Kabanata 10
"I'm falling in love with you..."
Lumundag-lundag ako sa malambot na kama habang yakap ang isang parihabang unan.
Ang ganda ng gising ko kahit na hindi naman ako nakatulog ng maayos dahil kagabi ay sobrang ganda ng nangyari.
Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko. Hindi naman 'yon mahigpit para ngang ingat na ingat siyang hawakan ito.
"Rosalia!"
Naputol ang tingin ko doon. Bumaling ako sa harapan at nakita si Mommy na puno ng luha ang mga mata nito at tumakbo palapit sa akin.
Mom hugged me but I feel the grip of Davien loose on my wrist and seconds after he let go of it. It makes my heart tightened but I need to hide it.
Hinawakan ni Mommy ang magkabilang pisngi ko saka inobserba kung may mga pasa o galos ako.
Ilang minuto ba ako hindi nakabalik? Saglit lang naman 'yon ah.
"Saan ka ba nagpunta?! Pinahanap kita sa restroom dahil limang minuto ka ng hindi bumabalik tapos—" napansin niya si Davien, na tahimik lang sa aking tabi. Dinuro niya ito. "Ikaw! Sino ka?! Bakit kasama mo itong anak ko ha?"
'Di ko maiwasan na paikutin ang mata. Mom is overreacting! Nakakahiya kay Davien! Siya pa man din ang nagligtas sa akin.
"Mom," She looked at me. "His name is Davien, he saved my life..." I said in a low tone. Pasimple kong tiningnan si Davien na nakatingin lang kay Mommy. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
Mom gasped. "Someone's trying to harm you?! Isa ba siya sa mga sindikato na 'yon?"
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Kapag nasa OA mood na si Mommy ay mahirap nang ibalik ang normal state nito. Ito ang mahirap sa kanya, hindi niya makontrol ang sariling emosyon.
I let out a deep sighed and walked towards Mom.
"No, he is not a part of a syndicate. Kakasabi ko lang sa'yo na siya ang nagligtas sa akin. And he's my friend, Mom. Magkakilala kami. So, all you need to do right now is to calm yourself down. I'm totally fine and it all thanks to Davien."
Nilingon ko si Davien na nakatingin sa amin. Isang tango ang ibinigay niya bago inilahad ang kamay.
"Good evening, Mrs. Galvez. I'm Davien Fergus Cordell. I'm really sorry for what happened to your daughter. And yes, we're friends..." Davien said in his manner voice.
I pouted. We're friends... Na-friendzoned ako ha!Mom accepted the hand of Davien. "Thank you for saving my daughter, Mr. Cordell. Sorry for the trouble she made."
Hindi ko naman alam na may masamang balak yung matanda na 'yon! Ang galing niyang magpanggap na pulubi, 'yon pala kidnapper!
Tumango si Davien at ngumiti.
Laglag panga ko siyang tiningnan. That's the first time I saw his smile! Sa kilig ko ay natampik ko ang kanang braso ni Mommy. Agad naman akong natauhan sa ginawa.
Tumawa ako ng pilit. Si Mommy ay nakatingin sa akin na puno ng kalituhan ang mukha nito. "I-I saw a bug..." pagsisinungaing ko.
"What? A bug?! Eww!" Mommy said in her disgusted voice. Bumaling muli ako kay Davien na nahuli kong pinipigilan ang tawa. Nang makitang nakatingin ako sa kanya ay tumikhim ito at ibinalik ang seryoso niyang awra.
Silly!
"Hijo, sorry, but we have to go. Let's meet sometimes. If you want, you can go to our house."
BINABASA MO ANG
A Sorrowful Devotion ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] In life, you do things you don't want to. Sometimes you sacrifice, you compromise. Sometimes you let go and sometimes you fight. It's all about deciding what's worth losing and what's worth keeping. Rosalia is a supermodel who lov...