Chapter Three

186 5 0
                                    

Chapter Three

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nagising ang diwa namin at agad naghiwalay. Sh*t!

"Sagutin mo na.." Aniya at tumikhim.

Nakita ko pa yung lips niya na may lipstick mark.

Di kasi ako naka-non-removal liptint.

Tinignan ko ang caller.

Phia's Calling...

Sinagot ko naman.

"Hello?! Where the fvck are you?! Ang mga clients! Dinudumog ako!" Bati niya agad sakin.

I laugh, "Sorry, honey. May business trip ako.." My lied.

"Mabuti na lang at mabait ako! Siguraduhin mo lang na di mo kasama yang Ajero na yan! Kundi, sasapakin ko yan!" Aniya at pinutol ang linya.

Nasanay na ako sa pinsan kong yun. Sobrang strikta at over-protective.

Galit na galit siya kay Stell tungkol sa break up namin.

Tinignan ko si Stell na naka-tingin sakin at nagtangis bagang.

Tumaas ang kilay ko.

Bat galit na naman to?

"May jowa ka na pala?" Mapaklang sabi nito.

Kumunot ang noo ko.

"Jowa?" Takang tanong ko.

"Don't lie at me! Wag mo akong gawing marupok, Cassie! Sino ba yang Honey mo ah?" Aniya nang galit.

Napamaang ako.

May gana pa itong magalit! Samantalang, ang dami nitong atraso sakin!

"A-Abat! Hoy! Bat ka nagagalit kung meron man? At saka! Baka nakakalimutan mo, ang dami mong atraso sakin!" Sigaw ko.

"Tss.. Akala ko, bati na tayo at may chance na ako. Ito! May jowa ka na pala at nagsinungaling ka pa. Business Trip. Tsk! Para naman akong kabet nito!" Aniya at sinabunutan ang buhok.

Nalaglag ang panga ko sa inaasta niya.

Chance? Bati? Jowa? Kabet?

Pfft! Bat ako kinikilig? Bat di niya alam na si Phia yung kausap ko?

I burst out with laugh.

Kumunot ang noo at niya at pumunta sa front seat para paandarin na ang sasakyan.

Nag-U turn naman siya.

Yes! Uuwi na kami!

**

Napangiti ako nang makita ko ang Condo Unit ko.

Thanks, God!

"Don worry, bukas. I will call an interview at sasabihin kong I'm just saying that para guluhin ka. Mag-aapologize ako sa lahat, pasabi na rin sa honey mo  na pasensya na sa relasyon niyo..." Ani Stell.

"And.. I'm sorry. Pinilit ko pa ang sarili ko sayo kahit na....wala na akong pag-asa.." Dugtong niya.

So? Papakawalan na niya ako? Di na niya ako guguluhin? Yey!

"Pero... Can we still be a friends?" Aniya.

"S-Sure..." Ani ko.

Ngumiti siya, "Good.." Aniya.

"Uh, I gotta go, Stell.. Thanks.." Ani ko.

Tumango lang siya.

Bumaba naman ako at nagsuot ng face mask at cap.

Pagkababa ko, pinaandar na niya ang sasakyan niya at pinaharurot paalis.

Kasabay nang pag-alis niya ay ang pagkirot ng puso ko.

Alam kong....iiyak na naman siya. Masasaktan na naman siya.

Di ko alam na  tumulo ang luha ko.

Bat ako naiiyak? Diba ito naman yung gusto ko? Ang mawala siya sa buhay ko kahit na sakit naman ang dulot nito?

Sikat ka, Stell. Sikat ang para sayo.

Isang hamak na business tycoon lang ako. Isang pianist at vocalist. Isang miyembro ng sisterhood.

Napayuko ako at dahan-dahang umalis sa kinatatayuan ko.

This time, Malaya ka na Stell. Malaya na din ako.

-----------------------------------

Edited:

Wala akong ginawang kabagohan ng story na 'to. I just edited what I said here sa ibaba, hahaxd.

- misswittyyy

Not letting you go (Metamorphica Series #1)Where stories live. Discover now