15

1.3K 41 0
                                    

Kabanata 15

"D-Davien..."

Suddenly, he stepped backward and laughed. Ako naman ay puno ng pagtataka ko siyang tiningnan.

"Damn, you should see your face, Rosalia..." He said in between his laugh.

Sino ba kasing hindi matataranta kapag ganoon ang ginawa?

Ngumuso ako.

Ako ang trip niya ngayon ah.

Umayos ako ng pagkakaupo at binagsak ang katawan para humiga, ang kumot na tama lang ang laki ay itinakip ko sa buong katawan ko, as in buo.

Fuck him! Hindi niya ba alam kung anong klaseng impact ang ginawa niya sa puso ko?

Parang nalagutan ako ng hininga nang marinig ko ang boses nito na nang-aakit at ang aming mukha ay labis na magka-lapit sa isa't-isa.

"Taob ka pala eh," rinig kong sabi ni Davien. Padabog kong inalis ang kumot sa aking mukha at tiningnan siya gamit ang suplada kong tingin.

Bumuka lamang ang bibig ko pero wala akong mahanap na salita.

I rolled my eyes and turned my back to him and cover myself again.

I heard his chuckles.

"Goodnight, Ria. Dream tight..." Aniya. Narinig ko ang yapak nito, mukhang matutulog na din. Bigla na lang dumilim ang paligid.

He turned off the lights.

Geez, ang dilim pala talaga dito! Wala akong makita! It's pure black!

Wala bang bintana?

I felt the beads of sweat rolling down to the side of my cheeks. It's hot and I can't breathe. Inalis ko ang kumot para makasagap ng hangin at pinunasan ang pawis ko. I removed my brassiere too and put it under the pillow.

Wala nga palang aircon dito.

Tiningnan ko ang gawi ni Davien pero wala akong makita. Bigla akong napabangon dahil baka iniwan niya ako mag-isa na matulog rito.

Marahan akong bumaba sa kama. Naging bulag tuloy ako na dinadama na lang ang hangin. Hindi ko alam kung saan na ako.

Lumuhod ako para pakiramdaman ang sahig.

Ano ba itong ginagawa ko?

"Davien? Uy, Davien!" mariin kong tawag na pabulong. Natutulog na ba siya? Teka—nandito ba siya sa kwartong ito?

I start to get tense.

Napangiwi ako nang sumakit ang tuhod ko dahil sa matigas at bako-bakong sahig. Patuloy pa din ako sa paggapang.

"Ay!"

"Hey! Hey!"

"Ano 'yon?!" taranta kong tanong. Sa wakas narinig ko din ang boses ni Davien. Pero hindi ko alam kung nasaang gawi siya.

Sinubukan ko ulit na pakiramdaman siya pero may humawak sa pulupulsuhan ko at itinaas na kalebel ng ulo ko.

Isang mabigat na paghinga ang narinig ko.

"Iba nahahawakan mo..."

My eyes widened.

W-What?

Naramdaman ko ang pagbangon niya at biglang bumukas ang ilaw na malapit sa  kama. Teka, nasaan ba ang switch ng ilaw na 'yan?

I looked at Davien, salubong ang kilay nito. Dahan-dahan na binitawan niya ang pulsuhan ko. Lumayo naman ako ng kaunti.

A Sorrowful Devotion ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon