Deine Sierra PoV
"Yehey! Grade nine ang over all champion!" Krizha shouted happily.
Our intramurals just ended a while ago after they announced all the winners at the gym. Since I won the first place in table tennis singles A, I will represent our school in cluster meet next next month, I think? I'm not sure.
Ciara also won the first place in chess kaya makakasama ko siya. Krizha and Cheska are not into sports kaya taga cheer lang namin sila.
I'm kinda tired because of the game but the two girls are too energetic to let me and Ciara rest. I'm physically tired while Ciara is mentally tired.
While walking upstairs to go to my room, I posted the picture of my medal on messenger as a my day putting the words, 'See you, Cluster!'
"Ugh! Tinatamad akong umakyat ng hagdan, wala bang escalator sa bahay niyo, Deine?" The lazy Cheska asked kaya tumigil ako sa pag akyat at tinignan siya.
"You always asked that question every time you see a stair." Reklamo ko.
She's so lazy pero pagdating sa gimikan napaka sipag niya just like now. May dala siyang backpack na siguradong tanduay ang laman since bawal pa kami sa hard drinks. Napaka sipag magdala ng ganon pero tamad umakyat ng hagdan.
"Required ba talagang mag celebrate kahit nanalo palang sa intrams?" The confused Ciara asked.
"Of course!" Cheska exclaimed.
Nang maka akyat kami sa kwarto ko ay nagpalit muna ako ng damit bago tumabi kay Krizha na naka upo sa sofa at nanonood na nang movie sa Netflix.
"Sup, Mariah." Pambubwisit ko since ayaw niyang tinatawag sa first name niyang Mariah because it's too primitive for her.
"Shut up! It's Krizha." Iritadong sabi niya. Natawa nalang ako sa reaksyon niya. Lumapit ang dalawa samin at inabot ang tig isang bote ng tanduay na malamig pa. Nakabukas na 'yon at may straw pa.
"Para tayong iinom lang ng soft drinks ah." I said sarcastically.
"Ayokong umiinom sa baso kapag alak. It makes me feel weak, duh." Umiling nalang ako sa sagot ni Cheska bago humigop sa straw.
"Sinong linalandi mo ngayon, Deine?" Krizha asked who's seated beside me.
"None. I'm busy."
Naging busy ako ng dalawang linggo dahil sa pagpapractice ng table tennis at pagrereview sa editorial writing dahil bukas na ang contest doon. Sa English ako, while Krizha ay sa Filipino. Si Cheska naman ay sa photojourn at si Ciara ay sa news writing.
Kailangan naming maging updated sa current issues sa mundo dahil may posibilidad na isa ro'n ang ibigay na topic. Since second section kami ay palagi kaming pinipili sa mga contest pati na ang first section na palagi kaming kino-compare.
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pagiging part ng mataas na section. May advantage rin kasi 'yon because first and second section have higher privilege than the lower section.
"So? Contest na bukas, and I'm sure maraming guy roon. Pumili ka lang, I will support you." Obviously? Krizha is the supportive one and simplest one sa'min. Sa sobrang busy niya sa pag-support sa'min ay kahit isa ay wala pa siyang nilanding lalaki.
"Why don't you get yourself a boyfriend, instead?" I crossed my arms and looked at her.
"Bakit hindi ikaw?"
"I don't do boyfriends." I felt disgusted. Being in a relationship is just a distraction, and I'm not ready for commitment. Besides, we're too young para mag boyfriend. All of us are just turning sixteen for petes sake!
BINABASA MO ANG
The Dare In Paris (High School Series #1)
TeenfikceIn Liberia High School, Deine Sierra Asuncion is a study first student. She flirts occasionally, but she never commits to a long-term commitment. Being in a relationship is really a diversion for her, and she is not yet ready to commit. Not until sh...