Deine Sierra PoV
I can't wait. Christmas break is the best! I'm already packing my things because tomorrow, we're going to Paris.
Kerby and his family are already there, nung isang araw pa sila pumunta doon. Doon na rin ako magse- celebrate ng sixteenth birthday ko.
Nakapag bonding na rin naman kami nung isang araw nung mga girls and we already bid our goodbyes to each other.
I can't help but to smile, I'm just excited. Mababalik kona ang bracelet ni Kerby dahil makakabili na'ko ng akin.
We're going to stay in a hotel near the Eiffel tower. And guess what, nakiusap ako kay Mom na sa hotel nalang kung saan naka check in sina Kerby kami magpa reserve. Mabuti nalang at pumayag siya kaya nakausap niya si Dad.
Ang bilis ng panahon, parang nung isang araw lang first day of school namin. Ilang months nalang due date na ni Mom, malapit na siyang manganak and it's a boy. Gusto rin naman ni Mom na maging lalaki ang susunod na anak niya. Gosh, magiging ate na'ko.
After putting all the things that I needed in my luggage, I closed it and put the lock. I jump from my bed and stare at the ceiling. Someday, I'm going to travel around the world with my own money.
Time flies so fast. Dadating 'yung araw na kailangan ko nang bumukod at magpakasal. The question is, mahanap ko kaya ang tamang tao. Ayoko ng mga broken family, as much as possible, I wanted to have a happy family.
But first, I want to enjoy my single life before entering a relationship. Kapag nakapagtapos ako, mag eenjoy muna ako. I will spend my time traveling alone or with my friends. I will spoiled myself first.
Kinuha ko ang phone ko sa side table para mag scroll sa newsfeed ko ng mag video call si Kerby thru messenger.
I answered it at pinakita ang bored kong mukha.
"Ano?" I asked in a bored tone.
"Luh, ang cute mo naman po." He said and smiled at the camera. It's seven in the evening, six hours ang pagitan dito mula doon. So 1:00 PM na ngayon doon.
"Ba't napatawag ka, miss mo'ko?"
"Sunget, meron ka ngayon?" He asked then giggled. "Look, ang ganda ng view." I think nasa veranda siya ng unit nila.
"Saang floor ba kayo?" I asked.
"Twentieth floor kami, anong floor ba daw ang inyo?"
"Twenty-three."
"Hinihintay kana nung eiffel tower, I can see it from here."
"Oh? Share mo lang? Halata namang iniinggit mo'ko. Hambalos ko sayo bagahe ko eh." I rolled my eyes making him laugh, hindi ko nanaman makita ang mga mata niya.
Bigla kong naalala 'yung mga nakikita ko sa newsfeed ko. Halos lahat ata ng babae gustong maging asawa ang mga engineer. Paano naman 'yung mga babaeng engineer? Gusto kong mapangasawa doctor eh.
"Anong iniisip mo?" Kerby asked, his brows raised.
"Kerby, kanino bagay ang mga engineer na babae?" I asked.
"Architect syempre." He answered immediately.
"Pa'no mo naman nasabe?" I asked, pero nag iwas siya bigla ng tingin.
"Syempre mas magandang pagsamahin ang engineer at architect." He suddenly looked defensive.
"Dahil ba mag aarchitect ka kaya mo sinasabi 'yan??" I raised my brow.
![](https://img.wattpad.com/cover/224259352-288-k464377.jpg)
BINABASA MO ANG
The Dare In Paris (High School Series #1)
Teen FictionIn Liberia High School, Deine Sierra Asuncion is a study first student. She flirts occasionally, but she never commits to a long-term commitment. Being in a relationship is really a diversion for her, and she is not yet ready to commit. Not until sh...