Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa ng kwentong ito. Sana po ay suportahan niyo ang ending nito at sana ay magustuhan niyo kung anuman ang mangyayari sa dulo. Hindi natin alam baka mamaya niyan may barilan pa! Haha! Telenovela lang ang peg... Sabi nga ni Antonietta, "Yan ang apekto ng kapapanood niyo ng mga telenovela" Haha!
Muli, maraming salamat po.
Mula sa pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa, Adrianna "Rhian" delos Santos :)
Kasama ko ngayon ang pamilya ni Junix sa bahay nila Summer kasama ng ilang pulis. Grabe! Para akong nasa pelikula! XD
Kinausap nila ang mga magulang ni Summer. Hindi ko marinig kung ano ang mga pinag-uusapan nila pero feeling ko mahalaga yun... Sana maparusahan yung pamilya niya sa ginawa nila. Nasa labas lang ako, nakaupo sa bench na naroon nang lumapit si Summer.
"Masaya ka na? Sisirain mo pa yata ang buhay ko eh." sabi niya sa akin nang nakacrossed arms.
Tumayo ako at humarap sa kanya. "Wala akong masamang intensyon sa iyo. Gusto ko lang malaman ng lahat ang totoo."
"Yun nga! Dahil sa kagustuhan mong malaman ng lahat ang totoo, pati buhay ko, unti-unti mong sinisira! Leche ka Rhian! Oh ano, irerecord mo nanaman yung mga sinabi ko!?" sigaw niya sa akin sabay lakad palayo...
Aba, aba, aba... Ang ayoko sa lahat ay yung may nagmamatapang sa akin... kaya sumunod ako sa kanya at isang malakas na suntok sa pisngi ang binigay ko sa kanya. -,-
"Isa pa?"
Natawa na lang ako sa reaksyon niyang gulat na gulat... Hahahaha!
"Aray! How dare you!?"
"How dare you... Nyenyenye... Manahimik ka nga diyan Tag-araw at wag na wag kang mag-iinarte kasi hindi bagay sa pagmumukha mong parang pwet ng manok..."
O.O <--- Yan ang itsura niya nung narinig mula sa bibig ko ang mapupusok na salitang iyon. Wahahaha! Kawawang bata, halos maiyak na sa takot.
"Ano!? Takot ka!? Iba-blackmail mo pa ako?" tanong ko sa kanya tsaka ko siya inambahan ng suntok.
"H-hindi na... Sorry na Rhian... I didn't mean it... Tama na. Ayoko na ng suntok mo."
Hahahaha! Angsarap niyang i-video tapos iupload sa YouTube... XD Angsama ko na. Hahaha!
"Sige na nga. Pinapatawad na kita. Huwag mo nang uulitin yun. Walang mabuting maidudulot ang bagay na yun. Wag kang manakot para sa ikaaayos lang ng buhay mo."
Lumayo siya nang konte sa akin.,. "Hindi pa tayo tapos Rhian."
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...