Kabanata 20
"Davvy!"
I waved my hand when I saw Davien waiting across from the school. His two arms are crossed and his brows furrowed. Nang mabaling ang tingin niya sa gawi ko ay nawala ang pagkakunot ng kilay nito at ngumiti.
Natigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Pumintig bigla ang puso ko.
He's wearing an all-black outfit!
Fuck! Bakit ang hot niya talaga?
Tumingin muna siya sa kaliwa bago tumawid. Ang mga babae ay napapatingin sa kanya. Kitang-kita ko kung paano nila tingnan ang boyfriend ko!
I tsked.
"Is that your boyfriend?"
Nilingon ko si Alexxis, na nakatingin din kay Davien bago bumaling sa akin.
"Yeah, he is," I said. Huwag mong sabihin na bet din niya?
Pagkatapos ng aksidenteng nangyari sa aming dalawa kanina ay sinamahan ko siya sa faculty at sabay na kami bumaba dahil pauwi na din siya. She's talkative but I like her charm.
Kapag kasama mo siya hindi ka mayayamot. Natatawa na nga lang ako kapag nagkwe-kwento siya na may kasama pang kilig. She just told me how she started to idolize me and she also said that I am her girl crush, ultimate crush.
Sanay na ako sa mga ganoong usapan pero nasisiyahan ako at komportable ako sa kanya.
She blinked twice and smiled awkwardly. "Ang gwapo niya. Talagang bagay kayo," Aniya.
Ngumiti ako pero hindi maiwasan ang pagtaas ng kilay ko nang tumingin siya kay Davien na nasa harap ko na, kitang-kita ko ang pagkamangha doon.
It's obvious that she likes my boyfriend.
Okay ako sa crush lang pero ang makisawsaw sa relasyon naming dalawa, hinding-hindi ako papayag.
I shifted my eyes to Davien. Tumingin din siya kay Alexxis ng saglit at bumaling sa akin. He reached for my left hand and intertwined it.
Nilingon ko muli si Alexxis na nakayuko ang ulo, ang mata ay nakatingin sa magkahawak- kamay namin ni Davien.
"I have to go, Alexxis. Bye," Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumalikod na ako. Bumaling ako kay Davien. "Hey, where's your bicycle? Naglakad ka lang ba papunta rito?"
He sighed. "Hindi ko na dinala, nasira na talaga. Mahirap nang ayusin. Nag-commute naman ako, buti nga maluwag ang kalsada kaya napaaga ang dating ko rito,"
Bigla akong nalungkot. Siguro mahalaga sa kanya yung bicycle na 'yon kasi kahit na luma at nangangalawang na ay ginagamit niya pa din, ngayon na sira ay mag-co-commute na lang siya palagi.
I bit my lower lip.
I need to buy him a new one!
Pinisil ko ang kamay nito kaya napalingon siya sa akin.
"Let's go to the mall. I have something to buy," sabi ko at nginitian siya. "Hindi mo kasi sinasabi kung saan talaga tayo pupunta..."
Narinig ko ang tawa niya. Taka ko siyang tiningnan.
"Wala din akong ideya kung saan kita pwedeng dalhin. Gusto ko lang na makita ka ngayon at makasama ka katulad kahapon,"
I can feel the butterflies in my stomach! Naitago ko tuloy ang mukha sa kaliwang braso nito dahil naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko.
He chuckled.
"Hiding because you are blushing. Damn, Ria baby, you're making me crazy..." Aniya.
BINABASA MO ANG
A Sorrowful Devotion ✔
Romance[TO BE PUBLISHED] In life, you do things you don't want to. Sometimes you sacrifice, you compromise. Sometimes you let go and sometimes you fight. It's all about deciding what's worth losing and what's worth keeping. Rosalia is a supermodel who lov...