Chapter Nine
Ilang araw di pumasok si Lie. Nagpapalamig lang yun. Di naman kasi yun nagpapapigil kapag may masaktan samin. Baka nagtampo siya kasi pinahahayaan ko lang si Stell sa kanya.
Si Lie lang yung kung may problema ka man reresbakan ka, pero sa panahon na ito, ayokong ma-involve kahit isa sa mga kaibigan ko.
Kakauwi lang din ni Zy kanina. Siyempre, sinundo ko siya at kumain kami sa restaurant.
"Wala kayong sched ng banda?" Ani Zy habang kumakain kami.
"Wala pa naman. Medyo busy din kami sa Sisterhood at saka sa businesses namin....uh tapos di kami bati ni Lie." Ani ko.
Di ko mapigilan ang lungkot nung masambit ko ang 'hindi kami bati ni Lie'. Namimiss ko na yung kaibigan kong yun, eh.
"Why?" Tanong ni Zy. Napahinto ito sa pagkain.
"Alitan lang ng magkakaibigan. Kasalanan ko naman eh." Ani ko.
"Kilala ko na din yan si Lie sa isang taong pagsasama natin. Mabait si Lie, huhupas din yung galit niya. Magiging bati din kayo. Hmmm?" Aniya at binigyan ako ng ngiting nakakagaan ng pakiramdam.
I smile at him.
Kaya tumayo siya at niyakap ako.
"I miss you for how many days na wala ako sa tabi mo. Madami akong namiss na lifetimes mo, gaya ng alitan niyo ni Lie." Aniya.
There have a pang of guilt na namumuo sa sistema ko.
"I miss you too.." Ani ko. And I'm so sorry for all my secrets to you...lalong-lalo na yung samjn ni Stell noon.
Humiwalay kami sa aming yakapan at ngumiti.
"Let's go?" Aniya.
Tumango naman ako at lumabas naman kami sa restaurant.
Kailangan ko na maging totoo kay Zy. Ayoko na maging selfish.
"Malapit na ang 2nd Anniversary natin. May plano ka na ba?" Ani ko.
Wala kasi akong maisip na topic kaya yun na lang binuksan ko.
Hinawakan niya naman ang kamay ko, in between fingers kami.
"Uhh.. Feeling ko.. Gusto kong imove yung weeding date natin sa Anniversary natin, diba mas maganda, Honey? More memorable yun.." Aniya.
Bigla namang kumirot ang puso ko kasi sa malayo. Nakikita ko ang nakasandal sa isang Mercedes Benz ang isang sobrang pamilyar na lalaki sa buong buhay ko.
"Diba, Hon--- Wait! Are you okay, Honey? Namumutla ka. Are you sick?" Nag-aalalang tanong ni Zy sakin at hinawakan ang noo ko.
"Your hotness is normal naman. May masakit ba sa katawan mo?" Dagdag niyang tanong.
"W-Wala lang, Hon. Nahilo lang ako saglit.." Ani ko.
"Do you want to go home? Sayang! Ipapakilala ko sana yung pinsan ko ng formal at hindi---Andito na pala siya! Stell! Halika.." Ani Zy at ngumiti sa taong ayaw ko na ata makita pa.
Pinsan ni Zy si Stell? Di naman Ajero ang apelyido ni Zy ah?
"Stell! Ito nga pala yung fiancée ko, si Cassandra. Tapos, Hon, ito nga pala ang pinsan kong sikat na sinecret guest ko sa concert niyo, si Stell. Alam mo naman, sikat pinsan ko at magaling pa kaya sinecret guest ko na. Sorry, di ako nagpaalam sayo, Hon.." Ani Zy.
Parang gusto ko nang lamunin ng lupa ako ngayon.
Ang liit ng mundo, Cassandra. Yung ikakasal sayo, related pa din kay Stell. Ang galing! Sobra!
"Hi Cassandra. I'm Stell." Aniya na parang wala. Nakangiti pa.
Tangina for the nth power!
"Hello.." Ani ko.
Gusto kong ipamukha sa kanya na di na ako apektado. Haharapin at haharapin ko na siya.
Siya pa ang dahilan kung bat nag-aaway kami ni Lie. Kung di ko na lang pinigilan si Lie, baka may sapak na ito. Nandoon na to sa Hospital.
"Gusto mo bang kumain, Stell? Kain ka muna. Ang tagal mo kasi kaya kumain na kami agad ng future Wife ko.." Ani Zy at ngumiti kay Stell.
"It's okay, insan. Kumain na ako at saka...busog pa ako." Ani Stell at tumingin sakin.
"Maganda nga....ang future wife mo.." Ani Stell habang nakatingin sakin.
Kung may plano kang ibuko at sirain kami! Wag ka na mag-abala! Ayokong mawala sakin si Zydrick. Sasabihin ko na din naman sa kanya ang nakaraan natin...soon.
"Hon.. Saan pa ba tayo pupunta? I'm tired na kasi.." Ani ko.
Siyempre, di pa ako pagod. Ayoko lang makasama si Stell ng matagal.
"Sa Park sana, Hon. But, you're tired na eh. Sayang, insan! Next time na lang, magbobond tayo with my girl. Sana sa pagkakataon na yun, Misis ko na siya.." Ani Zy at ngumiti kay Stell.
"Ayy oo nga pala, ano. Malapit na kayo ikasal. Well, congratulations then. Sige, uwi na kayo. Pagod siguro kayo pareho. May pupuntahan din naman ako." Ani Stell.
Sino pupuntahan mo?
Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Nice meeting you, Cassandra.." Ani Stell.
"Pupuntahan mo si Thea? Uyy! Dumidiskarte ka na ah!" Ani Zy.
Napatingin naman ako kay Zydrick.
Napatawa ng mahina si Stell, "Sort of. Kailangan niya ako.." Ani Stell.
Siya naman ang tinignan niya.
He's not minding me, di niya kasi ako tinignan.
Bat ako ganito? Bat ako parang....nagseselos?
Sino ba yang Thea na yan ha?
This curiousity killing me!"Bagay naman kayo. Jowain mo na kasi. Matagal na yung naghahangad sayo.. Bata pa tayo, pinapangarap ka na." Ani Zydrick at tumawa.
"Next time. Busy pa ako at saka... I'm 4 years older than her, baka child abuse aabutin ko.." Ani Stell.
"Ang sabihin mo! Torpe ka lang! Sira! Same age lang din naman sila ni Cassandra.." Ani Zydrick.
Tumawa si Stell, "Oo na! Siya, sige! Una na ako. Pupuntahan ko na siya.." Ani Stell at tinalikuran niya na kami.
"Kung kailangan mo ng tulong! Tawagan mo lang ako! Torpe mo! Move on ka na sa Ex mo!" Ani Zy.
Natigilan si Stell pero nag thumbs up siya.
Ako din, nakanganga akong nakatitig kay Zydrick.
Is Zydrick means.....ako?
"Tara na, Hon. Pahinga na tayo.." Ani Zydrick at inakbayan ako.
Kaya naglakad na kami papuntang kotse niya.
--------------------
Edited :)
- misswittyyy
YOU ARE READING
Not letting you go (Metamorphica Series #1)
General FictionCassandra tested to be with Stell Ajero but that test more stronger than she thought. Hinding-hindi siya papakawalan ni Stell....ever. In her entire life. ******* One shot must do, guys! Dedicated to Meliza Señar. - jah's adobe