Rhian's Point Of View
KASAL... Kaasar naman! Sa malditang si Summer pa ikakasal si Junix! Pwede naman sa akin? diba? diba? diba?
Ako si Adrianna delos Santos, Rhian for short PERIOD
Ganyan dapat nagpapakilala ang mga bitter na taong kagaya ko... Oo bitter ako. #BITTERnaBITTER!! Bitter kasi naunahan ako sa lalakeng mahal ko. Kaya wala na akong maisip na pwedeng gawin kundi ang magpakabitter...
OA na. hehe...
"ANO BA!!!? Sumasayad na yung gown ko oh! Ayusin mo naman yung paghawak!!!!" Halos maubos na yung exclamation point sa mundo dahil sa kasisigaw nung babaeng bride-to-be-lechon na si Summer... Che! Ano ba namang pangalan yan? Summer? Tag-araw? Sarap niyang ibilad sa gitna ng initan...
Akalain niyo ba naman, sumayad lang ng onte yung buntot ng gown niya, pinagalitan na agad yung may hawak sa likod. Next time kasi wag magsususot ng gown na may mahabang buntot sa likod para di sumayad...
Kabababa lang niya ng kotse niyang bulok... Haha! Mukhang magsisimula na yata yung kasal kasi dumating na siya. I'm sure, sunod na dyan yung paglalakad niya sa isle.
-,- Nasa likod lang ako ng puno ng balete sa harap ng simbahan. Tinitingnan ko yung gaganaping kasal ng crush ko na si Junix Ramirez.
Pumasok ako sa simbahan nang patago. Di naman kasi ako imbitado eh. Wahaha! Nag-aala-spy lang naman ako habang nakatago sa likod ng mga kurtina.
Haysss... saklap ng buhay ko!
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...