27

1.3K 38 6
                                    

Kabanata 27

"Do you promise that the testimony you shall give in the case before this court shall be the truth, the whole truth, and nothing but the truth, so help you, God?"

Jasper looked directly into my eyes before he answered. "I do,"

"Please state your first and last name."

"Jasper Fuentes,"

I felt a soft hand placed above on my right hand. I turned around and looked at Mommy which already looking at me.

Naninibago pa rin ako na tingnan siya ngayon. She looks pale. Her lower lip is crack due to dryness, and the dark circles in her eyes are now visible.

"You know him?" she asked in her feeble voice.

Tumango ako. "Yes. Tinulungan niya po kami na makaalis sa basement," tugon ko. Binaling ko na ang tingin sa harap.

"You may be seated." Clerk ordered.

Jasper obliged and sat at the witness stand. Napaayos ako ng upo nang puntahan siya ng Deputy DA at sinimulan na ang pagtatanong sa kanya.

Pinagsiklop ko ang dalawang kamay ko sa ilalim ng bench, nakapahinga ito sa ibabaw ng hita ko. Kinakabahan ako sa mga sasabihin ni Jasper.

Paano kung baligtarin niya ang lahat?

Inaakala ko na kakampi namin siya, pero hindi pala?

"What is your relationship to Mr. Dennis?" Deputy DA asked.

"He's my stepfather,"

"Where were you on the evening of September 14?"

"Nasa mansion. At isa po ako sa mga utusan ng suspek," ani Jasper.

Diretso itong nakatingin sa harapan. Minsan ay nagsasalubong ang aming tingin.

"Paano ka nasangkot dito, hijo?" tanong Deputy.

Tumikhim si Jasper.  "Sa totoo lang balak na talaga 'tong gawin ni Papa. Ang kidnapin si Mrs. Galvez pero hindi ko alam na kasama pala ang anak niya. Ang plano niya lang kasi ay maangkin si Mrs. Galvez at maikasal sila. Sangkot na talaga ako rito dahil kailangan ko siyang sundin. And he threatened me. If I will not follow his orders, he will kill my mom,"

May asawa na pala ang gunggong! At hindi ko alam kung naka-ilang asawa siya! 

"But he didn't love my Mom. Gusto niya lang talaga ang pera na mayroon si Mom at makapasok din sa loob ng politika," dagdag ni Jasper.

"Ano ba ang trabaho ng nanay mo sa politika?"

"Secretary of Finance," Huminga ng malalim si Jasper at tiningnan ang bandang gawi ng kanyang ama. "Wala sa isipan ko na magagawa niyang gahasain si Mrs. Galvez. Ang sinabi niya lang sa akin ay kidnapin ito at ikulong lang sa kwarto. Kaya pala niya ako hindi pinapaakyat kasi may binabalak siya. Hindi ako nag-dalawang isip na tulungan ang mga iba pang hinuli nito. Hindi ko alam kung bakit naisama sa sitwasyon ang iba. Tinulungan ko sila makatakas dahil alam ko na kapag nagtagal sila sa loob ng madilim na basement na iyon ay maaari silang mamatay o si Papa ang papatay sa kanila."

Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Matalim na tinitigan ang pangalawang ama nito.

"Una pa lang, hindi na kita tanggap. Ngayon, kailangan mong pagsisihan ang lahat." Aniya. Umiwas siya ng tingin dito at sa akin siya bumaling. "Sa pamilyang Galvez at sa iba pang biktima sinisigurado ko na pagsisisihan ng ama ko ang ginawa niya sa inyo."

A Sorrowful Devotion ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon