10 Chapters Before The Wedding
LATE NA AKO!!! Huhubels! Napabalikwas ako nang bangon matapos kong makita yung wall clock sa wall!
'6:46 am'
Binilisan kong tiklupin yung kumot at unan kong puro laway. Kainis naman! Di ko pala naiset yung alarm clock ko sa alas singko ng madaling araw. First day of class pa naman namin ngayon tapos late ako. Naku baka nagsimula na yung first subject namin nang 7:00.
Tumakbo ako palabas ng kwarto ko at nakita ko sa kusina si mama na nagluluto ng agahan naming hotdog.
"Rhian, gising ka na pala. Pasensya na ha. Kagigising ko lang eh." sabi niya habang naglalagay ng mantika sa kawali.
"Okay lang po yun nay."
Anebeyen? Kagigising lang niya. No choice na ako. Pumasok ulit ako sa kwarto ko at saka kumuha ng school uniform.
This part was brought to you by Ren Pamintang Durog. Now available on orange, apple and strawberry flavors and it's limitied time only. Catch it now on your leading supermarkets nationwide.
Tadaa! Tapos na ako maligo. Inayos ko yung buhok ko sa harap ng salamin. Grabe, anghaba na pala nitong hair ko. Kaya andaming lalakeng nagkakandaugaga sa beauty ko specially sa long hair ko. Wahaha!
Naaalala ko pa noon yung ex ko...
"Girl, angbango naman ng hair mo, bet ko yan."
Tapos yung pangalawa kong ex.
"Astig naman nung buhok mo. Ang-haba!"
Then yung third ex ko.
"Andaming naiinggit sa hair mo pati ako. Haha! Joke"
Grabe talaga yung mga exes ko na yun! Gandang ganda sa long shiny and soft hair ko. Kaso nakipagbreak sila bigla sa akin kasi may nakilala silang mas mahabang buhok kesa sa akin. -,- ayoko nang balikan..
Inayos ko yung ipit ko, make-up, foundation, lipstick, lipgloss, hikaw, kwintas, bracelet, at kung anu-ano pang burloloy ko.
Then lumabas na ako sa kwarto ko para kainin yung agahan ko. Infairness masarap tong hotdog ah. May cheese pa sa loob. Sana ganito kasarap yung pagkain namin sa araw-araw. Pati yung kanin, parang bagong luto lang. Actually kagabi pa to eh. Sinangag lang ni mama para makain pa. Haha!
'7:46am'
O.O Late na ako! Huhubels!!!
Parang ambilis naman ng oras? Parang kanina lang, gumising ako sa kama ko ah tapos ngayon mag-aalas-otso na agad.
Matapos kong kumain, lumabas na ako ng bahay at saka tumayo sa sidewalk para maghintay ng jeep na aking sasakyan papuntang school.

BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...