07

1.2K 50 4
                                    

Kabanata 07

"Don't give up on him, Rosalia! Walang susuko! Bring it on!"

Tinanguan ko ang sarili sa harapan ng malaking salamin. Pinunasan ko ang mascara na nagkalat sa ilalim ng mata ko gamit ang tissue.

Dahil sa inis ay tinapon ko ito sa sink at bumuntong-hininga.

Pagkatapos akong iwanan ni Davien doon sa may exit door dito na ako dumiretso. Ayoko naman na makita ako ng mga kaibigan ko na ganito ang hitsura ko.

Siguradong hindi nila ako tatantanan sa pagtatanong.

Sa akin na muna 'to...

Alam kong kaya ko pa.

Bumalik ako sa loob ng stadium at nakisayaw sa mga schoolmates o kahit na sino. Karamihan ay lalaki. May humingi ng phone number ko na binigay ko naman. Kahit na mag-text sila sa akin o tadtarin nila ako ng messages, hindi ko naman sila pinapansin.

Nasanay ako sa ganoon.

Well, the celebrity life...

Halos mabasag na ang eardrums ko dahil sa malakas na sigawan at kantahan. Ang lakas ng bass ng speaker! Nawiwindang ako!

Hindi ko na makita sina Roxanne at Zoey, pati na rin yung mga lalaki dahil sa dami ng tao.

Aalis na dapat ako sa gitna ng maraming tao nang may biglang humarang na lalaki sa harapan ko.

Wearing a braces and a nerd glass.

I smile at him.

"H-Hi..." He said. Nanginginig pa ang boses.

"Hello," I waved at him. Tiningnan ko ang suot nito na napaka-simple lang pero mukhang sa beach 'ata pupunta 'to. Hindi kasi sakto ang outfit nito sa event.

"I'm Victor. Nice to see you here, Rosalia..." Inilahad nito ang kamay. Tiningnan ko 'yon at may nakita akong isang makapal na libro? I don't know kung libro ba siya, mukha lang. May ribbon kasi sa gitna at may glitters pa.

"I really admired your beauty, Rosalia. Here's my gift for you. Ginawa ko 'to para sa'yo. Sana'y tanggapin mo," Victor's face turns to red as he blushes and cover his face using his other hand.

I find it cute but seriously, not my type.

Kinuha ko ito. Sa bahay ko na lang bubuksan. Nagkalat pa nga sa kamay ko ang glitters kaya pinagpag ko ito para mawala ang hindi naidikit pero useless pa din.

"Thank you, Victor. I appreciate your effort. But, I have to go, See you!" I tapped his right shoulder before I walked pass at him. Umupo muna ako. Sumakit kasi ang binti ko kakasayaw.

Ang akala ko ay makakapagpahinga ako ng saglit pero hindi pala. May mga lalaki na gusto akong isayaw at nagpa-picture pa.

Nasaan ba ang dalawang bruha na 'yon?!

Hindi talaga ako nila hinahanap?!
Lumabas muna ako ng stadium para matawagan ko sila. Unreachable ang phone ni Roxanne. Yung kay Zoey ay ring lang nang ring.

Padabog kong binalik ang phone sa bag ko at sumandal sa pader. Nginingitian ko ang mga estudyante na nakita ako sa labas.
Uuwi na lang ako. Tiningnan ko ang relo. Malapit na pala mag-ala-una eh. Patapos na 'ata yung event. Kaya uuwi na talaga ako!

Nasa parking lot na ako ay doon ko pa lang tinitipa ng message si Manong upang sunduin ako. Pero natigil 'yon nang may nagtakip sa aking mata.

Dahil sa takot ay nabitawan ko ang mahal kong iphone at tumili habang pilit na tinatanggal ang kamay na nakatakip sa mata ko.

A Sorrowful Devotion ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon