16

1.3K 49 7
                                    

Kabanata 16

"What's the face, Rosie?"

Hindi ko binalingan ng tingin si Zoey. Tinungga ko ng isang lagok ang tequila na hawak ko at inabala ang tingin sa mga taong masayang sumasayaw sa gitna with their expensive gowns and tuxedos matching some of their luxurious accessories like necklaces, gold dangling earrings, and many more that I used to see in this kind of event.

I sighed.

Pinatigil ko ang waiter at kumuha ng dalawang vodka. Nanlalaki ang mata ni Roxanne habang nakatingin sa akin, sinundan pa nang tingin ang paglapag ko sa maliit na baso ng alak na napili ko.

"Don't drink too much, Rosalia." Aniya.

Ngumisi ako. "Yes. I will." I looked away and watched those couples, dancing and goofing around. I wish I have—Oh, no! Stop thinking of that bullshit situation, Rosalia!

Iinumin ko sana ang vodka na kinuha ko nang tumingin sa likuran ko ang dalawa na at biglang napatayo at ngumiti.

I looked at my back and when I saw it, my eyes widened and I  stood up quickly.

"M-Mrs and Mr. Guillermo..." I said and walked towards the both of them and kissed their cheeks as a grateful welcome.

Tom's parents.

They are celebrating their 41st Wedding Anniversary here in their huge mansion.  But, I think, our's bigger than them. Hindi naman nag-tra-trabaho sa politika ang magulang ni Tom. Lawyer sila at may sari-sariling firm.

"Hello ladies, I'm glad to see you here. Where are your parents?" Mrs. Guillermo asked while swaying her hands in a majestic way.

Nagkatinginan kaming tatlo. Ako na ang sumagot.

"I'm so sorry, but they are all busy. Work abroad, I guess..." Hindi sigurado kong sagot at sinamahan pa ng mahinang tawa. Mrs. Guillermo nod her head and smiled widely.

"Yeah. Sayang. Gusto ko pa naman sila makita at makipag-kwentuhan pero next time na lang,"

Nagkaroon lang kami ng maikling pag-uusap bago sila lumipat pa sa ibang bisita. Kaming tatlo ay naupo ulit. Tinungga ko ang vodka. Ang isa ay kinuha ni Roxanne at nilagok 'yon.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Hmm...problem?" singit ko.

She tsked.

Si Zoey ay napangisi. "Apollo, right?"

Hindi sumagot si Roxanne. Zoey and I nod our head. Noong isang araw pa 'yan eh. Bigla-biglang naiinis o nananahimik si Roxanne kapag may nakuha siyang 'di gusto. Hindi ko alam kung ano ang mayroong away sa kanila ni Apollo. Pagkatapos nung graduation ng lima, sabi ni Zoey ay nag-bar pa daw sila, ako at si Tom lang ang hindi nakadalo.

Hinatid ako ni Tom pauwi.

At saka kung sasama man ako sa celebration party, wala din akong gana makipag-usap sa kanila at uuwi din ako.

Isang linggo na ang nakalipas nang huli kong nakita si Davien. Sa loob ng isang linggo na 'yon inasikaso ko na ang sarili ko sa pagpasok sa college. BS Management ang pinili kong course dahil 'yon ang gusto ni Mommy at Daddy para makatulong ako sa business nilang dalawa. Kung maaari pa raw eh pagsabayin ko ang Management at Political Science.

But I hate politics! Mga plastic!

I'm okay in the Management. May mga ideya na ako kung paano 'yon malalagpasan.

Marahas akong napabuga ng buntong-hininga ng maalala ko na naman ang huling pagkikita namin ni Davien sa soccer field.
Sa tingin ko ay girlfriend niya 'yon, nagkaroon ng love quarrel kaya umiiyak yung girl. Ako lang ang saling bulinggit doon, nasira ko pa nga 'ata ang momentum nilang dalawa. Baka kung hindi ako dumating, naghalikan na sila.

A Sorrowful Devotion ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon