho! Oho!"
Umubo si Angelo saka nya niluwa yung tubig na nainom nya. May saya akong naramdaman habang umiiyak. Lumapit na sila Mama Aliyah at ang Daddy ni Angelo.
"Anak ko!" Naiiyak na sabi ni Mama.
Marahan na idinilat ni Angelo ang mga mata nya saka sya tumingin saken. Nakita ko ang lungkot nito sa mga mata nya. Dito na ko humagulgol at niyakap sya ng mahigpit.
"Sorry. Sorry..." Naiiyak nitong sabi.
"Wag mo ng ulitin yun." Iyak ko.
Tumangu-tango ito.
"I try naten Angelo. Pwede nating i try." Iyak ko kaya niyakap nya ko ng mahigpit.
Nag iiyakan tuloy kaming dalawa habang magkayakap. Sobrang lakas ng ulan na nasabay pa sa nangyari saming dalawa. Malungkot at nakakabigla pero susubukan naming dalawa alang-alang sa nararamdaman namin sa isa't-isa...
*
Nandito kaming dalawa ngayon ni Angelo sa isang kwarto. Nakabalot kami ng makapal na tuwalya habang nagkakape. Ang mga magulang naman nya e bibigyan raw kami ng space o oras para makapag-usap ng kami lang dalawa.
"Pasensya kana ginawa ko yun. Iniisip ko kase hindi na din ako sasaya. Mas gusto ko kasing ikaw nalang yung makasama ko kesa sa iba..." Mahinahon na sabi ni Angelo.
"Basta wag mo ng uulitin. Alam mo naman na sobrang sama ng loob ko sayo dahil sa nangyari dati. Pero, bigyan mo muna ko ng space ganun sana hindi yung magpapakamatay ka agad." Sabi ko tapos natawa sya.
"Angelo, wag mong gawing biro yung pagkakamatay. Mali yun." Sabi ko pa.
"Alam ko namang mali. Iniisip ko nalang na kung ayaw mo saken edi magpapakamatay nalang ako para makasama ko yung anak naten..." Sabi nya kaya napalunok ako't nalungkot.
"H-Hindi mo kailangan sayangin yung buhay mo Angelo. Hindi mo naman masasabi kung magkakasama kayo kase baka sa impyerno kapa mapunta kung magpapakamatay ka." Sabi ko.
"Naisip ko din yan habang lumalangoy ako kanina..." Bulong nya saka sya yumuko at nalungkot muli.
Kinausap ko ng masinsinan si Angelo na susubukan naming dalawa na pasukin ulit ang relasyon na naudlot namin noon. Humiling pa ko sa kanya na wag na nya kong lolokohin at wag na nya kong sasaktan. Sabi nya hindi na daw nya uulitin at nangangako sya sa ngalan ng Diyos dahil binigyan ko pa umano sya ng pag-asa. Ayaw na nyang masayang yung chance na ibibigay ko ngayon kaya gagawin nya lahat-lahat mahalin ko lang sya ulit kagaya ng dati...
***
After 3 Months...
Nung una awkward yung paglalambing ni Angelo saken. May binibigay pa syang bulaklak at chocolates tapos habang tumatagal na-a-appreciate ko yun. Kinikilig na din ako lalo sa mga paghalik nya sa noo at kamay ko. Hindi pa nya ko nahahalikan ulit sa pisngi at labi kase sabi ko e ligawan muna nya ko kaya nasa ganoong stage palang kame at naiintindihan naman nya. Magkaiba din kame ng inuuwian dalawa. Dun parin ako sa bahay na bigay ni Mommy Aliyah at dito naman sa Penthouse sa taas ng Hotel nitong Beach nakatira si Angelo. Madalas kaming magkita pero sabi nya e namimiss daw nya agad ako.
"Wag mo kong guluhin nagpupunas ako ng mesa. Baka mapagalitan ako kay Mrs. Rita." Pagsaway ko kay Angelo na nakayakap ngayon saken. Nasa likuran ko sya't naglalambing.
Kilig na kilig naman ang mga kasama ko dito sa trabaho lalo na sila Kelly, Mean at Ivy dahil ito na nga daw yung Starting Over Again namin ni Angelo...
*****
Ethan*
POVPagod ako galing basketball kasama ang mga batchmates ko nung 1st year college. Pag-uwi ko sa bahay umiiyak nanaman si Mommy dahil nag-away daw sila ni Daddy.
"Mom, hanggang ngayon ba si Athena parin yung pinag-aawayan nyo? Sobrang tagal ng wala ni Athena sa buhay naten bakit ba hindi kayo maka-move on." Naiinis kong sabi.
"Anak, hindi ko naman pwedeng makalimutan yung kapatid mo. Hindi naman official yung imbestigasyon kung patay na ba sya diba? Kaya alam kong buhay sya. Buhay si Athena at hahanapin ko parin sya." Naiiyak na sabi ni Mommy.
Maya-maya pumasok si Daddy dito sa bahay. Galing sya sa likod bahay at mukhang nag-aayos ng sasakyan nya. Galit na galit syang nilapitan si Mommy at sinigawan na patahimikin na ang pamilyang to pero...
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang bunso naten Emilio! Imbis na tulungan mo ko mas inuuna mo pang samahan yung babae mo!" Naiiyak na sabi ni Mommy.
Nalulungkot ako. Simula mawala kase si Athena e hindi na naging okay sila Mom and Dad. Pati ako hindi na nila nabigyan ng oras kaya siguro susubukan ko ulit na hanapin yung kapatid ko...
BINABASA MO ANG
Yours Truly
RomanceKwento ng isang Babae na Aksidenteng nabuntis ng Crush nya pero ayaw naman sa kanya💔 Gusto mang magpatawad pero mabigat ito para kay Trixie dahil sa mga pinagdaanan nya sa poder ni Angelo. Hanggang saan kaya ang aabutin ng pangungulit ni Angelo pa...