#ChanningTatum

48 2 0
                                    

Habang pinupunasan ko yung pawis ko, nakarinig ako ng yabag mg mga paang paparating... At paglingon ko...

Imbes na isang pulis, tindero ng taho, tagabenta ng sampaguita o tagalako ng palamig ang inaasahan kong darating... Iba ang nakita ng mga mata ko <3

Shemay, anggwapo! Harthart! Kamukha niya si... Channing Tatum!! Waaaaa!!!!

Bigla akong tumayo mula sa kinauupuan ko at inayos yung suot kong damit. Nakakahiya naman sa gwapong nasa harap ko. Hehe.

"Miss, okay ka lang ba?"

"H-Ha? Ako ba yung tinatanong mo?"

"Hindi... May nakikita ka bang ibang tao dito maliban sa atin? Malamang ikaw. Hahaha!"

"Aba lokong to ah. Binabara ako..."

"Hahahahaha! Sorry miss."

Nakasuot siya ng americana coat. Mukhang galing din sa kasal. KASAL? Wag mong sabihin---

"Nga pala miss, tawang-tawa ako kanina nung nakita ka namin sa altar."

-,-   "Anong nakakatawa? Pinigilan ko lang yung kasal nila."

"Kakaibang pagpigil ng kasal yun ah. Minsan, kapag nanunuod ako ng mga telenobela, magpapakita yung kontrabida sa mismong pintuan ng simbahan."

"Eh hindi ako kontrabida... Edi sa altar ako lalabas. Duh! Common sense..."

Sino ba itong lalakeng to? Bakit kung makipagkwentuhan sa akin #FeelingClose?

"Hindi ko alam ganyan ka pala..."

"Anong ganito pala ako? Hindi kita gets... O.O"

"Matagal na kitang sinusundan. Hehe."

"Stalker kita? Pero anggaling mo ah... Ni hindi man lang kita napansin..."

"Pano ba naman sa iyo nakasentro tong kwento. Extra lang ako dito no? Tsaka wala man lang akong Point of View gaya ng sayo kaya hindi tuloy napapansin yung mga ginagawa ko."

"Kunsabagay.. Haha! Mukha tayong engot dito, kung anu-ano yung pinag-uusapan natin. Haha! Sige, una na ako... Baka hinahanap na ako sa bahay namin. Bye,"

Tumalikod ako sa kanya para lumakad palayo pero bigla niya akong tinawag..

"Rhian!"

Kilala niya ako? Malamang stalker ko siya. XD :3   Humarap ako sa kanya at laking gulat ko nang makita si Junix na nakatayo sa tabi niya.

Napalunok ako sa gulat.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Iwan ko na kayo ha." Umalis yung kamukha ni Channing Tatum at iniwan niya kaming dalawa.

Nakatayo lang kami ni Junix. Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Tinititigan ko ang napakaamo niyang mukha. Wala salitang lumalabas mula sa aming mga bibig. Tahimik ang paligid. angsarap niyang pagmasdan napakagaan sa pakiramdam.

Kaming dalawa lang ang narito sa likod ng simbahan. Walang ibang tao kaya susulitin ko na ang pagkakataon. Oras na siguro para sabihin ko sa kanya ang tunay na pakay ng pamilya ni Summer sa pamilya niya. Kung noong una ay natakot ako, pwes hindi na ako matatakot ngayon... Haharapin ko anoman ang pwedeng mangyari. Magsasalita na ako...

"M-may sasabihin ako sa iyo."

"Ano yun?"

Humakbang ako palapit sa kanya... "Yung--"

Pero bago ko pa man sabihin sa kanya ang lahat ng nalalaman ko, biglang nagsidatingan ang ilang tao kabilang na sina Summer, ang kanilang mga magulang, ang pari, si Lorelie, si Shane, si Ma'am Dimaunahan, si kamukha ni Channing Tatum, si manong guard, si tindero ng taho at marami pang iba... Kaya hindi ako nagkaroon ng oras para sabihin sa kanya ang totoo.

Lumapit si Summer kay Junix My Loves at hinawakan siya sa braso. "Tara na babe, ituloy na natin yung kasal na sinira ng babaeng yan."

"Sandali lang Summer."

"Bakit?" nagtaka pa ang tag-araw. XD

Humarap sa akin si Junix-my-loves. "Rhian, ano ba yung sasabihin mo?"

Tiningnan ko lahat ng tao sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Biglang humangin ng malakas kaya nahulog ang ilang dahon ng malalaking puno na nasa tabi namin.

Bumagal yung oras nang hindi ko namalayan. Sana magkaroon ulit ako ng lakas ng loob na sabihin ang totoo...

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon