Chapter Eleven
Napagod ako sa shopping namin ni Lie pero worth it kasi bati na kami. Masaya na ako doon.
"Sino yung naghatid sayo, Hon? Kinuha sana kita kaso may lakad daw kayo ni Lie sabi ni Jenisse.." Ani Zy.
"Si Lie, Hon. Bati na kami.." Ani ko at ngumiti.
"Talaga? Good! Mas mabuti yan, Hon. Di ka na malulungkot.." Ani Zy at napatingin sa binili namin.
"Dami niyo pang binili.." Dugtong niya at ngumiti.
"Si Lie nga ang sumagot ng lahat, pati na ang hapunan natin.." Ani ko at natatawa.
"Namiss ka lang nun kaya ganun yun.." Ani Zy at kinuha ang mga pinamili namin.
"Maupo ka na, Hon. Maghahanda lang ako ng kakainin natin.." Ani ko.
"Wag na. Ikaw na lang ang maupo, Hon. Kailangan mong magpahinga. Di naman pagod ako.." Ani Zy at ngumiti.
Ghad! Kung ibang babae pa ako tapos mahal ko 'to baka noon pa ako possesive sa lalaking 'to. Kaso I'm a type of a girl na di madaling makalimot at siyempre, hindi mukha ang habol ko kundi ang totoong pagmamahal.
Naalala ko na naman si Stell.
Sa taong yun ako nabaliw ng husto! Sa kanya ako nagcrecrave ng pagmamahal.
Minasahe ko ang sentido ko.
Kaso habang nagmamasahe ako ay may biglang nagmasahe sa Sentido ko, baka si Honey 'to.
"Oo, yan, Hon.. Ang sakit dyan.." Ani ko.
Mas minasahe ni Zy ang sentido ko.
"Grabe, Hon. Sobrang sakit ng ulo ko. Kailangan ko kasing isipin lalong lalo na sa mga business na kailangan ng maraming investors.." Ani ko.
Naghintay ako sa suggestion niya kasi sobrang dami niyang masheshare lalo na kapag business.
"Hon, any suggestions? It's okay kung wala.." Ani ko.
Minamasahe niya lang ang ulo ko.
Kaya nilingon ko na agad ang nagmasahe sakin at halos gusto kong magmura at lamunin ako ng buong lupa na ito.
Si Stell!
"Oh, insan! Ngayon ka pala dadalaw? Akala ko ba next week pa?" Ani Zy at nakangiti pa.
"May time kasi ako ngayon. Ayokong mangako next week, baka magiging busy ako.." Ani Stell habang nakatingin sakin.
"Masakit ang ulo ni Cassandra. Napagod ata tong future wife mo at madaming iniisip.." Dugtong niya.
"Really, Hon? Matulog ka na muna sa kwarto, Hon. Gigisingin na lang kita sa kainan. Di pa tapos ang pagluluto ko." Ani Zy.
Tumango ako at pumunta sa kwarto ko.
Narinig ko pa ang tanong ni Stell kay Zy.
"Magkatabi kayo sa iisang bed?" Tanong niya.
Napailing ako sa tanong niyang yun.
Siyempre , hindi. Hindi siya katulad mo noon na pinagpipilitan akong tumabi sayo. Iba si Zydrick sayo, Stell
Ibang-iba.Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong sinalampak ang katawan ko sa bed ko at agad na nakatulog.
*
Nagising ako sa yugyog ni Zy sakin."Hon, you okay? Baka may lagnat ka?" Tanong niya.
Umiling ako, "D-Di naman.. Wala lang 'to. Pagod lang 'to, Hon.." Ani ko pa. Namamaos ako.
"Hmmm. Gising ka na, Hon. 6am na. Di kita ginising kagabi kasi pagod na pagod ka talaga." Ani Zydrick.
Tumango naman ako at tumayo.
"Maligo ka na. May lakad tayo, Hon.." Ani Zydrick at ngumiti.
"Sige, Hon.. Maghahanda na ako.." Ani ko.
Kaya tumango siya at umalis sa kwarto ko.
Kinuha ko na ang tuwalya at pumasok sa CR.
*
Pagkatapos kong magbihis at magpaganda ay bumaba ako.
Nakita ko naman ang isang bulto na nakaupo sa hapag kaya malapit akong ma-out balance, mabuti na lang at napahawak ako sa kapitan.
Andito si Stell?
"Halika, Hon. Ang ganda mo talaga.." Ani Zydrick at papaupuin ako sa upuan ko na kaharap kay Stell na nakapoker-face.
Ngumiti ako sa future husband ko.
Nilagyan ni Zydrick ng kanin at ulam ang pinggan ko.
"Kain ka, Hon. Bumawi ka sa kagabi. Wala kang kain..." Ani Zy.
"Oo naman, Hon. Basta luto mo, masarap sakin.." Ani ko at ngumiti.
"Nasa lahi na namin yan, Hon. Kaya kain ka na.." Ani Zy at tumabi sakin.
Kaya kumain na kami.
Tahimik lang si Stell na kumakain.
Mukhang hindi maipinta ang mood niya.
Sensitive talaga 'to kahit kailan. Sobrang halata magselos.
"Nako.. May kanin ka sa labi.." Ani Zy at hinalikan agad ako, dampi lang
*blagg!*
Napatingin agad kami kay Stell.
"Zy, Cassandra. Aalis na ako. Aalis na ako kasi may gagawin pa pala ako.." Ani Stell at mapaklang ngumiti.
"Sige.. Bye!" Dugtong niya at kinuha ang jacket at car keys niya.
"Anyare don?" Tanong ni Zydrick.
Di ako makasagot.
"Kain na lang tayo.." Dugtong niya.
---------------------------
Edited :)
- misswittyyy
YOU ARE READING
Not letting you go (Metamorphica Series #1)
General FictionCassandra tested to be with Stell Ajero but that test more stronger than she thought. Hinding-hindi siya papakawalan ni Stell....ever. In her entire life. ******* One shot must do, guys! Dedicated to Meliza Señar. - jah's adobe